Iya Villania plans to get married at the age of 30

by Joyce Jimenez
Dec 1, 2011
Iya Villania on getting married: "Siyempre, seven years na kami together [ni Drew Arellano, ang boyfriend niya]. Seven years na kami. Papunta na kami sa direksyon na 'yon [ang magpakasal], but we're not there yet. Wala naman sa plano namin ang maghiwalay."

Inamin ni Iya Villania na sa kabila ng pagkakaroon niya ng magandang pangangatawan ay umiinom pa rin siya ng slimming pills o supplements.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Iya kanina, Disyembre 1, sa product re-launch ng Redoxfat sa Wheatberry Bakeshop and Café na malapit sa Tomas Morato, Quezon City.

Ibinahagi niya sa amin na umiinom siya ng slimming pills noong nagsisimula pa lamang siya magpunta sa gym.

"Noong nag-start pa lang ako mag-workout...most people, doon nahihirapan ang marami.

"So, if you need that extra boost, if you need a little help, [you take it]. Sabi nga nila it's a supplement with diet and exercise."

SEVEN-YEAR ITCH. Samantala, sa tuwing makakapanayam si Iya ay hindi maiwasang kamustahin ang kanyang relasyon sa GMA-7 TV host na si Drew Arellano.

Pitong taon na rin magkarelasyon si Iya at Drew, kaya naman iniisip ng iba, naranasan na kaya nila ang tinatawag na "seven-year itch?"

Continue reading below ↓

Ang seven-year itch, ayon sa thefreedictionary.com, ay ang posibilidad na maging "unfaithful" ang isa sa mag-asawa o magnobyo na pitong taon nang magkarelasyon.

"Uhm, we did have some complications and it happened during our seventh year," sagot ng TV host.

"Hindi ko alam if it's just coincidence or nangyayari talaga 'yong seven year-[itch] na 'yon.

"But, what's important is we got over that, and [our relationship] is stronger than ever."

Aminado si Iya na hindi madaling magtaguyod ng isang relasyon lalo pa't tumatagal na ito.

"I really appreciate the importance Drew is giving our relationship," nakangiting sabi niya.

"It's learning new things about each other and discovering what we can and can't live without.

"Pero, iyon nga parang, 'Ano kayang gagawin niya sa situation na ganito? Paano kaya niya iha-handle ito?'

"Kasi minsan 'yong mga gano'n, even those small things become the reason why the two of you break up.

Continue reading below ↓

"At tsaka ano, finding time [for each other]—lalo na 'pag hindi pa masyadong priority ang relationship ninyo—that's also difficult.

"Kasi for a time, I was busy with my career [at] hindi masyadong naging priority [ang relationship sa akin]."

PLANS TO SETTLE DOWN. Wala pa rin daw plano ang magkasintahan na magpakasal.

Gayunman, hindi ipinagkaila ni Iya na napag-usapan na nila ang tungkol dito.

Aniya, "Siyempre, seven years na kami together. Seven years na kami.

"Papunta na kami sa direksyon na 'yon [ang magpakasal] but we're not there yet.

"Wala naman sa plano namin ang maghiwalay."

Hindi naman daw nila binabale-wala ang sakramento ng pagpapakasal. Hindi lang daw tama ang panahon para sa kanilang dalawa.

Sa edad mula 28 to 30 daw gusto magpakasal ni Iya. Twenty-five years old na siya ngayon, samantalang si Drew naman ay 31.

"Hindi naman siya mukhang 31, di ba?" tanong ni Iya nang mapag-usapan ang edad ng kanyang nobyo.

Continue reading below ↓

"Well, [marriage] is just there but there's no deadline.

"I mean, it won't make us love each other any less if we don't get married now.

"It's more of...just for formality...we're not really in a rush."

Itinanggi rin ni Iya na may problema siya kay Drew kaya ayaw pa niya magpakasal dito.

"Kung may problema [ako] sa kanya, maghahanap na lang siguro ako ng iba.

"Pero, we're both willing to wait. More than anything, siya nga 'yong naghihintay because he's older.

"Hindi naman siya nagmamadali, I guess he's confident of himself, his age and his health.

"Wala naman siyang takot na mamaya 'pag nagka-anak na kami, lolo na siya, wala naman siyang gano'ng thinking.

"He's quite confident na when I'm ready to get married, when I'm ready to have kids, he's healthy, and we'll be able to enjoy that."

STARTING A BUSINESS. Bago raw siya magpakasal, gusto muna ni Iya magkaroon ng sariling negosyo.

Continue reading below ↓

Baka raw sa susunod na taon ay simulan na niya ito.

"I'd like to perform and [go on] tour, that's [my] dream.

"I also want to be successful in something outside [showbiz], maybe something that has to do with fitness, food or fashion," aniya.

Read Next
Read More Stories About
iya villania
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iya Villania on getting married: "Siyempre, seven years na kami together [ni Drew Arellano, ang boyfriend niya]. Seven years na kami. Papunta na kami sa direksyon na 'yon [ang magpakasal], but we're not there yet. Wala naman sa plano namin ang maghiwalay."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results