JC Tiuseco gets buff at the gym, wants to improve his acting skills

by Ruben Marasigan
Jan 7, 2012
Dahil malakas ang hatak ng kanyang sex appeal, hindi nagdalawang-isip ang GMA-7 na bigyan si JC Tiuseco ng break matapos nitong manalo sa kauna-unahang edisyon ng Survivor-Philippines. Siya rin ang isa sa paboritong leading men ng mga Kapuso young actresses na inilo-launch bilang bida sa isang serye. Una na nga kay Jackie Rice sa Sisid. Sumunod ay kay Sarah Lahbati sa Kokak.


One of the sexiest actors today.

Ganito kung ituring ng marami si JC Tiuseco. Sabi nga ng mga girls and even gays na kinikilig sa kanya... chest at abs pa lang niya... ulam na!

At dahil malakas ang hatak ng kanyang sex appeal, hindi nagdalawang-isip ang GMA-7 na bigyan siya ng break matapos nitong manalo sa kauna-unahang edisyon ng Survivor-Philippines.

Siya rin ang isa sa paboritong leading men ng mga Kapuso young actresses na inilo-launch bilang bida sa isang serye.

Una na nga kay Jackie Rice sa Sisid. Sumunod ay kay Sarah Lahbati sa Kokak.

"I'm happy na binibigyan ako ng GMA ng chance para sa mga gano'ng roles," ani JC in a recent interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya.

"Siyempre parang... medyo happy ako na nakikita nila na nag-i-improve din naman ako.

"At sana nga, magtuloy-tuloy lang. So far, kuntento naman ako sa suportang ibinibigay ng GMA sa akin ngayon.

Continue reading below ↓

"Pero alam ko rin na ang dami ko pang kailangang matutunan. At iyon ang pinagpupursigihan ko ngayon para mas mag-improve pa."

Tatanggap ba siya ng gay roles na may kissing scene sa kapwa lalake?

"Hindi siguro muna.

"Uhm... siguro pagtagal-tagal, puwede.

"Pero sa ngayon, hindi pa. Kasi ang dami ko pa ngang kailangan matutunan."

Sa palagay niya, ano pa ba ang kulang sa kanya?

"More experience as an actor siyempre. Hindi pa naman gano'n kadami ang mga projects na nagawa ko. So I think I need more experience pa."

Nangiti si JC nang mausisa ang tungkol sa kanyang love life.

"Zero pa rin!" aniya.

Pero balitang madalas daw silang lumalabas ni Sarah Lahbati?

"Oo. Pero hindi kaming dalawa lang. Grupo kami. Kasama namin 'yong ibang cast ng Kokak."

Parang gano'n din nang magsimula sila ng ex-girlfriend niyang si Maxene Magalona, di ba? Group date lang muna.

Tapos kalaunan, silang dalawa na lang hanggang tuluyang magka-develop-an at naging mag-on na.

Continue reading below ↓

"Hindi naman!" sabay tawa ni JC.

Mula nang magkahiwalay sila, hindi na raw sila nagkausap pa.

"Hindi ko naman kasi siya nakikita, e. Hindi ko pa siya nakikita ulit," aniya.

Halata kay JC na naiilang siya kapag natatanong tungkol kay Maxene.

Ito ay dahil hindi nga maganda ang naging paghihiwalay nila at may sama ng loob pa rin sa kanya ang dalaga hanggang sa ngayon.

Naging relaxed ulit ang aktor nang mabalik kay Sarah ang usapan.

Ano ba ang mga katangiang nagustuhan niya rito?

"Down to earth siya. At saka kalog. Mabait.

"Sa physical? She's tall. Tapos... sexy siyempre."

So... hindi malayong magkagusto siya at manligaw kay Sarah?

"Hindi pa natin alam," nangiti ulit si JC. "Tingnan natin. Sa ngayon kasi, sa trabaho ako naka-focus."

Kapansin-pansin na mas gumanda pa lalo ang tikas ng katawan niya ngayon.

Ito'y bunga ng ginawa umano niyang preparasyon bilang endorser ng Gold's Gym at sa photo shoot ng calendar nito for 2012. Kasama niya rito ang Miss Universe 2010 4th runner up na si Venus Raj.

Continue reading below ↓

Paano niya mini-maintain ang kanyang magandang pangangatawan?

"I think everyone naman knows how to diet, di ba?

"Ako kasi ngayon, kapag sobrang strict sa pagda-diet, ang kinakain ko lang... red rice, chicken... iwas sa fatty foods.

"Tapos regular exercise. Mga three to four time a week akong pumupunta sa gym."

Ang daming babaeng kinikilig sa kanya. Pero nagtitiis siya ngayon na walang girlfriend.

"For now, wala kasing time, e. Trabaho muna."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil malakas ang hatak ng kanyang sex appeal, hindi nagdalawang-isip ang GMA-7 na bigyan si JC Tiuseco ng break matapos nitong manalo sa kauna-unahang edisyon ng Survivor-Philippines. Siya rin ang isa sa paboritong leading men ng mga Kapuso young actresses na inilo-launch bilang bida sa isang serye. Una na nga kay Jackie Rice sa Sisid. Sumunod ay kay Sarah Lahbati sa Kokak.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results