Kapuso actress Gwen Zamora visits ABS-CBN's turf for the presscon of Enteng Ng Ina Mo

by Glen Sibonga
Dec 9, 2011
Gwen Zamora on how GMA-7 is handling her career: "I felt naman that I have the support of GMA. They do take care of me. I guess they're just giving me time to breathe and learn kasi baka ayaw din nilang pag ni-launch ako, boom, parang sablay. I think they're [making] safe choices."

Wala raw naging problema ang Kapuso actress na si Gwen Zamora sa pagtuntong niya sa bakuran ng Kapamilya network para sa presscon ng pelikulang pinagbibidahan nina Box-Office King and Queen Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas, ang Enteng ng Ina Mo.

Ginanap ang presscon kagabi, Disyembre 8, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

Kabilang si Gwen sa cast ng Enteng ng Ina Mo na entry ng Star Cinema, M-Zet Productions, OctoArts Films, at APT Entertainment sa Metro Manila Film Festival 2011 na magsisimula na sa Disyembre 25.

"I have no problem naman coming here sa ABS-CBN.

"All the people naman are so nice to me kahit na from GMA ako.

"At saka yung mga taga-Star Cinema, hindi naman nila ako pinabayaan," sabi ni Gwen nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon.

WORKING WITH AI-AI. Higit sa pagpunta sa ABS-CBN, mas na-excite nga si Gwen sa pakikipagtrabaho sa mga Kapamilya artists sa pangunguna nga ni Ai-Ai.

Continue reading below ↓

Kumusta naman katrabaho si Ai-Ai?

"It was so hard to keep a straight face, honestly," sabi ni Gwen.

"Kasi she was so funny. Kahit off-cam, nakakatawa talaga.

"Yung tawanan talaga, even while we're having lunch, we're all laughing.

"She is a very joyful and funny person.

"It was an honor to be with her kasi I always see her on TV, on billboards...Na-starstruck talaga ako."

May mga natutunan ba siya kay Ai-Ai in terms of acting?

Kuwento ni Gwen, "I asked her because there was this scene na umiyak siya.

"Yung ganun, boom, in just one second, umiyak na. I asked her how did she do that.

"And then she gave me tips, yun."

NEXT PROJECTS. Ano ang susunod niyang project sa GMA-7?

"Sundo [now titled My Beloved] with Rhian Ramos and Dingdong Dantes," banggit ni Gwen.

So, hindi totoo ang balita na papalitan na raw si Rhian ni Carla Abellana?

Continue reading below ↓

"Well, she's still taping, e. So, I guess hindi siya papalitan."

Hindi ba siya na-frustrate na pagkatapos ng big break niya sa Grazilda ay hindi agad ito nasundan ng malaking project?

"No naman," sagot niya.

"I felt naman that I have the support of GMA. They do take care of me.

"I guess they're just giving me time to breathe and learn kasi baka ayaw din nilang pag ni-launch ako, boom, parang sablay.

"I think they're [making] safe choices."

Kasama rin si Gwen sa cast ng pelikulang My Kontrabida Girl na pagbibidahan nina Rhian at Aljur Abrenica.

"Ako yung inaapi na kontrabida!" natatawang sabi ni Gwen.

BLUE CHRISTMAS? Medyo malungkot daw ang parating na Pasko para kay Gwen dahil hindi niya makakasama sa special day na ito ang kanyang mga mahal sa buhay.

"I just wish that my whole family [would be] together this Christmas. But unfortunately, we will not be together.

Continue reading below ↓

"My mom and dad are in Dubai. My sister and my nephews are in Australia.

"Unlike last year I had my grandparents here, I had my dad, my mom, my sister.

"This year talaga, we're all separated."

So, ano ang plano niya sa Pasko?

"I'll just spend my time with my tita, my mom's sister."

Ano naman ang Christmas wish niya?

"I wish I had a time machine to make time go faster. Because my family is coming first week of January.

"I just wish they can come one week earlier but they can't."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gwen Zamora on how GMA-7 is handling her career: "I felt naman that I have the support of GMA. They do take care of me. I guess they're just giving me time to breathe and learn kasi baka ayaw din nilang pag ni-launch ako, boom, parang sablay. I think they're [making] safe choices."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results