Dingdong Dantes thankful for off-cam bonding moments with Dennis Trillo 

Dingdong Dantes mounts disaster preparedness, environmental awareness crusades
by Rose Garcia
Nov 11, 2018
Dingdong Dantes on bonding with fellow Kapuso Dennis Trillo off-cam: “Minsan, mas magiging okay ang pagbuo ng friendship off-cam. Ang daming experiences namin together kung saan na-develop na namin yun."

Kasabay ng pagiging abala ni Dingdong Dantes sa kanyang mga advocacies tulad ng The Color Run ay puspusan na rin ang pagte-taping nila ni Dennis Trillo ng bago nilang Kapuso primetime series, ang Cain at Abel, na magsisimula nang mapanood sa November 19.

Ikatlong pagsasama na raw nilang dalawa.

Lahad niya, “First time namin sa Twin Hearts, 'tapos Encantandia, then ito.”

May naging adjustment din ba sila ngayon ni Dennis na magkasamang muli sa trabaho?

“Siguro masasabi ko na perfect na ngayon namin ginawa ito,” saad niya.

“Siyempre, knowing each other for so many years, ako... siguro nandito na 'ko sa GMA halos twenty years na.

“Siya, halos ganun din.

“Masasabi ko na yung pagkakaibigan namin ay mas nade-develop in the process.

“Minsan kasi hindi mo naman siya made-develop kapag magkatrabaho kayo.

“Minsan, mas magiging okay ang pagbuo ng friendship off-cam.

“Ang daming experiences namin together kung saan na-develop na namin yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At para mag-portray ng magkapatid, kinakailangan na may certain level of comfort na kayo sa isa’t isa.

“Masaya 'ko na ngayon namin ito ginawa sa punto ng buhay namin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa GMA-7 noong November 8, sa presscon para sa The Color Run Hero Tour na gaganapin sa November 18.

DISASTER PREPAREDNESS

Bahagi ng I Am Super campaign ni Dingdong ang magaganap na The Color Run kunsaan makakasama niya ang iba pang mga Kapuso stars tulad nina Sanya Lopez, Manolo Pedrosa, Paul Salas at marami pang iba.

Ayon kay Dingdong, “Itong I Am Super, isa siyang disaster preparedness ng Yes Pinoy Foundation.

“Ngayon, ang partner namin ay ang Run Rio, GMA network at ang The Color Run Ph.”

Ayon kay Dingdong, kakaiba ang The Color Run kumpara sa ibang mga isinasagawang long-distance races o running events dahil masasabing "fun run" talaga siya.

Walang oras na naka-set dito, kaya yung iba, puwedeng maglakad lang kung gugustuhin nila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi nga niya, “Yung The Color Run is an international franchise.

“Sine-celebrate siya all over the world at ang Run Rio is officially head organizer ng Color Run dito sa Pilipinas.

“So lahat ng mga ginagamit natin, yung tema, pati yung mga gamit ay mandated by the international, yung mismong may-ari.

“Masaya dahil yung Hero tour ay yun ang theme nila this year at sakto sa theme ng Yes Pinoy which is I Am Super.

“Kaya parang perfect timing talaga lahat para sa amin ito.”

Ang Run Rio nga raw ang nakipag-partnership sa kanya sa pamamagitan ng YPF at sila naman ay nakipag-partner sa GMA Network.

Sabi pa ni Dingdong, “Para magkaroon ng kahulugan ang isang event.

“Hindi lang for fun or revenue. Pero siyempre, para rin for a cause, may mga beneficiaries.”

ENCOURAGING ENVIRONMENTAL AWARENESS

Obvious na ang isa sa advocacy talaga ni Dingdong na host din ng isang infotainment show sa Kapuso network, ang Amazing Earth ay ang pangangalaga ng environment at disaster preparedness talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa bahay nila, paano nila ito naituturo naman sa anak na si Zia?

“Siyempre unang-una, meron kaming Go Bag.

“Ibig sabihin, ang nilalaman niyan ay lahat ng kakailanganin kapag nagkaroon ng disaster, ang first-aid kit.

“Merong tubig, energy bar that can keep you alive for three days.

“Yan yung bag na pinamimigay namin sa mga kabataan, sa mga public schools.

“Mahalaga na magkaroon ang tahanan natin ng Go Bag kasi halimbawa yung sinasabi nilang The Big One [super earthquake] na pupuwedeng mag-hit sa atin sa Metro Manila.

“Kapag nangyari yun e, very, very disastrous yun and we need to be prepared.”

Dugtong pa niya, “Sa bahay namin, meron kaming preparedness na alam nila saan sila magda-duck, maghu-hold, magku-cover kung sakaling mangyari yun.

“Ano ang gagawin nila pagkatapos? Saan sila pupunta? Sino ang tatawagan nila?

“So yung mga ganung bagay, maganda sana kung lahat ng tahanan sa atin ay may ganung protocool para maging systematic kung sakaling may mangyari na sana, 'wag naman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Go Bag daw simula nang ilunsad nila ay may libong beneficiaries na rin silang nabigyan kunsaan, ang mga bag ay gawa ng social enterprise group na Taclob, na binubuo ng typhoon Yolanda survivors.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Dantes on bonding with fellow Kapuso Dennis Trillo off-cam: “Minsan, mas magiging okay ang pagbuo ng friendship off-cam. Ang daming experiences namin together kung saan na-develop na namin yun."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results