Marian Rivera: "Walang sinuman ang makakatinag sa aming dalawa."

by Rose Garcia
Aug 22, 2010
Last August 16's taping of Endless Love ground to a halt when Marian Rivera fell victim to food poisoning and was rushed to the hospital by worried boyfriend, Dingdong Dantes. So when confronted with another rumor that she was jealous of somebody, she replied, "Ano ba naman, lahat na nga ginagawa sa akin ni Dong, magseselos pa 'ko?"

Noong August 16, isinugod sa ospital si Marian Rivera ng boyfriend na si Dingdong Dantes. Hindi na nila natapos ang taping ng kanilang primetime series na Endless Love noong araw na iyon, dahil sa pananakit ng tiyan at pagsusuka ni Marian, na later ay napag-alamang food poisoning pala.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong ay naikuwento nitong ang pancit na kinain ni Marian ang nakasira sa tiyan nito.

AT THE HOSPITAL. Up and about na ang aktres nang makapanayam ng Startalk kahapon, August 21, at ikinuwento nito ang mga pangyayari.

"Nagpunta kami ng hospital para talagang mabigyan ako ng tamang gamot. 'Saka ma-check up lahat. Sobrang sumama talaga ang pakiramdam ko. 'Tapos yun nga, nagsuka ako. Sobrang dami ko yatang nakain. Although, gusto nila akong kuhanan ng mga tests para makasigurado. E, pinapakiramdaman ko, nagiging okay naman ang pakiramdam ko."

Tungkol kay Dingdong na nagsugod sa kanya sa hospital, ngiti ni Marian, "Oo, parang tatay ko nga. Kasi, siya talaga yung nagwo-worry, siya yung nagdala sa akin sa hospital, siya yung nakikipag-usap. Noong ginagamot ako, nandoon siya sa tabi ko.

Continue reading below ↓

"Kasi kapag may nararamdaman ako, hindi ko na kayang magsalita. Ibig sabihin no'n, hindi ko na kaya. Sobrang istrikto ng doctor ko na yun, na lugaw lang ang puwede kong kainin," natatawa pa niyang sabi. "Pero ngayon, kumakain ako ng rice na walang mantika lang."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

NO CAUSE TO BE JEALOUS. Tinanong ng Startalk kung talaga bang wala pa silang planong magpakasal. May intrigang kumakalat na engaged na sila at ngayong taong ding ito magpapakasal, tulad nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

"Kahit paulit-ulit nating sagutin 'yan... well, para sa akin, hindi intriga 'yan. Basta ang importante, love namin ni Dong ang isa't isa. Yun ang pinakaimportante. Yun ang pinanghahawakan kong talaga."

May pinagseselosan daw ngayon si Marian na kasama nila ni Dingdong sa trabaho?

"May kategorya 'ko bago 'ko magselos at wala pang nakakapuno sa akin at nakaka-level sa category. At saka, walang selos... Ano ba naman, lahat na nga ginagawa sa akin ni Dong, magseselos pa 'ko, di ba?

Continue reading below ↓

"Sobra-sobra na ang ginagawa sa akin ni Dong at alam ng lahat kung gaano kami katibay ni Dong at kung gaano namin kamahal ang isa't isa. Hindi naman sa isang iglap lang mawawala yun, hindi. Walang sinuman ang makakatinag sa aming dalawa."

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Last August 16's taping of Endless Love ground to a halt when Marian Rivera fell victim to food poisoning and was rushed to the hospital by worried boyfriend, Dingdong Dantes. So when confronted with another rumor that she was jealous of somebody, she replied, "Ano ba naman, lahat na nga ginagawa sa akin ni Dong, magseselos pa 'ko?"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results