Derek Ramsay says he knew Angelica Panganiban and Gretchen Barretto would hit it off

by Melba R. Llanera
Aug 22, 2010
"On call ako sa Magkaribal, Angel came from shooting, so nagkayayaang mag-coffee muna. Pagdating sa set, bumaba siya sa kotse, nandun si Gretchen. Nung nagkita sila, Angel said, 'Hi.' 'Tapos kuwentuhan na sila nang kuwentuhan na parang hindi nila ako kasama," Derek (left) relates the first encounter of girlfriend Angelica Panganiban (center) and his Magkaribal co-star Gretchen Barretto (right).

Sa pagbabati nina Angelica Panganiban at Gretchen Barretto—na nauwi pa sa pagdalaw ni Angel sa set ng Magkaribal, kung saan nagkita sa kauna-unahang pagkakataon ang dalawa—naituro si Derek Ramsay na isa sa nagsilbing tulay para magkaayos na ang girlfriend na si Angelica at ang nakasamaang loob nitong si Gretchen.

Unang humingi ng tawad kay Gretchen si Angelica sa The Buzz a few Sundays ago. Agad namang tinanggap ito ni Gretchen.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Derek nung Wednesday, August 18, sa taping ng Magkaribal, klinaro agad ng aktor na ang ginawang paghingi ng tawad at pakikipagbati ng girlfriend ay nanggaling mismo kay Angel at hindi sa kanya.

"It's a nice feeling for people to say that, but to tell you the truth, at the end of the day, si Angel ang gumagawa ng sarili niyang desisyon. Di ko sinasabi ano ang dapat niyang gawin. It's mostly her, that change comes from her. She's getting older, she's becoming more mature, she's learning from her mistakes and making the right decision. I'm just here to give advice, to guide her, help her but never make the final decision. It's still up to her.

Continue reading below ↓

"When she apologized in The Buzz, I'm very proud of her. It takes a lot for you to admit your faults, all the courage na nagkamali ka, may nasabi kang di maganda, may nasaktan kang tao, and to apologize. Malambot naman talaga ang puso niya, that's the Angel that I know. Yung palaban siya, but she's also forgiving, mapagpatawad at marunong mag-apologize.

"I got to work with Gretchen every other day and she's a great person. I always said that even at the height of the controversy. Minsan nga tinatanong niya ako dati, 'Di ba nasasaktan si Angel kapag I said those things?' Angel didn't hate Gretchen. Siguro there were moments na nagkaanuhan ng mga salita but they're both clowns, pareho silang matapang. They've got strong personalities, and alam ko dati pa, given the chance magiging magkaibigan talaga sila."

INSTANT FRIENDS. Kuwento ni Derek noong dumalaw ang girlfriend sa set:

Continue reading below ↓

"On call kasi ako sa Magkaribal, Angel came from shooting, so nagkayayaang mag-coffee muna. Pagdating sa set, sabi ko kay Angel, bumaba siya sa kotse, nandun si Gretchen. Nung nagkita sila, Angel said, 'Hi.' 'Tapos kuwentuhan na sila nang kuwentuhan na parang hindi nila ako kasama. Of course, I'm really happy na makita na naayos na yung problema."

Matapos maospital si Derek for dengue, si Enchong Dee naman daw ang tinamaan ng sakit at kasalukuyang nasa ospital.

Sabi ni Derek, "Kaka-dengue ko lang siguro a week ago. One week ako sa hospital, ang laki ng pinayat ko, kailangang matulog, kumain nang tama. Masama na ang pakiramdam ko nung Sunday na yun, nag-collapse ako sa University of Makati. Naglaro ako ng Frisbee, nag-collapse ako, so hayun dumiretso na ako sa hospital nun. Pabalik-balik, matigas ang ulo, 'kala ko maybe heatstroke or kaunting fever, so di pa ako nagpapa-confine sa hospital, hanggang sa natuluyan talaga. Nag-spot test sila for dengue, after three or four days, positive ako. Now I'm ok."

Continue reading below ↓

IT'S NOT ANGEL. Kamakailan ay lumabas sa ilang tabloids ang litrato ng isang babaeng kita ang dibdib habang ito'y nagbibihis, at pinangalanan itong si Angelica. Agad naming hiningan ng reaksyon si Derek tungkol dito, at tinanong kung may balak silang mag-file ng reklamo laban sa mga diyaryong naglabas ng nasabing larawan.

"Oo nga, nabalitaan ko nga 'yan. I saw it and it's not her. I don't think Angel is being affected by it. Nakakaawa naman yung babae na talagang nasa litratong yun. We come from a country na talagang ginagalang ang mga babae, that's what I like about the Philippine culture, the way we respect women more than any country that I've been to... Diyan sa nangyaring 'yan, it doesn't show our Filipino culture na ginagalang ang mga babae. We might not think we're hurting somebody by putting a picture, but sa picture na 'yan, you can do damage to somebody.

Continue reading below ↓

"No, we won't file a case. I mean, this is part of our industry. If we just make things so much bigger, gulo at abala lang yan. Kung may dapat mag-file ng action, yung babae sa litrato, she should be the one to do something."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"On call ako sa Magkaribal, Angel came from shooting, so nagkayayaang mag-coffee muna. Pagdating sa set, bumaba siya sa kotse, nandun si Gretchen. Nung nagkita sila, Angel said, 'Hi.' 'Tapos kuwentuhan na sila nang kuwentuhan na parang hindi nila ako kasama," Derek (left) relates the first encounter of girlfriend Angelica Panganiban (center) and his Magkaribal co-star Gretchen Barretto (right).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results