Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Chokoleit arrested in Dubai for wearing micro shorts

by Jimi Escala
Apr 7, 2011
Comedian Chokoleit was arrested last Saturday, April 2, for wearing this short (in photo) on the streets of Dubai. "Isang malaking katsipan talaga!" says Chokoleit about his experience.

Dahil sa pagsuot ng micro shorts ay hinuli ng mga pulis sa Dubai ang comedian na si Chokoleit.

Isang kaibigan na nagkataon na nasa Dubai ang nag-text sa writer na ito tungkol sa balita, na kinumpirma naman ng komedyante sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, April 7.

Nangyari ang insidente noong Sabado, April 2.

Kuwento ni Chokoleit, papauwi na siya ng Pilipinas nang mangyari ang insidente. Naglalakad daw siya patawid ng kalsada galing sa tinuluyan niyang hotel sa Dubai nang bigla siyang hinintuan ng mga pulis at binitbit sa presinto.

"Malay ko bang matsambahan ang alindog ko ng mga pulis!" sabi ni Chokoleit.

Mahigit five hours daw sa police station si Chokoleit. Kahit anong pakiusap daw niya na pakawalan na siya dahil mahuhuli na siya sa flight ay hindi raw siya pinakinggan ng mga pulis.

Bawal daw pala kasi sa Dubai ang magsuot ng maiksing shorts sa kalye.

Dahil sa nangyari ay naiwanan ng flight niya si Chokoleit.

Continue reading below ↓

"Wala talagang piyansa, na-question lang ako kaya sa ilang oras ko sa presinto, hindi na ako nakahabol sa flight ko going back to Manila kaya nagpa-rebook na lang ako. First flight back diretso ako US Embassy for Star Magic US tour. Last Monday pa nangyari yun.

"Isang malaking katsipan talaga!" banggit pa ni Chokoleit tungkol sa naging experience niya.

Read Next
Read More Stories About
Chokoleit, Dubai
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedian Chokoleit was arrested last Saturday, April 2, for wearing this short (in photo) on the streets of Dubai. "Isang malaking katsipan talaga!" says Chokoleit about his experience.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results