Ryan Yllana on ex-girlfriend Ailyn Luna: "Alam ko naka-move na siya. Ako pa lang yung hindi nakaka-move on."

Ryan says he won't leave showbiz even if he won last elections.
by Glen Sibonga
Jun 3, 2010
"Sabi ko nga sa lahat, first love ko syempre ang showbiz. Diyan ako sumikat, nakilala. Never kong iiwan ang showbiz. Pero siyempre, isasabay ko 'yan sa public service," says actor turned politician Ryan Yllana.

Last May 31, araw ng grand presscon ng Pilyang Kerubin sa Studio 5 ng GMA Network, nagkataong birthday rin ng ex-girlfriend ni Ryan Yllana na si StarStruck 2 alumna Ailyn Luna, kaya hindi maiwasang itanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ibang press kung binati ba niya ang dating kasintahan?

"Kagabi pa [May 30]. Ako po ang unang bumati sa kanya. Okay naman kami. Actually tinawagan ko siya, e. Naalala ko na birthday niya. Actually, ayaw niya na binabati siya, e," pagtatapat ni Ryan.

More than three years ago na nang maghiwalay sina Ryan at Ailyn. Oras para sa isa't isa ang naging dahilan ng breakup nila noon. Naging sobrang busy kasi ni Ryan sa career niya kaya nag-decide sila na maghiwalay na.

Si Ailyn naman after sumali at matalo sa Binibining Pilipinas ay nagkaroon pa ng ilang guestings sa mga show ng GMA-7 hanggang sa mag-decide nga itong iwan na ang showbiz. Ano na ba ang pinagkakaabalahan ni Ailyn ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nag-aaral po siya, e. Tinatapos niya yung college sa La Salle," sagot ni Ryan.

May boyfriend na ba ito?

"I'm sure mayroon na. Alam ko naka-move na siya. Ako pa lang yung hindi nakaka-move on," biro niya.

So, wala pa talaga siyang lovelife ngayon?

"Wala pa nga, e. Inuuna ko muna siyempre yung career. Tapos ngayon, nanalo pa akong konsehal. So, ita-tackle ko muna siya. Siguro after a year, tingnan natin kung mabibigyan na natin ng oras ang lovelife," saad niya.

BACK TO WORK. Nakatutok nga ngayon si Ryan sa kanyang showbiz career gayundin sa parating na responsibilidad sa pag-upo niya bilang isa sa mga bagong halal na councilors sa Parañaque City. Bagamat prayoridad ngayon ni Ryan ang paglilingkod sa kanyang mga kababayan, hindi naman daw niya iiwan ang showbiz.

"Sabi ko nga sa lahat, first love ko siyempre ang showbiz. Diyan ako sumikat, nakilala. Never kong iiwan ang showbiz. Pero siyempre, isasabay ko 'yan sa public service," sabi ni Ryan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa katunayan ay balik-trabaho na nga si Ryan after niyang manalo sa eleksyon. Kasama siya sa bagong primetime telefantasya ng GMA-7 na magsisimula na sa Lunes, June 7, ang Pilyang Kerubin na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, at Elmo Magalona.

"Okay naman, balik-primetime ako. Ang huling primetime ko ay Dyesebel pa. Pero ang last soap ko ay Kaya Kong Abutin ang Langit. Eto, nagbabalik-primetime ako with Pilyang Kerubin. Ako si Elijah dito, ang kerubin ng katabaan. Gaya nga ng pinag-usapan namin ni Direk Andoy [Ranay], hindi raw ako abnoy [abnormal], childlike lang. So, para akong bata, mamang-bata!" biro ni Ryan.

Bilang si Elijah, siya ang magiging guardian angel ni Angelica na sasanib sa katawan ni Charity, na ginagampanan ni Barbie. Kumusta naman katrabaho si Barbie?

"Okay. Alam mo first time kong maka-work si Barbie. Sobrang iba yung aura niya, e. Talagang all smiles, ang sarap katrabaho. Napakagaling at lagi siyang ready sa set. Tapos yung aura niya, parang nadadala lahat ng nasa set, lahat nakangiti."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natatawang ikinuwento ni Ryan na sa kabila ng kanyang kalakihan ay may mga eksena na raw siyang nakunan na lumilipad siya.

"Nakakatuwa nga kasi parang ang inaalala nila yung harness kung kakayanin ba ako!" biro ni Ryan. "Hindi pa naman yung lipad na lipad siya. Parang floating shot lang tapos puro ilaw."

Read Next
Read More Stories About
Ryan Yllana
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sabi ko nga sa lahat, first love ko syempre ang showbiz. Diyan ako sumikat, nakilala. Never kong iiwan ang showbiz. Pero siyempre, isasabay ko 'yan sa public service," says actor turned politician Ryan Yllana.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results