Nar Cabico dreams of writing an original Pinoy musical

Nar Cabico heeds Regine Velasquez's advice about songwriting
by Ruel J. Mendoza
Oct 20, 2018
Singer/composer Nar Cabico on his dream project: "May theater background din kasi ako at gusto kong makalikha ako ng isang original Pinoy musical. Medyo ambitious iyon, pero naka-set ang mind ko sa project na iyon."

Isa sa mga nalungkot sa pag-alis ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa GMA-7 ay ang Kapuso singer-songwriter and comedian na si Nar Cabico.

Nakasama kasi si Nar si Regine sa weekly show nito noon na Full House Tonight at ilang beses na siyang nakapag-guest sa Sarap Diva.

Sa naging panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Nar noong nakaraang October 16 sa Gourmet Gypsy Arts Café in Quezon City, marami raw naipayo si Regine sa kanya, lalo na pagdating sa pagiging isang songwriter.

Kuwento niya, “Isa sa naging payo sa akin ni Ate Reg ay yung maging generous ako sa mga songs na sinusulat ko.

“Ginawa niya kasing example si Kuya Ogie [Alcasid] na naging mapagbigay sa paggawa ng mga awitin niya para sa ibang singers.

“Huwag ko raw itago or maging selfish ako sa mga songs na meron ako.

"Mas maganda raw yung ipinamigay ko iyon kasi doon darating ang maraming blessings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

''At doon din daw ako makikilala ng marami dahil sa mga songs na iyon."

AWARD

Kelan lang ay nagwagi sa Awit Awards 2018 si Nar sa category na Best Novelty Song para sa awitin niyang “Gaga.”

Ngayon ay may ilang upcoming singers daw na gustong hingan si Nar ng original composition.

“Nakakatuwa na sila pa yung nagtatanong kung puwede ko ba silang gawan ng song.

''May kumukumisyon na rin sa akin sa ganitong klaseng project.

"Nakakatuwa lang kasi pagkakataon ko na itong i-share ang music ko.

"Gusto ko nga sana, lahat ng mga singers ngayon na kilala ko ay gawan ko ng original song,” ngiti pa niya.

Sina Regine Velasquez-Alcasid, Jennylyn Mercado, Mark Bautista, Christian Bautista at Gary Valenciano ang ilan lang sa mga singers na pangarap gawan ni Nar ng original compositions niya.

Nakapagtapos si Nar ng Arts Management degree sa De La Salle College of Saint Benilde, pero nagpatuloy pa rin siyang pag-aralan ang music, na first love daw niya talaga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

PIVOTAL TURNING POINT

Sumali pa siya sa Elements Music Camp kunsaan nakasama niya ang iba pang budding young musicians.

“Elements Music Camp is one of those life experiences that when I look back 10 years from now, I'd realize how pivotal it was for me.

"So many creative portals have opened within me not only as an artist, but as a person.

"It has definitely shifted the way I see life, and the way I hear music,” pag-amin niya.

ADVICE FROM MENTOR

Kabilang sa naging mentor ni Nar ay si Maestro Ryan Cayabyab.

Lahad niya, "One of the many things I learned from Mr. C is to really dig deep into one’s own culture and history, so the artist will have a full understanding of why our music sounds the way it does.

"Through that, it would be easier for the artist to expand their creativity."

DREAM PROJECT

May isang dream project si Nar at ito ay ang makasulat siya ng isang original Pinoy musical.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"May theater background din kasi ako at gusto kong makalikha ako ng isang original Pinoy musical.

"Medyo ambitious iyon, pero naka-set ang mind ko sa project na iyon.

"Bumili na rin kasi ako ng upright piano para doon ko isusulat ang mga music para sa mabubuo kong musical," pagmamalaki niya.

LOVE LIFE

Kasama si Nar sa napiling 30 finalists ng PhilPOP 2018 dahil sa kanyang original composition na "LDR" (Layong Di Ramdam) na tungkol sa long-distance relationships.

Relate na relate si Nar sa sinulat niyang song na ito dahil long distance ang relationship nila ng kanyang mister na si VJ Capule na isang private nurse sa US.

Kinasal si Nar at VJ sa Los Angeles, California noong August 19, 2017.

"Doon kasi siya naka-base ever since and we try to communicate as much as we can.

"Nandiyan naman ang video chat, Facetime at lahat na ng puwedeng magamit para makapag-communicate kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"He was here last month lang for a brief vacation.

''Ngayon, balik na siya ulit sa Amerika para magtrabaho. Nami-miss ko na nga siya agad.

"I wrote LDR, not just for myself but for other people who have a loved one living overseas.

"What I like to impart with the songs is that love never fails despite the distance.

"Magkalayo man kayo, love will always keep you near each other," makahulugan niyang pahayag.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer/composer Nar Cabico on his dream project: "May theater background din kasi ako at gusto kong makalikha ako ng isang original Pinoy musical. Medyo ambitious iyon, pero naka-set ang mind ko sa project na iyon."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results