Chariz on joining Bubble Gang: "Yung TF [talent fee] ni Ogie, pinaghatian naming tatlo."

Cast members joke that they became Bubble Gang mainstays because of Ogie Alcasid.
by Rey Pumaloy
Feb 15, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Nagbahagi ng kanilang magandang karanasan ng Bubble Gang cast members sa 22nd anniversary show nila noong nakaraang taon, ang Bubble Gang’s Parokya Na 'To: A Laugh Story.

Ang Bubble Gang ay kino-consider na longest running gag show sa Philippine television na umi-ere sa GMA-7. Pinangungunahan ito ni Michael V. o kilala rin sa showbiz bilang si Bitoy.

Na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Paolo Contis, Chariz Solomon, Valeen Montenegro, at Betong Sumaya para sa re-staging ng musical play na gagawin sa Waterfront Resort & Hotel ngayong February 15.

Muli silang nagbalik-tanaw sa naging impact sa kanila ng nasabing anniversary show.

Ayon kay Chariz, nagsilbing team-building ang paggagawa nila ng play.

Aniya, “Yung pinakana-appreciate ko dito sa show namin para siyang naging team-building para sa amin, dahil dito lalo kaming naging close. Yung show namin last year nag-dalawang run yun, most of us umiiyak yung iba sa amin.”

Sinegundahan ito ni Valeen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iba yung feeling na nagawa namin. Tapos yung pag nagri-rehearse pa lang kami parang, 'Ay, naku, hindi naman natin 'to magagawa. Hindi naman nag-enter si ganyan, hindi naman nagsalita si ganyan.'

“And then, nung showtime na, as in on time yung everyone. Ang galing.”

Dugtong pa ni Chariz: “Ang hirap kasi mag-teatro e,”

Ani Valeen: “Yung discipline ba.”

Ayon kay Paolo, hindi sinadya ang pagkakapili sa mga players ng kanilang musical show.

Paliwanag niya, “Since kilala ni Bitoy personally yung buong cast, binagay lang niya sa bawat cast member yung sa kung anong swabe, like yung sa character ko bastos siya. Sino pa ba? E, di ako yun.”

Tinatayang nasa lima o anin na taon na sa Bubble Gang si Paolo.

Kuwento niya kung paano siya naging bahagi ng gag show.

“Before kasi lagi akong nagi-guest. Pag absent si Ogie [Alcasid] before ako yung reliever. Simula nong nag-siyete [GMA-7] ako, ako yung laging reliever.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sina Francine Prieto, Diana Zubiri, at Rufa Mae Quinto ang mga naabutan niya sa show noon.

Patuloy pa ni Paolo, “Nung lumipat na si Ogie, yun na yun, naging regular na ako. “

On and off ang description ni Chariz sa naging partisipasyon sa programa bago siya naging regular artist dito.

“Kasi po after StarStruck, naging regular ako sa Bubble Gang. But it was very hard that time. So, pero na-regular ako sabay kami [Paolo], five or six years.

“Pero dati kasi guest lang ako for a month or two.”

Tatlong taon na raw sa show si Valeen.

Magsi-celebrate naman raw ng kanyang 6th anniversary nang pagkakapasok ni Betong sa programa sa darating na April.

Magkapareho ng pinanggalingan sina Betong at Paolo sa pagiging regular nila sa Bubble Gang.

Komento pa ng komedyante, “Yun nga nung lumipat si Ogie doon naging regular member. Kasi palagi kaming regular guest.”

Umayon si Bentong sa obserbasyon ng PEP na dapat silang magpasalamat kay Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bulalas niya, "sobra po."

Ginawang biro nina Paolo, Chariz, Valeen at Betong ang pagkawala ni Ogie sa show.

Sambit ni Chariz, “Yung TF [talent fee] ni Ogie, pinaghatian naming tatlo.”

Singit naman ni Betong, “Sa laki ng suweldo ni kuya Ogie, nakapasok po kami. Kuya Ogie maraming salamat po."

“Biruin mo ang dami naming nakapasok at naging regular,” natatawang hirit naman ni Paolo habang tumatawa si Valeen.

Dugtong pa ni Paolo, “Dati ang Bubble Gang, ang cast niyan 12. Ngayon ngayon 22. Ang daming nadagdag.”

“Ganon po kalaki yung sweldo ni Kuya Ogie,” hirit naman ni Betong.

Bukod sa pagkakaroon ng trabaho, malaki ang nagawa ng Bubble Gang sa kanilang mga kakayahan.

Ayon kay Paolo, “I think it’s Bitoy’s leadership when it comes to suggesting, mas mabu-boost yung confidence mo. Sa amin kasi bawal yung titirahin yung trabaho ng iba na pangit.

“Kung may suggestion ka ibigay mo, tulungan tayo, it’s a team effort. I believe na kahit noon pa ganon na. Maganda naman na continuous yung ganong effort pa rin na basta ikagaganda ng show, regardless kung gag mo yun o hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May iba kasing mga tao na gag ko yun, bakit pakikialaman mo? Hindi. Kasi kami gag ko yan o hindi, pakikialaman namin 'yan.

“Hindi naman pakikialam. That’s why we read. Sa taping meron kaming reading before the actual takes. Para doon pa lang baka may maisip ka na mas maganda. The writers are there. Maganda yung samahan.”

Nagbigay raw ng inspirasyon kay Chariz na sumulat mula nang maging regular sya sa show.

Pahayag pa nya, “Dati pinapanood mo lang. Hindi ko naman na ini-expect na maga-artista ako. Pangarap ko aga, oh, Bubble Gang, guest ako agad.

“Iba pa rin. Lalo na ngayon ibang level na parang surreal pa rin lahat sa akin, and syempre, nagsusulat na ako. Si Kuya Bitoy kasi ang nagpu-push sa amin e.

“Kasi bilang artista ka e, you have a creative mind. Puwede mo yang i-channel sa ibang paraan. Puwede kang mag-evolve, puwede kang maging productive pa maliban sa acting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, syempre, trinay lang namin..lahat naman kami e.

“Pero sa akin gusto ko syang gawing career (writer). Pangarap ko sya.

“It’s something personal also. Oo, gusto naming maging part talaga ng creative team, It’s an honor. Libre ‘to plus you’re train by the best. Bakit hindi natin gawin, wala namang ginagawa ng wednesday.

“Saka naging eager kami. Kaya talagang lagi kami sa brainstorming. Hindi kami makahinga, siyempre biruin mo headed by Direk Cosme.

“Tapos, siyempre, pag halimbawa, mabigyan ka nang opportunity at na-invite sa ibang shows ng GMA like sitcom o mabigyan ka nang opportunity to pitch ng bagong show...

“Kasi kinausap kami ni Ms. Bangs [GMA-7 executive], feel free if you have ideas, for movies or kahit para saan, magsabi lang kayo sa amin.

“May ganong part talaga kami from our bosses and everybody. Tapos si Kuya Bitoy anytime puwede mo siyang lapitan, pa-check ka ng script, magtanong ka nang kahit ano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Kuya Bitoy basta para sa industriya, lalo na sa comedy, gusto nyang mapanatili yung ganda ng comedy ng Pilipinas lalo na yung GMA.”

Ang pagiging team player ang naibigay ng gag show kay Valeen.

Sabi pa niya, “Natutunan kong maging player, na hindi lang ikaw as an individual, as artista. Like yung sinabi nila na meron kaming mga reading. May support rin na nanggagaling sa…they don’t make us feel na parang intimidated to go in front of them, ask something, paano ba 'to?

“Tutulong talaga sila, very supportive sila.

“And natulungan din ako, nila na mabigyan ng personality, like the 'Balitang Ina' that we do. Parang it’s something na hindi ko ini-expect na magiging ganon kalaki, na nagbibigay din pala ng saya sa iba.

“Basically, confidence and having fun while doing work.”

Hindi naman akalain ni Bentong na magiging artista siya mula sa pagiging executive producer ng ibang shows sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paglalahad niya, “Ako, sobrang laki kasi from News & Public Affairs, dun po ako galing. Then naghandle o ako ng show as EP [executive producer] for eight years.

“And then after Survivor Philippines, etong Bubble Gang. So, sobrang laki kasi entertainment ito, puwede pala akong magpatawa. Masyadong iba sa mundo namin.

“Dahil sa role na ibinigay sa akin as Antonieta, sobrang laking blessing na nakasama ako sa iba’t-ibang show ng GMA Pinoy TV as Antonieta talaga.

“So, nakakatuwa na nakapag-byahe ako sa mga bansang hindi ko pa nararating kundi dahil sa GMA at kung hindi dahil sa Bubble Gang.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results