Sa presscon ng huling pelikula ni Paulo Avelino, ang Goyo: Ang Batang Heneral, sinabi ng aktor na pagkatapos ng naturang proyekto ay gusto niya munang magpahinga at pansamantalang talikuran ang showbiz.
Inakala ng iba na baka tulad ng aktor na si John Lloyd Cruz ay iwanan na rin ng aktor ang industriya at piliin na lang mamuhay bilang isang ordinaryong tao.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Paulo sa ABS-CBN trade launch na ginanap kamakailan sa PICC Forum The Tent, siniguro ng aktor na nakapag-recharge na siya mula sa ilang buwang bakasyon at ngayon ay handa na siyang sumabak muli sa trabaho.
Ani Paulo, "Okay naman, medyo maraming inaayos sa labas na trabaho, medyo marami ring na-realize.
"Heto ready na uli, medyo nakapagrecharge na. Tingnan natin, kailangan lang nating ayusin yung work-life balance natin."
Kinumusta din namin kay Paulo ang relasyon nila ng Filipina-Australian model girlfriend na si Jodie Elizabeth Tarasek.
"Ayos naman, happy naman," maikling sagot nito.
Excited ang aktor para sa kanyang upcoming teleserye, ang The General's Daughter, kasama sina Angel Locsin, Maricel Soriano, at ilan pang stars ng ABS-CBN.
Kuwento ng aktor, "Very excited, medyo kakaiba siya sa mga nagawa na ng mga cast dati. Intense talaga, medyo aksyon.
"Si Angel ay magbabalik-aksyon na uli, so very exciting sa whole cast. Ang lalaki rin ng cast, with a lot of veterans actors, so nakaka-excite talaga."
Puring-puri naman ng Kapamilya actor si Angel na hindi pala niya nakatrabaho noong pareho pa silang nasa bakuran ng GMA-7.
Aniya, "Actually never ko siyang nakasama sa kabila. First time pa lang naming magkakatrabaho ngayon.
"Okay naman siya, very professional. Kapag may kailangan siya, 'tapos wala yun sa set, siya na ang gumagastos para sa set. Ganun siya ka-involved sa show."
Hanga ba si Paulo sa kakayanan ni Angel sa pag-arte?
"As an actress? Kahit naman ako, we all get better with experience. Mahusay, mahusay na artista si Angel."
Tinanong din namin si Paulo kung naka-eksena na ba niya si Maricel Soriano na kilala sa showbiz na mataray at prangka.
"Di ko pa siya nakaka-eksena pero lagi ko siyang nakakasama sa ganitong mga events.
"Napakabait ni Inay. Inay kasi ang tawag namin sa kanya, Inay Maria. Napakabait, maayos na katrabaho, very professional. One hour before nasa set na, fully made-up.
"Wala akong masabi sa professionalism niya bilang isang artista."
Para kay Paulo, sa kabuuan ay naging maganda ang tinakbo ng 2018 sa kanya at positibo siya sa taong 2019.
"Actually masuwerte ako ngayong 2018. Not for anything pero tuloy-tuloy yung mga pelikula na ginawa ko. Lumabas yung pelikula naming Kasal 'tapos yung Goyo, then heto nga sinasalubong ko ang 2019 na may bago akong palabas para sa mga Kapamilya natin."