Isang batang bugaw si Marlon (Carlo Lacana). Lumaki sa hirap
at sa maling impluwensiya, dito nakita ng bata ang solusyon sa kahirapan niya
sa buhay.
Ito ang eye-opener na episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado ng gabi, October 4, sa direksyon ni Jeffrey Jeturian. Sa pagbibida ng mga batang artista tulad nina Ella Cruz, Jacob Dionision, Kristel Fulgar, Gemmae Custodio at pati na rin ni Lotlot de Leon at Lito Pimentel, siguradong pag-uusapan na naman ang episode na ito. Si Carlo ay unang nakilala sa kanyang pagganap bilang anak ng demonyo na si Angelo sa TV series na Maligno.
Maalaala Mo Kaya(October 4, 2008)
Director: Jeffrey Jeturian
Writer: Shugo Praico
Cast: Lotlot de Leon, Lito Pimentel, Ella Cruz, Jacob Dionisio, Kristel Fulgar, Gemmae Custodio and Carlo Lacana as Marlon
Ang host ng Maalaala Mo Kayaay si Ms. Charo Santos-Concio. Mapapanood ito tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.