Luis Manzano on relationship with rumored girlfriend Jennylyn Mercado: "Lampas MU (mutual understanding) naman."

by Ruben Marasigan
Sep 3, 2011
Are Luis Manzano and Jennylyn Mercado in a relationship or not? "We're exclusively dating," says Luis. "Kumbaga 'yong commitment is out of respect... indirect."

Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang rumored girlfriend niya ngayon na si Jennylyn Mercado.

"Okey naman. Nasa trabaho siya ngayon," sagot ni Luis sa Alak Lakad noong September 1 sa Batangas City.

Hindi niya inaya na sumama sa Alay Lakad sa Batangas?

"May taping kasi siya ngayon ng Futbolilits.

"Pero sinabi ko sa kanya ito. Alam naman niya.

"Pero matagal kasi silang walang taping. Ngayon lang siya nakapag-taping ulit. So, very important 'yong mga eksenang kukunan."

Naipakilala na niya si Jennylyn sa mommy niya, di ba?

"Oo. Magkakilala sila noong Holy Week pa lang.

"Kasi si Jen, she spent mga two days sa Batangas no'ng Holy Week. At do'n sila nagkakilala."

Okay naman?

"Oo. Very, very good meeting.

"After that? Nagkasama sila [Jennylyn and Governor Vi] no'ng despedida ng mga Santos. No'ng umalis sina Tita Winnie at Tita Tess, dumaan siya."

Ilang months na nga ba sila?

Continue reading below ↓

"Bilang kami? Ah... kaya kong sabihin ngayon na hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol do'n with sincerity," ang sabi ni Lucky patungkol kung sila na nga.

Ano ba ang nakakapigil para maging sila na nga officially? They date a lot and obvious namang they like each other nga, di ba?

"Wala. Kumbaga, hindi nga lang namin napag-uusapan.

"Hindi namin nakikita 'yong point kung bakit dapat pag-usapan.

"Pero definitely naman, lampas friendship 'yong kung anumang meron kami ngayon. Definitely naman.

"We're dating. We're seeing each other.

"Definite 'yon. Hindi ko itatanggi 'yon.

"Pero 'yong sabihin mong, 'O, tayo na, ha!' Hindi pa namin napag-uusapan 'yong gano'n.

"But, kumbaga, malinaw na... wala akong ibang dinidiskartehan. At wala rin naman siyang ibang ini-entertain. Malinaw naman sa amin iyon."

Hindi panakip-butas si Jennylyn?

"Hindi. Definitely hindi.

"But we're not yet official na... kami na. Kaya kong sabihin 'yon."

Parang sila na parang hindi pa? Gano'n?

Continue reading below ↓

"We're exclusively dating."

Walang commitment?

"Kumbaga 'yong commitment is out of respect... indirect.

"Pero... lampas MU [mutual understanding] naman. Lampas MU.

"But 'yong... and dami na kasing gano'n, e."

Close na sila ng anak ni Jennylyn na si Alex Jazz?

"Ayoko nang idamay 'yong bata. Kasi bata pa siya.

"But he's a great kid. Napakaganda ng pagpapalaki sa kanya," pagtatapos ni Luis.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Are Luis Manzano and Jennylyn Mercado in a relationship or not? "We're exclusively dating," says Luis. "Kumbaga 'yong commitment is out of respect... indirect."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results