Sa isang panayam kay Phil Younghusband, nagbitaw ng salita ang Azkals player na gusto na niyang i-spend ang future niya kasama ng rumored girlfriend na si Angel Locsin.
Hanggang sa ngayon ay wala pang kumpirmnasyon kina Phil at Angel kung nasaan na ba ang estado ng relasyon nila.
Pero sa salitang binitiwan ng athlete ay lumalabas na mukhang seryoso na kung anuman ang namamagitan sa kanila ng aktres.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Angel nuong shooting ng movie nila ni John Lloyd under Star Cinema, sinang-ayunan naman ng aktres ang sinabing ito ni Phil.
Maging siya raw ay ayaw pumasok sa isang relasyon na alam niyang di seryoso at walang patutunguhan.
"Magtu-twenty seven na ako next year, siyempre naiisip mo kahit papaano ayaw mong mag-waste ng time.
"Gusto mo kung sino yung kasama mong tao...yun na sana.
"Sinisigurado pa lang din naman namin, di naman namin pa napag-uusapan," aniya.
Nang tanungin ang estado ng relasyon nila ni Phil, consistent pa rin ang sagot ng aktres.
Wala pa sila sa puntong may pormal na talaga silang relasyon, pero di niya tinatago na masaya sila sa kung anuman ang mayroon sila ni Phil.
"Si Phil ang tanungin ninyo. Sa ngayon kasi di pa namin napag-uusapan yung may girlfriend, may boyfriend, yung mga ganun.
"Pero we are parang ganun.
"I think we are more than that, we are mature enough na hindi sa amin issue.
"Alam naman niya na ako ay para sa kanya, siya ay para sa akin, so wala namang masama dun.
"Wala pa nga kaming formality and all, pero right now kasi, we're very happy kung anuman ang nangyayari sa amin ngayon.
"Yung takbo, iba. Iba yung happiness namin.
"Kung magtutuloy-tuloy ito, di natin masabi. Sana, sana kasi sa ngayon masaya kami."
"Basta I'm super happy and yes, isa si Phil sa rason ng happiness ko."
NONSHOWBIZ RELATIONSHIP. Hindi nagkaroon ng karelasyon ng hindi taga-showbiz si Angel mula kay Mico Sotto, Oyo Boy Sotto at Luis Manzano.
Kahit sabihing isang showbiz personality si Phil, mas higit na kilala ito sa sports world.
Tinanong namin si Angel kung sa palagay ba niya ay advantage ang hindi taga-showbiz ang boyfriend?
"Hindi naman, maganda yung nae-expose ka sa ibang mundo naman. Like ako kasi wala akong kaalam-alam sa football di ba?
"So mas different lang pero wala naman akong kino-compare o ano. Siguro mas iba lang yung world."
PLAY IT LIKE BECKHAM. Kumakailan ay nagkaroon ng friendly game ang L.A. Galaxy laban sa Philippine Azkals.
Natalo man ang Pilipinas, nagkaroon naman ng pagkakataon sila Phil na makalaro ang idolong si David Beckham kung saan si Phil ang naka-score at nabigyan pa ito ng jersey ng mahusay na football player.
"Masaya, I'm very proud of him.
"I know pinaghirapan niya talaga yun and idol niya si Beckham, kinukuwento niya sa akin.
"Bata pa lang sila ni James, ginagaya nila yung hairstyle ni Beckham, icon yun para sa kanila.
"Tapos yung makalaro siya, maka-usap, tapos binigyan pa siya ng jersey.
"Happy ako for him na yung dream niyang yun natupad."
"Super happy siya, pinapakita niya sa akin yung pictures nila ni Beckham.
"Wala siyang mata, ngiting-ngiti talaga siya. Happy din ako for him."
RECENT LOSS. Masakit ang pinagdaaanan ni Phil kumakailan dahil sa pagpanaw ng Mommy nito.
We asked Angel kung paano niya kino-comfort si Phil sa mga pagkakataong nalulungkot ito dahil sa pagkawala ng ina.
"Full support. Marami namang nagmamahal sa kanya.
"Di naman siya pinababayaan pero ganun din naman siya sa akin. Nandito lang ako for him."
CHRISTMAS PLANS. How and where is Angel spending Christmas?
"Actually every Christmas talaga sa bahay kami pero gusto ko sana after, mag-abroad.
"Never pa kasi kami nag-out of the country, yung buong pamilya.
"Hassle nga sa Tatay ko pero may sinabi akong lugar, tsinika-chika ko.
"Mukha namang interesado siya, mukha namang nagustuhan niya so sana matuloy. "
Kamusta naman ang pelikulang ginagawa nila ni John Lloyd Cruz under Star Cinema?
"Exciting, kakaibang experience na naman, kasi bukod sa panibagong characters namin dito ni LLoydie, iba yung makagawa ka ng ganitong genre na very real.
"Hindi siya very heavy drama o nagta-transform ka.
"Yung isasabit ka sa mga puno at kung saan-saan. Mas real ganun, siya."
"Cute ang character dito niLloydie, ang galing.
"Aabangan na naman ito ng mga tao kung paano niya ginawa yung character niya.
"Ako rin, iba ang character ko dito."
Masayang-masaya rin si Angel dahil kumakailan ay isa siya sa mga nakasali sa Walk of Fame na ginagawa every year sa Eastwood City sa Libis, Quezon City.
"Well nung una, di mo ma-describe yung nararamdaman ko.
"Pero nung pinakita na sa amin yung stars, di ako makapaniwala.
"Kasi dati naglalakad ka sa Eastwood, nakikita mo yung pangalan ng tao, ngayon nandun ka na.
"Next year kasi mag-ten years na ako sa showbiz.
"Parang natuwa ako, sabi ko nga sa sarili ko, 'Sana sa sampung taong ito, mayroon akong ma-achieve, yung mayroon kang something to be proud of talaga.'
"Natuwa ako. Si Kuya Germs napakabait, naisipan akong isama sa Walk of Fame, so thank you talaga sa kanya."