Imelda Papin features Mommy Dionisia Pacquiao in her new album and upcoming concert

by Rey Pumaloy
Jun 21, 2010
"Actually, to be honest, wala akong balak na ilagay ito o ilagay sa album [ang duet nila ni Mommy D], kasi isang oras lang niya ito ni-record, e. Souvenir lang ito, e. Pero napag-usapan namin at napagkatuwaan namin na maganda ang pagkakagawa, kaya yun, inilagay na namin sa CD. Natuwa siya! 'Uy, maganda pala ang boses ko, ha!'" says Imelda Papin about Dionisia "Mommy D" Pacquiao's debut as a singer.

Nasa Amerika ngayon ang Jukebox Queen na si Imelda Papin para sa kanyang concert sa Ocean City, New Jersey, ngayong June 26. Pero nakatakda itong bumalik sa bansa sa darating na July para sa promotion naman ng kanyang lalabas na album, kung saan nakapaloob ang duet nila ng ina ni Manny Pacquiao, na si Dionisia "Mommy D" Pacquiao.

Inihahanda na rin ni Imelda ang kanyang concert sa October 16, 2010, sa Aliw Theater na pinamagatang Bakit, The Concert with guest Mommy D pa rin.

HAPPY DESPITE LOSS. Bago umalis si Imelda last week, nakapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at sinagot niya ang lahat ng mga tanong sa kanya nang nakangiti at punung-puno ng buhay.

Bungad na tanong ng PEP, parang hindi yata siya naapektuhan ng pagkakatalo niya sa nakaraang eleksyon. Matatandaang tumakbo para sa pagka-senador si Imelda sa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL).

"Masaya nga ako, 'no! Kasi at least, nakita ko kahit kulang yung time ko at hindi ko nagampanan yung ginagawa ng isang nagkakandidato—you know, yung mga TV ads and radio—mahirap e, yung national position. Pero naniniwala kasi ako na kung sa iyo, sa iyo. Pero siyempre, you have to work hard also. Ang dami kong hindi napuntahan. So, natutuwa ako," pahayag ng beteranong singer na nagpasikat ng mga awiting "Bakit?," "Mahal, Saan Ka Nanggaling Kagabi," at "Isang Linggong Pag-ibig."

Ayon kay Imelda, hindi niya masyadong pinaghandaan ang pagtakbo niya dahil nag-file siya ng kanyang candidacy isang araw bago nagsara ang registration.

Aniya pa, humigit kumulang sa P800 thousand lang ang nagastos niya sa kampanya niya, kumpara sa ibang tumakbo sa eleksyon na hindi rin pinalad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa akin okey lang, win or lose. Masaya naman ako dahil nakita ko ang mga fans ko all over and they're there. They're very excited about, you know, me going back to politics. Yung hindi pa nakakakita sa akin, natuwa dahil kung hindi pa raw ako kumandidato, hindi pa nila ako makikita nang personal. Maganda ang experience and, God-willing, balik uli ako next election," pagbabalita pa niya pero hindi muna nagdetalye kung anong posisyon naman ang tatakbuhan niya sa susunod na eleksyon.

ABOUT NORA. Dahil parehong mahusay na singer, magkaibigan at magkababayan sa Bicol, natanong kay Imelda kung ano ang reaksyon niya sa balitang nawalan ng boses ang kumare rin niyang si Nora Aunor nang sumailalim ito sa isang beauty enhancement procedure.

"Nagparetoke siya at nawalan ng boses?" pangungumpirmang tanong muna nito sa amin.

Halatang walang masyadong alam si Imelda sa isyu kay Nora kaya tinanong pa nito kung idedemanda ba talaga ni Nora ang doktor at ang aesthetic clinic na nagretoke rito.

"Anong gagawin nila, idedemanda yung doktor? Kung gano'n, ay, oo. Kung talagang nawala yung boses niya, dapat siguro," sabi ni Imelda.

Sa mga kuwento at balitang lumabas, naapektuhan daw ang boses ni Ate Guy nang diumano'y galawin ang kanyang leeg o lalamunan habang sumasailalim ito sa operasyon.

"Siguro, kung talagang nabanat ang kanyang leeg, baka merong nagalaw...baka? Hindi ko alam, e. Iba-iba ang side effect ng nagpapaayos or kahit sinong nagpapagamot. Kahit anong gamot na tini-take mo, iba-ibang effect yun sa katawan ng tao. It's possible," palagay pa ni Imelda.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GOING UNDER THE KNIFE. Pinaghahandaan na rin daw ni Imelda ang pagpapaayos ng kanyang mukha.

"Malapit na... Three years pa, ha-ha-ha-ha! Mag-iingat din ako, no! Pero dapat ganito na ako." Sabay banat ng kanyang mukha.

"Ayoko pa ngayon kasi hinihintay ko pang magkaroon pa ako ng maraming wrinkles. Ano lang siguro yung mga wrinkles lang ang ipapagawa ko." Sabay turo niya sa magkabilang gilid ng kanyang pisngi at bandang dulo ng kanyang magkabilang mata.

Kuwento pa ni Imelda, nagkausap lang sa telepono pero hindi sila nagkita ni Nora sa Las Vegas. Nangyari yun sa huling show niya sa New Orleans Hotel bago siya bumalik ng Pilipinas at sumali sa eleksyon.

Akala raw niya ay pupunta si Nora sa kanyang show, pero hindi raw ito dumating. Pero base sa pag-uusap nila, okey naman daw ang boses nito.

WORKING WITH THE SUPERSTAR. Isa sa mga plano ni Imelda ay ang magsama sila sa isang concert ni Nora.

"Ano kaya yung susunod, kaming dalawa naman? Okey, ako na ang magpu-produce. Paplanuhin ko yung mabuti. Kakausapin ko siya. Pero nasaan ba siya?" tanong ni Imelda. Hindi pala niya alam na nasa Amerika pa ang nasabing kababayang superstar.

Pero may mga usap-usapan na mahirap daw katrabaho si Nora. Hindi nga kaya mahirap siya rito?

"No!" mabilis na pagtatanggol ni Imelda sa kanyang kumare. "Kaya ko naman siya, e. Dahil nung one time sa Los Angeles, inano ako no'ng producer, tinawagan niya ako. Sabi niya, paki naman, kausapin mo naman si Mareng Guy [Nora] kung paano...basta! Sikreto yun. Pero yun, sumunod naman sa akin si Guy," kuwento ni Imelda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nililinaw rin ng dating Camarines Sur governor na plano pa lang ang concert project nilang dalawa ni Nora na gusto niyang i-produce kung nagnanais nga raw ang superstar na bumalik ng Pinas.

LAUNCHING MOMMY D'S SINGING CAREER. Balik uli kay Mommy Dionisia, naka-schedule na raw ang paglabas nilang dalawa ng ina ng Pambansang Kamao para sa promo ng kanilang album.

Pero dahil sa kilala na rin ngayon si Mommy D, hindi kaya lumabas na ito ang i-promote at ang singing career nito, imbes na ang mismong album ni Imelda?

"Hindi naman. Kasi siyempre, sasabihin ko kung sino ang nasa album, di ba? Revival ito ng 'Bakit?' kaya dapat may kopya ang bawat Pilipino kasi kasama na rito si Mommy D," aniya pa.

Ano nga ba ang nagtulak kay Imelda para simulan ang singing career ni Mommy D?

"Actually, to be honest, wala akong balak na ilagay ito o ilagay sa album [ang duet nila ni Mommy D], kasi isang oras lang niya ito ni-record, e. Souvenir lang ito, e. Pero napag-usapan namin at napagkatuwaan namin na maganda ang pagkakagawa, kaya yun, inilagay na namin sa CD. Natuwa siya! 'Uy, maganda pala ang boses ko, ha!'" sabi raw ni Mommy D nang mapakinggan nito ang sariling recording ng "Bakit," ang hit song ni Imelda noong 1970s na nagpasikat nang husto at nagbigay ng taguri kay Imelda bilang "Asia's Sentimental Songstress."

Aminado naman si Imelda na kailangan pang magsanay nang husto ni Mommy D kung gusto nitong gawing career ang pagkanta.

"May boses naman talaga," pagpapatunay niya. "Ang ano lang ni Mommy, yung timing dahil nasanay sa videoke. Wala na siyang ibang kinakanta sa video kundi mga kanta ko. Ngayon, pag ang tao nasasanay sa video at binitawan mo sa minus one, nawawala. Maniwala kayo sa akin. Unless, professional singer ka," ani Imelda.

Sa naiisip pa lang ni Imelda na scenario kapag humarap na sa publiko si Mommy D, lalo na sa mga mall shows nila, nakakaramdam na siya ng takot.

"Oo, natatakot ako. Baka masapawan ako ni Mommy D! Magaling siya, ha! Natural siya. Saka marami na siyang fans. Hindi biro."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Actually, to be honest, wala akong balak na ilagay ito o ilagay sa album [ang duet nila ni Mommy D], kasi isang oras lang niya ito ni-record, e. Souvenir lang ito, e. Pero napag-usapan namin at napagkatuwaan namin na maganda ang pagkakagawa, kaya yun, inilagay na namin sa CD. Natuwa siya! 'Uy, maganda pala ang boses ko, ha!'" says Imelda Papin about Dionisia "Mommy D" Pacquiao's debut as a singer.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results