Marami ang tuwang-tuwa at tawang-tawa
sa Da Spooftacular Showdown na siyang ipapalabas sa Music
Museum ngayong Sabado, November 22.
Nag-uumapaw
sa ngiti at tawanan sa Music Museum ng dahil sa pagpapatawa ng tatlong stars
ng show na sina Jon Santos, John Lapus, at Candy Pangilinan. Idagdag
mo pa ang kanilang special guest na si Pokwang, kaya lalong tumodo talaga
ang kasiyahan.
Kung sumakit
na ang tiyan niyo katatawa kina Pooh, Chokoleit at K Brosas sa telebisyon,
isipin niyo na lang kung live na live niyo sila mapapanood. Makikigulo
sina Pooh, Chokoleit at K Brosas kina Jon, John at Candy sa Da Spooftacular
Showdown ngayong Sabado at ihanda ang sarili para sa kanilang comedy skits.
Maki-saya na
sa Da Spooftacular Showdown ngayong
Sabado at humanda sa sangkaterbang sigla na hatid sa inyo ng ASAP Live. Ipinapalabas ang naturang comedy show tuwing Biyernes at Sabado hanggang December 6, 2008.
Para sa ticket inquiry at seat reservation sa Da Spooftacular Showdown, maaaring tumawag
kay Aileen sa 09278592907, sa Ticketworld (891-9999) o sa Music Museum
(721-6726).
Para basahin ang review ng Spooftacular, i-click ang LINK.
