Ang kuwento ng The Reunion ay tungkol sa apat na magkakaibigang gustong itama ang kanilang pagkakamali sa nakaraan.
Ito'y isang "barkada movie" na magsisilbing tribute na rin sa OPM rock band na Eraserheads. Ang ilang mga pangyayari o eksena sa pelikula ay hango sa mensahe o kuwento ng mga awitin ng banda.
Isa-isang inilarawan ng mga cast ang kanilang mga karakter sa presscon ng The Reunion noong Hulyo 31, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN Compund, sa Quezon City.
Ang The Reunion ay isang Star Cinema offering na
mapapanood na sa Agosto 15.
(CLICK HERE to learn more about The Reunion)










