Alwyn Uytingco says his relationship with Jennica Garcia is getting stronger

by William R. Reyes
Dec 6, 2011
Alwyn Uytingco on his relationship with Jennica Garcia: "Nakakagulat din, kasi, in the long run, patibay kami nang patibay!"

Pahinga muna sa sunud-sunod na trabahong showbiz si Alwyn Uytingco matapos ang sabay na pagsabak niya sa pelikula at telebisyon nitong nakaraang mga buwan.

"Sobrang ano...talagang pudpod!" ayon kay Alwyn sa kanyang pagiging sobrang abala sa nagdaang buwan.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alwyn, noong gabi ng December 3 sa Cine Adarna ng UP Film Institute.

Ito ay naganap matapos ang extended-run/closing screening ng Six Degrees of Separation From Lilia Cuntapay (a Cinema One Originals Filmfest entry), kung saan may "walk-on" part ang young actor.

As a major cast member, sabay binuno ni Alwyn ang pagtatrabaho para sa Enteng Ng Ina Mo, na kasali sa Metro Manila Film Festival 2011, at three times a week na magdamag na taping para sa natapos na mini-serye ng TV5, ang Sa Ngalan Ng Ina.

"Sobrang sunud-sunod, kaya ngayon, wala akong masyadong ginagawa.

"Hindi rin ako nalulungkot, o natatakot, kasi pahinga po muna ako ngayon.

Continue reading below ↓

"Sakto naman, holidays, magpa-Pasko!" masaya pang banggit ni Alwyn.

Mayroon pang regular TV assignment ngayon si Alwyn, dahil naidagdag siya sa cast ng gag show na Locomoco U ng TV 5.

Pero, hindi raw ganun ka-demanding ang show sa kanyang schedule.

Ang mahalaga rin, hindi siya pini-pressure sa trabaho ng kanyang manager [Manny Valera, of DMV Entertainment].

"Ang napag-usapan pa lang po namin, sabi niya, 'Magpahinga ka muna, kasi sagad-sagad ka na sa trabaho!' Ganyan," masayang lahad pa ni Alwyn.

ALWYN'S LOOK-ALIKE. Nang mabanggit naman ng PEP ang obserbasyon ng iba, na nag-akalang kasali siya sa P.S. I Love You, also on TV5, ay natatawang nagbanggit si Alwyn.

"Si Kean po yun...si Kean Cipriano! Baka akala n'yo ako, kasi magkamukha kami, 'di ba?" at natawa uli ang binatang aktor.

"Sila ni Alex [Gonzaga] po yun," sabi rin ni Alwyn.

Palibhasa'y isa ring exclusive contract artist ng Kapatid network [TV 5], puro sa mga shows ng naturang istasyon lang puwedeng lumabas nang regular si Alwyn.

Continue reading below ↓

"'Di ko lang po alam sa guestings," pagtukoy niya. "Opo, guaranteed [contract] po yun, for three years."

Last Thursday, December 1, sa ginanap na Christmas Party ng Kapatid network officials and talents, na tinaguriang MVP (Manny V. Pangilinan) Ball sa NBC Tent sa The Fort, Taguig City ay masaya ring nagbalita si Alwyn.

"Nagkita kami ni Ate Guy [Nora Aunor]," masayang balita ni Alwyn tungkol sa superstar na nakasama niya sa Sa Ngalan Ng Ina.

"First time ko rin pong ma-meet no'n si MVP," wika rin ni Alwyn, tungkol kay Manny V. Pangilinan, TV5 network owner.

"First time ko siyang makita in person. Oo, naman. Masaya," natutuwang banggit din niya.

ALWYN, MINUS JENNICA. Kagabi, dumalo si Alwyn sa nasabing screening, sa Cine Adarna, nang hindi kasama ang girlfriend na si Jennica Garcia.

Pero tiyak ang young actor na wala nang magiging speculation ang publiko hinggil sa estado ng kanilang relasyon, matapos silang sabay na dumalo naman ni Jennica, noong November 29, sa Entertainment Press Society's (ENPRESS) Golden Screen Awards.

Continue reading below ↓

"Oo, nabalita [na nagkahiwalay na kami], pero hindi, hindi totoo yun," muling pagpapatotoo ni Alwyn sa PEP.

"Siguro, nabalitaan nila na we're having a problem, kasi nagkaroon din naman [talaga] ng problema.

"Siyempre, normal din naman ang takbo ng relasyon namin. Hindi natin maiiwasan yun.

"Nadagdagan nang nadagdagan lang [ang mga haka-haka]. Siguro, gano'n," palagay na lang ni Alwyn.

At inulit niya ang pagiging magkarelasyon pa rin nila ng dalagang aktres.

"Yeah. Actually, after this, magkikita kami. Coffee lang [kami], ganu'n," sabi pa ni Alwyn.

GOING STRONG. Hindi lang kay Jennica maayos ang takbo ng pakikipag-relasyon niya, kundi pati rin, o lalo na sa mommy ng dalagang aktres, na si Jean Garcia.

"Oo naman," paniniyak ni Alwyn. "Lalo nga po kaming naging close ni Madam [Jean] ngayon, e. Nakakatuwa po."

Hinggil sa anumang naging problema nila ng actress-girlfriend ay ayaw nang magdetalye ni Alwyn.

"Maliliit [na problema] lang din naman, minsan.

Continue reading below ↓

"Sana, mas [maging] private lang. Mas more on sa aming dalawa lang," sabi rin ni Alwyn.

Sa loob ng halos dalawang taon nilang relasyon, natutuwa naman si Alwyn sa naging takbo nito, sa kabuuan.

"Nakakagulat din, kasi, in the long run, patibay kami nang patibay!" saad niya.

Ito ay kahit magkaiba sila ni Jennica ng home network.

Si Jennica Garcia ay talent ng GMA-7 at si Alwyn ay kontratado ng TV5.

Hindi ba nakakaapekto sa relasyon nila ang pagiging hindi nila magkasama sa iisang istasyon?

"Hindi naman. Basta kung saan po may work," pagtukoy ni Alwyn.

Hindi man sila laging nagkikita at nagkakasama sa workplace, "May challenge pa rin," nakangiting saad ng young actor.

ON OTHER PRETTY LADIES AND BIG STARS OF TV 5. Nangiti naman si Alwyn sa birong baka maakit siya ng ibang magagandang young stars ngayon sa Kapatid station.

"Oo nga, nagulat ako!" natawa siya.

"Nung sa Christmas party nga po, dun ko lang po nakita yung mga artists na hindi ko madalas nakikita. Sabi ko, 'Ang dami na rin pala!'

Continue reading below ↓

But, apart from the young female regulars and newcomers, Alwyn now dreams of working with the other big stars and great actresses na ngayo'y nasa TV5 na rin.

Already, he had experienced working with the superstar, Nora Aunor. "Sobrang fulfilling po," pahayag niya.

At nariyan din ngayon ang mga tulad nina Lorna Tolentino, Alice Dixson, Dina Bonnevie and Megastar Sharon Cuneta, among others.

"Sana, sana... I'm hoping [na makatrabaho ko silang lahat]!" pagtatapos pa niya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alwyn Uytingco on his relationship with Jennica Garcia: "Nakakagulat din, kasi, in the long run, patibay kami nang patibay!"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results