Committed and smart actors.
Ganito inilarawan ng film director na si Antoinette “Tonet” Jadaone sina Liza Soberano at Enrique Gil nang gawin nila ang pelikulang Alone/Together.
Ito ang unang beses na nakatrabaho ni Tonet sina Liza at Enrique, na kilala bilang LizQuen tandem.
Sa media conference ng pelikula noong January 30, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang pagkakaiba ng LizQuen sa ibang love teams na nakatrabaho ni Tonet.
“Every actor is different, pero it’s always in the context of the movie.
“Parang every movie requires a different creative process. The way I work in every movie, parang iba yung creative process, so, parang dito, since first time ko silang makatrabaho, iba yung naging process ko.
“So, it’s also a different story kasi it’s about nga how my college was," sagot ng direktor na nagtapos ng kursong Film and Audio Visual Communication sa University of the Philippines Diliman.
Ang ginawa raw ni Tonet para maging makatotohanan ang pagganap nina Liza at Enrique ay ang pag-conduct ng immersion.
“Pag pupunta ako ng UP, sinama ko sila. And it’s a movie situated in UP kahit hindi taga-UP si Liza.
“Kailangan niyang ma-feel yung hindi siya artista.”
Gayundin din daw si Enrique na totoong mga doctor ang mga kasama sa set para maramdaman niya ang kanyang karakter na isang doctor.
Kabilang sa mga love teams na idinirek ni Tonet ay sina James Reid at Nadine Luste (Never Not Love You, 2018), Joshua Garcia at Julia Barretto (Love You To The Stars and Back, 2017), at Angelica Panganiban at JM de Guzman (That Thing Called Tadhana, 2014).
IMPRESSED BY LIZQUEN
Puring-puri ng direktor ang Kapamilya love team na LizQuen.
“First time kong maka-work si Liza and si Enrique, so, parang before mag-start yung movie, pinanood ko yung mga pelikula nila ulit, although nanonood talaga ako.
“Napanood ko naman talaga lahat ng pelikula nila, kahit as a movie fan.
“Pero nung nakatrabaho ko na sila, nakakausap ko na sila, I found out they are very smart actors, really smart.
“You know it when they ask their questions on how they should do their scenes.
“Alam mo na nag-iisip silang actors.”
Nakakabilib din daw ang commitment na ipinakita nila sa kanilang roles.
“Si Liza and si Enrique were really very committed to playing Christine and Raf from the very start,” kwento ng director.
“Even before we started shooting kasi coming to this film, gusto ko lang talaga ikwento yung pelikula, pero when we started working in the workshops and auditions, I was really impressed how committed they were to their characters.
“Minsan, sila pa ang nagsasabi na, ‘Direk, kailangan natin ng isa pang workshop.’”
Kwento pa ng direktor, “Kahit nung before we left for New York, we would leave at 9:00 sa gabi, pero gusto pa nilang mag-workshop ng 10:00 AM ng araw na 'yon.
“Ako nga gusto ko na lang mag-impake.
“So, parang nakakatuwa na itong dalawang ito, hindi nila pinapabayaan ang character nila.”