Martin Escudero restarts his showbiz career on TV5

by Ruel J. Mendoza
Jan 26, 2011
"Hopefully, maganda ang simula ko sa TV5. Mukhang magtatagal ako dito at hindi lang Babaeng Hampaslupa ang gagawin ko for them. I am eager to work hard again," says former Kapuso actor Mart Escudero.

Bagong pagharap sa kanyang showbiz career ang gusto mangyari ngayon ng dating Kapuso actor na si Mart Escudero—na ngayon ay kilala na bilang Martin Escudero—sa kanyang paglipat sa TV5.

Kasama si Martin sa malaking cast ng unang dramaserye ng Kapatid network, ang Babaeng Hampaslupa. Gagampanan niya rito ang papel ni Andrew, ang young businessman na umiibig sa isang mahirap na babae na nagngangalang Grace, na ginagampanan naman ni Alex Gonzaga.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Martin sa presscon na ipinatawag ng TV5 noong Lunes, January 24, sa Cravings Restaurant, Tomas Morato Ave., Quezon City, sinabi nito na gusto niyang magsimula ulit at mabigyan ng fresh approach ang kanyang career sa 2011.

Inamin ni Martin na may mga pinagdaanan siyang mga problema kaya naapektuhan ang kanyang promising career sa bakuran ng GMA-7.

"Nagkasunud-sunod kasi ang mga nangyari kaya medyo naapektuhan ako," sabi niya.

"Kapag ganyan kasi, nawawala ang drive mo sa trabaho. Yun pa naman ang pinakaimportante—yung hindi mawala ang drive mo to work.

"Kaya hopefully, maganda ang simula ko sa TV5. Mukhang magtatagal ako dito at hindi lang Babaeng Hampaslupa ang gagawin ko for them. I am eager to work hard again."

FROM MART TO MARTIN. Kumportable naman daw siya sa pagpapalit ng pangalan niya from Mart Escudero to Martin Escudero.

Paliwanag niya, "Actually, Martin naman talaga ang unang name na ginamit ko noong gawin ko yung afternoon series na Agawin Mo Man Ang Lahat for TAPE Inc. sa GMA-7 din.

"Naging Mart na lang noong sumali ako ng StarStruck 4. Okey lang na magpalit kasi noong nasa ABS-CBN pa ako, Marc Butler naman ang name ko when I did Qpids. Kaya hindi na issue ang magpalit ng name sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang huling naging regular show ni Martin sa GMA-7 ay ang afternoon series na Gumapang Ka sa Lusak. Bago ito ay nakasama rin siya sa cast ng Rosalinda, Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, Gagambino, SRO Presents Reunion, at Dear Friend: The Three Bachelors.

Noong November 2010 pa raw nagkaroon ng negotiation para sa isang project na gagawin ni Martin sa TV5. Nagkaayos lang daw nitong pagpasok na ng January 2011.

"Nagpaalam naman kami ng manager ko [Popoy Caritativo]," banggit ni Martin.

"Maayos naman ang lahat kasi after Gumapang Ka Sa Lusak, wala pa silang [GMA-7] nabigay na bagong project. June pa natapos yung series, pero wala akong ginagawa.

"Mabuti na lang naging busy ako sa pag-shoot ng isang indie film, yung Zombadings: Patayin Sa Shokot si Remington.

"Kaya noong nasabi naming may offer ang TV5, hindi naman naghabol pa ang GMA-7.

"In fact, binigyan pa nila ako ng guesting sa Jillian: Namamasko Po noong December. Bale yun ang last na ginawa ko for GMA-7 bago ako lumipat dito sa TV5."

BREAKUP WITH JENNICA. Malaki ba ang naging epekto sa kanyang career nang maghiwalay sila ng girlfriend niyang si Jennica Garcia?

Obserbasyon kasi ng marami ay patok ang love team nila ni Jennica kaya nagkasunud-sunod ang projects nila. Pero noong maghiwalay sila, si Jennica lang ang nagkaroon ng projects at napag-iwanan na si Martin.

"Mahirap mang aminin, pero in a way, malaking tulong kasi yung naging team-up namin ni Jennica," sabi niya.

"Since sa una naming pagsasama in Impostora, naging maganda ang pagtanggap sa amin ni Jennica kaya ginawa namin yung Ako si Kim Samsoon, Pasan Ko Ang Daigdig, Gagambino, Dear Friend, at Boys Nxt Door.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"I can say na naging maganda talaga ang team-up namin. Pero siyempre, dumating din sa pagkakataon na hanggang doon na lang.

"Wala namang makakapagsabi na hindi ko sinubukang maayos kami. I did my best, pero siguro nga hanggang doon na lang.

"Ang maganda naman, magkaibigan pa rin naman kami ni Jen. Though hindi na kami nagkikita o nagkakausap, alam ko naman na magkaibigan kami.

"Last kaming nagkatrabaho was sa SRO Presents Reunion. Sana kung aksidenteng magkita kami ulit, okey pa rin kami."

Ngayon ay katrabaho ni Martin ang present boyfriend ni Jennica na si Alwyn Uytingco sa Babaeng Hampaslupa. Wala bang awkward feeling noong magkita sila ni Alwyn?

"Kilala ko naman si Alwyn, e. Nasa Dos pa ako no'n, magkasama kami sa Qpids. Kaya we know one another noon pa.

"Kung may awkwardness ba sa amin? Meron naman kahit papa'no. Siyempre, hindi maiwasan na may magtanong about Jennica at pareho kaming naiugnay sa kanya. Hindi talaga maitatanggi 'yon.

"Pero para sa akin, it's all in the past. Ako ang past, si Alwyn ang present. Nirerespeto ko ang relasyon nila.

"Kahit sabihin man nila na showbiz ako, masaya ako para sa kanila," nakangiting sabi ni Martin.

Walang nililigawan ngayon si Martin at naka-focus daw muna siya sa kanyang trabaho. Marami pa naman daw siyang time para manligaw.

"I will be turning 21 years old this year kaya marami pang time para sa panliligaw. I had my share of relationships kaya tama na muna 'yon. Work muna tayo dahil na-miss ko ang maging busy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ALJUR ABRENICA. Nagpaabot din ng kanyang pagbati si Martin sa kasabayan niya sa StarStruck 4 na si Aljur Abrenica. Isa siya sa very proud kay Aljur dahil nabigyan na ito ng pagkakataon na magbida sa sarili nitong primetime series na Machete.

"Aljur deserves it kasi alam ko kung gaano siya kasipag. Noong StarStruck days pa lang namin, siya yung makikita mong serious sa lahat ng gawin naming challenges.

"Kaya hindi ako nagulat nang gawin na siyang bida kasi karapat-dapat naman talagang gawing bida na si Aljur," sabi ni Martin.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hopefully, maganda ang simula ko sa TV5. Mukhang magtatagal ako dito at hindi lang Babaeng Hampaslupa ang gagawin ko for them. I am eager to work hard again," says former Kapuso actor Mart Escudero.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results