May YouTube Play Button na si Judy Ann Santos-Agoncillo!
Dahil sa more than 473,000 subscribers ng Judy Ann’s Kitchen YouTube channel ay napagkalooban ng Silver Play Button ang online cooking show ng aktres.
Mismong sa Facebook Live ng Judy Ann’s Kitchen last January 23 natanggap ni Judy Ann ang kanyang award.
Ayon sa Wikipedia, YouTube Play Buttons are "a part of the YouTube Creator Rewards. They act as recognition by YouTube of its most popular channels.
"These are distinct from the YouTube Awards, which were intended to recognize the best quality videos. YouTube Creator Rewards are based on a channel's subscriber count, but are awarded at the sole discretion of YouTube. Each channel is reviewed before an award is issued, to ensure that the channel follows the YouTube community guidelines."
Ayon pa rin sa Wikipedia: There are currently three different tiers of rewards, plus a fourth that has been awarded only twice:
1. The Silver Play Button is given to channels that reach or surpass 100,000 subscribers.
2. The Gold Play Button is given to channels that reach or surpass 1,000,000 subscribers.
3. The Diamond Play Button is given to channels that reach or surpass 10,000,000 subscribers.
4. The Custom Play Button is given to channels that reach or surpass 50,000,000 subscribers.
Nakausap namin si Judy Ann sa Tanay, Rizal noong January 24 sa taping ng Starla, ang upcoming TV series niya sa ABS-CBN.
UNEXPECTED REWARD
Alam na ba niya beforehand pa na may award siya from YouTube?
Ani Judy Ann, “Hindi pa, wala akong idea, pero ang alam ko nga at some point pagka naka-reach ka na ng 100,000 subscribers, may plaque ka na, pero hindi ko alam na nung araw na yun ibibigay sa akin.
“Saka hindi naman ako nag-e-expect kasi baka naman mamaya may iba pa silang… alam mo yun, may iba pa silang kino-consider bago ibigay sa ‘yo yung plaque.
"So hindi rin ako nagtatanong, kasi hindi naman ako 'expectorant' [expecting] sa mga ganyan.
“Kasi nung ginawa naman yung Judy Ann’s Kitchen, no expectations naman talaga.”
Ano ang pakiramdam na over 489,000 subscribers na ang Judy Ann’s Kitchen?
“Siyempre nakaka-proud at saka hanggang ngayon parang…hindi naman nakaka-pressure, pero mas nakaka…
"Hindi ako makapaniwala na magiging ganun kalawak yung reach ng Judy Ann’s Kitchen.
“Kasi nung kino-conceptualize naman siya at saka nung ginagawa naman siya, basically wala siyang konsepto, yun naman yung totoo dun.
“Nung shinoot na lang namin siya na-realize ko na lang na, ‘Oo nga naman bakit hindi natin ipakita kung ano talaga yung nangyayari sa kusina?’
“Kasi unang-una hindi ko naman ipe-present yung sarili ko… hindi ko naman pine-present yung sarili ko as a chef, kasi hindi naman ako chef.
“Alam ng mga tao na mahilig akong magluto, alam ng mga tao na palagi kong sinasabing passion ko yung pagluluto.
"And ang daming nagtatanong sa akin ng mga kung paano gawin ‘to, paano gawin ‘yan.
“Alam mo naman ako, kapagka halimbawang may pinagdadaanan akong isang bagay sa career ko, gagawa ako ng something na matagal ko nang gustong gawin, tapos dun ko ibubuhos talaga yung sarili ko, di ba?"
MORE RECIPES FROM JUDY ANN'S KITCHEN
Ikinuwento rin kung paano nila nasimulan ni Nicky Daez, kapatid ni Mikael Daez, ang Judy Ann's Kitchen. Si Nicky ng Seabiscuit Film ang direktor ng show.
Pagpapatuloy ni Judy Ann, “Sinabi ko lang kay Nicky, ‘Just don’t… ilagay mo lang lahat ng mali, huwag mong tanggalin yung bloopers or yung mga napaso.'
"Yung hindi talaga kumulo yung tubig, yung ganun, kasi yun yung realities ng kusina, saka ganun ako magluto.
“Wala siyang expectations so hindi rin ako nag-expect na magiging ganun kaganda yung feedback ng mga tao, especially sa mga bata.
"Dun ako gulat na gulat! Parang six, seven years old lumalapit sa akin, ‘I watch Judy Ann’s Kitchen!’
“May mga nagme-message sa amin na ginagawa ng mga anak nila yung mga recipes na ginagawa ko sa Judy Ann’s Kitchen.
"Nai-inspire sila, from zero knowledge of cooking hanggang sa tina-try na nila yung mga recipes.
“Nakakataba ng puso... Wala naman akong nakukuha dito, e, apart dun sa alam kong nakaka-inspire ako ng mga tao at may natututunan sila sa akin.
"At the same time, nagiging stress-reliever every Saturday yung Judy Ann’s Kitchen, kumbaga naging Saturday habit nila yung Judy Ann’s Kitchen.
“That alone…kung naiibayad ko lang yun sa pang-shoot ng Judy Ann’s Kitchen, wala akong problema at all.”
At tumawa si Judy Ann, “Wala akong poproblemahin, hindi ko kailangan mag-season break.”
Sa ngayon ay ayaw muna ni Judy Ann ng mga major sponsors para sa kayang online show.
Mapapanood na ang Season 10 ng Judy Ann’s Kitchen ngayong Sabado, February 2, at 10:30 am, sa YouTube channel na Judy Ann’s Kitchen.
Paliwanag pa niya, “Season 10… kasi baka isipin ng mga tao ang bilang natin ng season is from one episode to the 13th episode…
"Season 10 kasi per taping, yun yung tinatawag nating season, so per season is 5 episodes, tapos like for a month or depende kung ilan ang Sabado ng isang buwan, yun yung tinatawag nating season.
“So parang ang ganda din pakinggan na Season 10, at saka naka-one hundred-plus recipes na pala ako, dun ako hindi makapaniwala, ang dami-dami ko na palang nagawang recipes.”