Sylvia Sanchez avoids working with confrontational directors

Sylvia Sanchez doesn't mind being second choice for movie Jesusa
by Melba R. Llanera
Feb 2, 2019
<p>Sylvia Sanchez explains why she avoids working with confrontational directors: “Takot ako sa direktor na tinetensyon ako. Takot ako na binubungangaan ako sa set, kasi di ko naibibigay ang best ko. Mas gusto ko na kausapin ako ng direktor ko at i-explain sa akin mabuti na ito yun."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal

Inamin ni Sylvia Sanchez na hindi siya sanay sa kalakaran ng ibang direktor na naninigaw o kaya'y minimura ang mga aktor na katrabaho nila, mapa-TV man o pelikula, kapag hindi nila kayang gawin ang iniuutos nito.

Ayon sa Kapamilya actress, mas nahihirapan siyang mag-focus sa hinihingi ng kanyang karakter kung may nagaganap na tensyon sa pagitan ng direktor at mga miyembro ng kanyang cast.

Inamin ito ni Sylvia sa PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal) sa nakaraang press conference ng pelikulang Jesusa na ginanap sa West Avenue Hotel, West Avenue, Quezon City, nitong nakaraang Martes, January 29.

Lahad niya, “Kahit sabihing marunong akong umarte, kahit ilang shows, ilang roles na ang nagampanan ko, takot ako sa direktor na sinisigawan ako.

“Takot ako sa direktor na tinetensyon ako.

“Takot ako na binubungangaan ako sa set, kasi di ko naibibigay ang best ko.

“Mas gusto ko na kausapin ako ng direktor ko at i-explain sa akin mabuti na ito yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Di ako magaling na magaling na artista. May mga times na di ako nakakaarte.

“Pag ganun kasi ang nangyayari kausapin mo ako. 'Sylvia, ito yung emosyon, ito yung gusto kong makita,' in a nice way.

“Mas nahihiya ako dun, mas magpupursige ako na ipakita ang best ko kaysa sigawan ako.

“Nung sinabi niya na walang sigawan, walang tensyonan, cool lang tayo sa set, then sabi ko, 'Ako na si Jesusa.'

“Tinatanggap ko na yung project.”

COMMUNICATION IS KEY

Ayon sa Jesusa lead actress, mas maganda ang bukas na komunikasyon sa pagitan niya at ng direktor para mas nagkakaintindihan sila.

Ito ang pinagpapasalamat niya sa direktor ng Jesusa na si Direk Ronald Carballo.

Sabi niya, “Ako rin ang apektado. Hindi ako kampante.

“Sinisiguro ko na pag nagdirek ka, meet halfway tayo.

“Kunbaga, collaboration. Usap tayo nang maganda.

“Pag ganun kasi, mas maganda yung trabaho na lalabas.

“Kilala ko kasi siya na maldita, kaya siniguro ko muna.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Useless na tanggapin ko ang Jesusa na ganun siya, 'tapos di ko maibibigay yung 100% ng best ko.

“Thank God, from day 1 hanggang matapos yung movie, wala akong narinig kay Direk Ronald.

“Karamihan ng scene, pupunta siya sa akin, yayakapin niya ako.

“Nagte-thank you at puro rinig ko sa kanya, 'Sylvia, thank you. I love you.'

“Mas ginaganahan akong umarte.”

SECOND CHOICE FOR ROLE

Ibinahagi rin ni Sylvia kung paano napunta sa kanya ang role na unang inalok kay Nora Aunor.

Ayon kay Sylvia, hindi naging isyu sa kanya kung second choice lang siya para sa pelikula.

“Noong nag-meet kami ni Direk Ronald, pagdating ko dun, kinuwento niya sa akin yung project.

“Naging honest sila sa akin na second choice ako at di naman ako dun nasasaktan.

“Sa Be Careful With My Heart, di rin ako first choice dun.

“Marami akong projects na di ako first choice.

“Sa akin napupunta at ako ang suwerte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi importante sa akin kung sino ang first choice nila, ang importante sa akin napunta at gagampanan ko.

“Nung kinausap ako ni Direk Ronald, ganito, ganun, in-explain niya, di niya alam slowly bawat binibitawan niyang salita about Jesusa, pumapasok na siya sa sarili ko.

“Pumapasok na siya sa katauhan ko, parang ako na si Jesusa.

“Isa lang ang gusto kong marinig para totally matanggap ko na yung movie.

“After nung kinausap na ako ni Direk Ronald, sabi ko, 'Wow! Ibang-iba ito sa akin, sige kunin ko ito.'

“Never kong ginawa, so parang, 'Wow! Challenging. Parang bagong role, bago ito, why not?'”

ONE CONDITION

Bago tinanggap ang role, may kundisyong hiningi si Sylvia kay Direk Ronald na tinupad naman ng director/writer.

“Pagkatapos niyang magsalita, tinanong ko siya, "Direk Ronald, anong klase kang direktor?

“Kasi kilala ko siya as news reporter, writer ng iba't ibang shows. Di ko siya kilala as direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kilala ko siya na pag si Ronald, ang taray.

“Nasa isip ko, 'Magtataray ba siya?'

“Nasa 80% na tatanggapin ko. Heto na lang ang tanong ko, 'Anong klase kang direktor?'

“Sabi ko, 'Mabait ka ba sa set? Naninigaw ka ba ng artista? Nanenensyon ka ba ng artista?'

“Sabi niya, 'Ay, hindi! Chill lang ako. Di ako naninigaw.'”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Sylvia Sanchez explains why she avoids working with confrontational directors: “Takot ako sa direktor na tinetensyon ako. Takot ako na binubungangaan ako sa set, kasi di ko naibibigay ang best ko. Mas gusto ko na kausapin ako ng direktor ko at i-explain sa akin mabuti na ito yun."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results