Naging contestant sa It’s Showtime Tawag Ng Tanghalan ang apo ng yumaong King of Comedy Dolphy na si Rowell Quizon.
Bigo nga lang si Rowell na makaabante sa final round ng TNT.
Pinatunayan ni Rowell na apo siya talaga ni Dolphy dahil marunong din itong magpatawa nang kausapin siya ng dalawang hosts ng It’s Showtime na sina Vice Ganda at Vhong Navarro.
Bukod sa pagkanta, marunong mag-impersonate si Rowell. Ginaya niya ang singing style at boses nila Janno Gibbs, Jaya, at Ogie Alcasid.
Pinagaya rin sa kanya sina Manny Pacquiao at ang lolo niyang si Dolphy.
Anak si Rowell ni Freddie Quizon, isa sa labing-walong anak ni Dolphy. Ang ina ni Freddie ay si Engracia Dominguez.
Sa edad na four years old ay nasubukan na raw niyang maging extra sa sikat na sitcom ng kanyang Lolo Dolphy noon na John En Marsha. Nakasama rin siya sa pelikula ni Dolphy na Home Along Da Riber noong 2002.
Bata pa lang si Rowell ay may talento na ito sa pagkanta. Sa edad na 16 ay sumali ito sa isang banda bilang lead vocalist at tumugtog sila sa Japan ng isang taon.
Nang bumalik si Rowell sa Pilipinas in 2006, nagtrabaho ito bilang singer sa ilang comedy bars sa Malate. Nag-audition siya noon para sa Philippine Idol sa ABC 5 at umabot siya hanggang Top 24.
Noong 2010 ay sumubok ulit na sumali si Rowell sa isang singing contest, this time sa 3rd season ng Pilipinas Got Talent ng ABS-CBN. Umabot siya bilang semi-finalist.
In 2016, nag-perform ito kasama ang comedienne na si Divine Aucina sa Superstar Duets ng GMA-7.
Matagal nang kilala ni Vice Ganda si Rowell dahil madalas daw ito manood sa comedy bar kunsaan may set siya noon.