Survivor celebrity castaway Moi Bien says she will never leave boss Piolo Pascual

by Rommel R. Llanes
Aug 24, 2010
"Sa akin naman po, feeling ko, ang hanggang gusto ko lang, Survivor, kasi iyon ang... hindi ko naman... Ayoko namang magmayabang, pero hindi ko rin pinangarap na gumanun [sumikat]. Kasi gusto ko lang, simpleng buhay. Na nag-aaral ako, gusto kong makapagpatayo ng ganito, ganyan-ganyan," says Moi Bien, one of the castaways in Survivor Philippines: Celebrity Showdown.

Kahit bit role lamang, napansin agad ang nakatutuwang karakter ni Moi Bien (Marcampo) sa pelikulang Kimmy Dora bilang katulong nina Kimmy at Dora (both played by Eugene Domingo).

Sa tunay na buhay, sampung taon nang naninilbihan si Moi bilang personal assistant o PA ng sikat na aktor na si Piolo Pascual. Namasukan si Moi sa sikat na aktor sa rekomendasyon ng isang kaibigan.

At ngayon, isa si Moi sa celebrity castaways sa Survivor Philippines: Celebrity Showdown ng GMA 7, na mapapanood na simula sa Lunes, Agosto 30, sa GMA Telebabad.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Moi sa presscon ng naturang reality show hosted by Richard Gutierrez, kagabi, August 23, sa Studio 5 ng GMA Network Center


JOINING SURVIVOR. Ang unang tanong ng PEP kay Moi ay kung bakit siya sumali sa naturang reality show ng Kapuso network.

"Sumali po ako kasi celebrity edition, so nakita nila ako sa Kimmy Dora, tapos 'yon. Kinuha ako. Pero at the same time, kailangan pa rin nila akong interbyuhin kung kaya ko, baka mamaya mag-quit ako or something. Ayun, na-interview po ako, marami po akong pinagdaanan para makarating dito," kuwento ni Moi.

Continue reading below ↓

Paano siya nagpaalam kay Piolo?

"Nung una po, nung tinawagan nila ako, siya unang sinabihan ko, na tumawag sa akin ang Survivor, kung gusto ko raw sumali. So, sinabi ko, tapos po siyempre parang kinakabahan ako, baka mamaya hindi papayag kasi ako din, gusto ko yung Survivor, kasi gusto ko may challenge sa buhay. So, nung sinabihan ko siya, parang kinakabahan ako, baka hindi umoo. Pero nung sinabihan ko, ang laking oo po yung natanggap ko kaya tuwang-tuwa ako."

Hindi siya nagdalawang-salita kay Piolo?

"Hindi! Pagkasabi ko, oo siya agad. So, parang na-excite ako. Sabi ko, 'Game na, tara na umalis na tayo!' Kasi baka bawiin!" tawa ni Moi.

Dagdag niya, "Ayun, malaking oo ang natanggap ko kaya happiness, masaya ako."

Bago siya umalis patungo sa isang isla sa gitna ng Andaman Sea sa Thailand, ano ang bilin sa kanya ni Piolo?

"Ano po, sabi niya galingan ko daw, magpakabait lang, makisama sa mga tao. Kasi since ako naman, parang hindi naman talaga ako celebrity. Kumbaga, ang mga kasama ko celebrity. Yung ano siyempre, galing pa rin ako sa ano... So, siyempre makisama, makibagay sa mga kasama kong celebrity dahil siyempre, iba pa rin yung katayuan nila sa akin. Yung ang ano niya, maging humble lang."

Continue reading below ↓

PIOLO'S PA. Habang wala siya, sino ang pumalit bilang PA ni Piolo?

"Nung umalis po ako, may tinrain akong dalawa, sa bahay at saka yung PA niya. Yung isa po pamangkin ko, yung isa naman galing sa ate ni PJ [tawag ni Moi kay Piolo], tauhan nila. So, hindi na po kami nahirapan," saad ni Moi.

Paano ngayong bumalik na siya?

"A, doon pa rin po ako nakatira ngayon sa kanya. So, tumutulong naman po ako kahit papaano. Pag may ganito lang [presscon], nagpapaalam pa rin ako saan man ako magpunta. Yung mga schedule ko kasi, nakakahiya naman po, baka sabihin pabaya na akong ano...na hindi ko na siya inaalagaan. So, lagi kong pinagpapaalam kung ano ang trabaho ko bukas, yung mga ganun."

Pagbalik niya, ano ang una niyang sinabi kay Piolo?

"Kasi po nung ano po, tumawag ako, sobrang excited ako. Sabi po niya sa akin, 'Umuwi ka na dito kasi miss na kita,' sa phone. Nung bumalik na po kami, siya nasa bahay po siya. Ayun, sabi niya, 'Umuwi ka na dito kasi na-miss na kita.'"

Continue reading below ↓

Pagdating niya sa bahay ni Piolo, ano ang sinabi ng aktor sa kanya?

"Pagdating ko, kasi sobrang itim ko kasi sa isla, sabi niya sa akin, huwag daw muna akong magpakita sa kanya, hindi raw niya ako kilala! Nagpagupit pa ako, sabi niya, 'Ano 'itsura mo? Hindi kita kilala! Sino ka? Magtago ka muna!'" natatawang kuwento ni Moi.

Tinanong ba siya ni Piolo kung nanalo siya?

"Hindi naman po, kasi alam naman niya yung mga ano na bawal, yung mga ganun. So, hindi naman siya masyadong nag-uusisa."

Nagkuwento siya kay Piolo ng mga experiences niya sa isla?

"Hindi pa po, e. Kasi mula nung dumating ako, hindi pa naman kami masyadong nakakapag-bonding kasi since busy rin siya."

Mula nung dumating siya, may time ba na sumama na siya muli sa shooting or taping ni Piolo bilang PA?

"Wala pa e, kasi busy rin ako. My God!" tawa ulit ni Moi. "Pareho kaming busy. Pero ayun, gusto ko rin namang sumama kasi gusto ko pa rin naman na kung ano yung ako dati, ganun pa rin."

Continue reading below ↓


NOT LEAVING PIOLO. What if manalo siya at sumikat, iiwanan ba niya si Piolo? Aabot ba siya sa punto na mamimili siya between Piolo and her newfound fame?

"Naku, patay! Hindi ko alam, hindi pa ako makapag-decide. Sabi nga nila, 'Let's cross the bridge when we get there!' My God, statement!" natawa rin si Moi sa kanyang sinabi.

Tinanong ba siya ni Piolo na "Kapag sumikat ka, iiwan mo na ba ako?"

"Hindi po ako nagtanong," sagot ni Moi. "Sabi ko kasi, ayoko ng ano, hindi. Sa akin naman po, feeling ko, ang hanggang gusto ko lang, Survivor, kasi iyon ang... hindi ko naman... Ayoko namang magmayabang, pero hindi ko rin pinangarap na gumanun [sumikat]. Kasi gusto ko lang, simpleng buhay. Na nag-aaral ako, gusto kong makapagpatayo ng ganito, ganyan-ganyan. So, wala naman kaming mga ganun pa sa ngayon."

Hanggang Survivor lang talaga siya, then balik na siya kay Piolo?

Continue reading below ↓

"Opo, gusto ko po yung ganun."

Kahit dumating ang chance na umasenso siya nang bonggang-bongga?

"A, siguro po kung may ganun na ano, siguro tatanggapin ko. Pero hindi ko siya iiwanan," diin ni Moi.

Kahit busy na rin siya?

"Hindi. Andun pa rin yung communication namin. Kung may time ako, tutulong ako, ayun po. Ayoko po nung iiwanan siya kasi ang laki ng utang na loob ko dun sa tao, wala akong masabi sa kabaitan niya."

Kahit anong mangyari, hindi niya puputulin ang anumang koneksiyon niya kay Piolo?

"Opo, yung communication namin, yung ano naming dalawa."

Handa ba niyang isakripisyo ang lahat para lang kay Piolo?

"Ako, ginawa ko na!" bulalas niya. "Oo, kasi matagal na ako sa kanya, e. Kumbaga, para sa akin, kaya kong ipagpalit yung kaligayahan ko para... alam mo yung ganun? Para sa kanya. Like kunwari imbes na mag-day off ako or mag-ano ako, uunahin ko muna yung trabaho ko kasi gusto ko maayos muna lahat bago ako, bago ang sarili ko. Ganun!"

Continue reading below ↓

Paano niya ide-describe si Piolo in one word?

"Perfect!"

LESSONS LEARNED. Ano ang pinaka-natutunan ni Moi sa Survivor Philippines?

"Ako, yung pag-appreciate nung mga bagay-bagay kahit maliit lang. Tulad ng pagkain namin doon [sa isla]. So, ayoko nang magtatapon ng pagkain, yung mga ganun. Kasi extreme yung naranasan namin doon, 'tsaka ano pa...pakikisama, makibagay sa iba't ibang klase ng tao, 'yon. Habaan yung pasensiya para maka-survive ka kahit saan ka man mapunta. Like mga ganito, alam mong makibagay sa kanila."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sa akin naman po, feeling ko, ang hanggang gusto ko lang, Survivor, kasi iyon ang... hindi ko naman... Ayoko namang magmayabang, pero hindi ko rin pinangarap na gumanun [sumikat]. Kasi gusto ko lang, simpleng buhay. Na nag-aaral ako, gusto kong makapagpatayo ng ganito, ganyan-ganyan," says Moi Bien, one of the castaways in Survivor Philippines: Celebrity Showdown.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results