Actress-beauty queen Maggie Wilson is now five months pregnant

by Arniel C. Serato
Nov 11, 2011
Maggie Wilson on being pregnant: "It feels great, you know, I'm excited but nervous, but super excited. It's gonna be like a new chapter of my life."

Malapit nang maging isang ina ang actress-beauty queen na si Maggie Wilson.

Matatandaang ikinasal si Maggie sa real-estate scion na si Victor Consunji noong December 18, 2010 sa Misibis Bay Raintree Resort sa Albay.

Maraming batikos ang natanggap noon ng magkasintahan nang naglabas sila ng isang sexy pre-nup video. (CLICK HERE to read related story.)

Pati ang kasal nila ay nagkaroon din ng mga aberya. (CLICK HERE to read related story.)

Pero sa kabila ng mga ito, naging maayos ang pagsasama ng dalawa at ngayon nga'y nakatakda nang maging ganap na mga magulang sa pagdating ng kanilang pinakaaasam-asam na baby.

TWEET OF JOY. Unang lumabas sa PEP Alerts ang balitang nagdadalantao na si Maggie.

Ayon sa tweet ni Maggie, na lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nakatanggap siya ng "blessing" noong November 3 na karapat-dapat na ibahagi sa iba.

Ani Maggie sa kanyang official twitter account na @wilsonmaggie:

"I was shared a blessing today and because of that I will share my blessing with you my Twitter loves, that I am going to be a mom!!! :)xx"

Continue reading below ↓

Hindi malinaw sa tweet ni Maggie kung ilang buwan na ang kanyang dinadala, pero bumuhos pa rin ang mensahe ng kaligayahan para sa mag-asawa sa kanyang Twitter account.

FIVE MONTHS. Sa event ng Cosmopolitan Philippines na "Cosmo's 8 Sexiest Models" noong November 8, Martes, nakausap ng PEP si Maggie.

Dito niya isiniwalat kung ilang buwan na ang dinadala niya.

"Ah, five months na," sabi ni Maggie.

Bakit ngayon lang niya ipinaalam sa publiko kung ilang buwan na ang kanyang dinadala?

Sagot niya, "Ah, wala lang, kasi I wanna keep it private first.

"Parang we want it a little private to us first, yun."

Ayon pa sa dating Bb. Pilipinas-World winner, nagpa-ultrasound na siya noong Friday, November 4, kaya alam na raw nilang mag-asawa ang kasarian ng kanyang ipinagbubuntis.

Pero "secret" raw muna kung ito ba ay lalake o babae.

Bakit secret?

"Kasi I want to keep a little bit of that to ourselves muna," ulit niya.

Continue reading below ↓

MOMMY MAGGIE. Ayon kay Maggie, sa ngayon ay nag-iisip na sila ng mga pangalan sa kanilang baby, pero nahihirapan daw sila sa dami ng ikinu-consider na names para sa kanilang firstborn.

Saad ni Maggie, "Sobrang hirap mamili ng name but we're already thinking."

Pero masaya raw silang mag-asawa na magiging ganap na silang pamilya in four months' time.

Sabi niya, "Ah, it feels great, you know, I'm excited but nervous, but super excited.

"It's gonna be like a new chapter of my life."

Ano naman ang reaksiyon ni Victor nang nalaman nitong buntis na siya?

"He's super excited, happy."

MAGGIE AS A MOM. Paano pinaghahandaan ni Maggie ang pagiging ina?

Sagot ni Maggie, "Just a lot of rest, I've been resting a lot, sleeping a lot, staying home. Being healthy. Relaxing lang."

Meron ba siyang mga pinaglilihian?

"Meron, cupcakes. Strawberries.

"Ah, di ko alam, kasi noong hindi ako buntis, hindi ako mahilig sa sweets.

Continue reading below ↓

"Ngayong nabuntis na ako, gustung-gusto ko na yung mga matatamis."

Sa ngayon, doble raw ang pag-iingat ni Maggie sa kanyang kalusugan at sa pagkilos sa bahay o sa mga lakaran.

Sambit pa niya, "Maingat siyempre, madaming bawal.

"Bawal ang maaalat, bawal ang softdrinks, bawal ang mga powdered juice."

Nahirapan ba siya noong unang mga linggo ng kanyang pagbubuntis?

Kuwento niya, "Nahirapan ako nung una, araw-araw masakit ang ulo, sumusuka, lahat ng kinakain ko, sinusuka ko.

"But now, I'm okay, kasi five months na, e."

Sa ngayon, wala pa sa plano ni Maggie ang pagbabalik showbiz dahil, "Right now I'm resting, I'm gonna be a mother, so mag-concentrate muna ako sa family life."

Read Next
Read More Stories About
Maggie Wilson, Victor Consunji
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maggie Wilson on being pregnant: "It feels great, you know, I'm excited but nervous, but super excited. It's gonna be like a new chapter of my life."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results