Toni Gonzaga: "20 years na ako sa industriya, sanay na sanay na 'kong ma-bash."

Toni Gonzaga explains why Paul Soriano does not want to direct her.
by Rose Garcia
Dec 20, 2018
PHOTO/S: Noel Orsal

Inalala ni Toni Gonzaga na noong bata siya, namamasko sila ng kapatid na si Alex Gonzaga. Ang pera na napamaskuhan daw nila, ginagamit nila para manood ng mga pelikula sa Metro Manila Film Festival.

At sa unang pagkakataon, nagkaroon ng katuparan ang pangarap nila dati na magkaroon ng pelikula sa Metro Manila Film Festival.

Sina Toni at Alex ang bida sa MMFF 2018 entry na Mary, Marry Me. Bukod dito, unang sabak rin ni Toni bilang isang producer sa sarili niyang TinCan Productions.

May sariling production outfit ang kanyang mister na si Direk Paul Soriano, pero ito rin daw mismo ang humikayat sa kanya na mag-produce.

“Si Paul nag-push sa akin,” lahad ni Toni.

“Sabi niya, kapag natatakot ka, mas gawin mo. If it’s something that scares you, you should do it more because you will never learn if you never try.”

Si Toni raw talaga ang naglabas ng pera para sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Ako lang, pero under Ten17 lang siya. Kasi, yung mga glossy films na gusto kong gawin, yung mga feel good, parang yun na ang akin. Kasi yung Ten17, parang mga pang-award winning films so sa akin yung mainstream naman.”

Kahit director ang mister niya, nagsabi raw ito agad na hindi niya ididirek si Toni.

Dahil dito, ang matagal nang assistant director ni Paul na si RC delos Reyes ang naging director ng Mary, Marry Me.

“Ayaw niya,” sabi ni Toni tungkol sa pagtanggi ni Paul na idirehe siya.

“E, ako raw ang magdidirek sa kanya.”

May plano rin daw si Toni na bukod sa pagiging producer, directing naman ang papasukin niya.

“Sana next year matuloy. Mag-aaral ako.”

Dito lang daw siya sa bansa mag-aaral ng directing.

“Siyempre gusto kong gumawa ng pelikulang pang-Filipino, so kailangan kong aralin ang audience na Filipino.”

Matagal na raw niyang naisiip ang pasukin din ang pagdidirek katulad ng kanyang mister.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon kay Toni, “It’s been in the back of my head na i-try siya. I had so many concepts na pini-pitch ko for Star Cinema and then, naa-approve ang iba, so yun…”

Pero nilinaw naman ni Toni na under contract pa rin siya ng Star Cinema at bago nga raw niya gawin ang Mary, Marry Me, nagpaalam pa siya sa film production arm ng ABS-CBN. Tinulungan pa raw sila ng Star Cinema managing director na si Olivia Lamasan.

Inamin ni Toni na bilang first-time producer, nagkaroon siya ng takot na maglabas ng malaking pera o pumasok sa isang malaking investment tulad ng pagpo-produce.

“Oo,” pag-amin niya.

“Pero, di ba, ang buhay naman ay isang malaking sugal. Parang malaking sugal. So kung malaki ang binet mo, expect mo na kapag bumalik sa ‘yo, malaki rin.

“Kung hindi naman, it’s always a learning process.”

Pero hindi na raw niya iri-reveal kung magkano ang naging budget ng MMFF entry nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi na namin siyempre sasabihin ang budget. Pero kapag kumita na ang pelikula, saka na namin sasabihin na bumalik na ang investment,” natatawang sabi niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Toni sa grand presscon ng pelikula sa Hive Hotel noong December 15.

Marami daw siyang na-realize kung gaano kahirap gumawa ng isang pelikula ngayong producer na siya.

“Mahirap, mahirap,” saad niya.

“Parang ngayon ko napi-feel ang napi-feel ng ibang directors na pagta-trabahuhan mo ng ilang buwan pagkatapos kapag panood ng ibang tao, iba-bash lang nila ng ganun-ganun lang.

“Hindi nila alam ang hirap, pagod, dugo, pawis na pinagdaanan. Tapos kapag nag-bash sila about the certain film, parang alam niyo ba ang mga pinagpuyatan namin diyan?

“Parang ngayon napi-feel ko na ganun pala yun, kaya pala sensitive ang ibang directors kapag medyo critical sa film nila, kasi nandoon sila from the very beginning.”

Handa na ba siya kung sakaling may mang-bash o hindi maka-appreciate ng pelikula nila nina Alex at Sam Milby?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Oo, 20 years na ako sa industriya, sanay na sanay na ‘kong ma-bash.”

Dugtong pa ni Toni, “Siguro masakit din ng konti. Pero I will always take everything in a constructive way to help me grow. I will try filter what will benefit me and I will try to absorb kung ano ang makakatulong sa akin.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results