Itinanggi ng young actress na si Ynna Asistio na pumirma siya ng kontrata sa Icons Celebrity Marketing, ang talent management na pagmamay-ari ng dating kasintahan ni Jolina Magdangal na si Bebong Muñoz.
Nagmula ang impormasyong pumirma na si Ynna sa Icons sa mismong kinikilala pa rin niyang manager na si Annabelle Rama.
Nabanggit ito ni Annabelle sa kasagsagan ng mainit pa ring away nila ni Nadia Montenegro, ang ina ni Ynna.
(CLICK HERE to read related story.)
Diin ni Ynna tungkol dito, "Iyon nga po, gusto ko pong sabihin sa lahat na hindi po totoong pumirma ako sa Icons.
"Hindi po totoo yung sinasabi ni Tita Annabelle na pumirma na po ako sa ibang agency.
"Ang koneksiyon ko lang po sa Icons ay pinsan ko po yung head na si Bebong Muñoz.
"He's my first cousin po sa Asistio side, iyon lang. First cousin ko po siya, iyon lang."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ynna sa grand launch ng My Beloved kagabi, February 7, sa Studio 7 ng GMA Network Center.
Kasama si Ynna sa cast ng bagong primetime series na ito na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
SET ME FREE. Nagsalita rin si Ynna tungkol sa aniya'y pinag-ugatan ng legal battle sa pagitan ng kanyang ina at ng kanyang manager.
Saad niya, "Iyon nga po yung problema namin kaya nagkakaroon ng kaso dahil ayaw nga po kaming pakawalan ni Tita Annabelle.
"Ang totoong contract ko po is three years.
"Naka-two years na po ako, so dapat one year [na lang].
"Isa nga po yun sa pinaglalaban ng mommy ko dahil ginawang five years yung contract ko nang hindi namin alam.
"So, kaya po iyon, hindi ko rin po alam paanong nangyari.
"Kasi po, bago po kami pumirma bilang... Di ba, kaibigan naman namin si Tita Annabelle? Nag-usap sila ng daddy ko [Boy Asistio], na three years lang, pumayag po siya.
"'Tapos, sabi niya [Annabelle], 'Basta pirmahan ninyo na 'yan, papalitan ko na lang sa office."
Pumayag si Annabelle na hanggang three years lang ang kontrata niya?
"Opo, pumayag po siya," sagot ni Ynna.
"So ngayon, binabawi niya, na hindi daw totoo dahil ang pinirmahan namin is five years.
"So, parang naging clear yun, e.
"Sabi kasi ng daddy ko, 'Paano 'pag hindi naman maganda masyado ang mangyari?' Iyon nga, sa akin?
"At least, may option nga na parang sabi niya [Ynna's dad], 'Mare, three years lang muna.'
"Pumayag naman po siya [Annabelle], pero ngayon, iyon nga, naiba.
"Ang nakipag-usap po [kay Tita Annabelle], ang tatay ko, hindi po si Mommy.
"So, silang dalawa po talaga ang nag-usap and pumayag po siya doon sa agreement ni Daddy na three years muna."
Ano na ang estado ngayon ng isyung ito sa kanila ni Annabelle?
"Ngayon, five years po and, ayun, ongoing po yung case.
"And yun lang, gusto ko lang pong i-clear na hindi naman po ako para pumirma sa iba nang hindi pa ako pinapakawalan dun sa kung saan po ako ngayon."
THE HEARINGS. Kinuha rin ng PEP ang reaksiyon ni Ynna sa kasong theft na isinampa ni Annabelle sa kanyang ina na si Nadia.
Kaugnay ito ng mga kasangkapan at kagamitan na diumano ay kinuha ni Nadia sa storage ni Annabelle nang walang pahintulot.
(CLICK HERE to read related story.)
Ayon kay Ynna, "Yun naman po... nahe-hurt ako kasi parang para umabot sa ganun na, 'Bakit ka namin nanakawan?'
"Bakit namin gagawin yun na, 'Paano kami nakarating dun sa warehouse mo nang hindi mo alam?'
"And specific siya [Annabelle] sa mga sinabi niyang bagay, e.
"Meron siyang mga nabigay na bagay, pero hindi po namin ninakaw yun, binigay niya po yun."
Nanghihinayang naman si Ynna na hindi niya nasasamahan ang ina tuwing may hearing sa mga kasong isinampa nina Nadia at Annabelle laban sa isa't isa.
Aniya, "Ang hirap nga po kasi never po akong nakasama sa hearing, hindi po ako nakakasama sa hearing, lalo na 'pag nagwawala si Tita."
Sinasadya ba niyang hindi sumama sa mga hearing?
"Hindi po sadya, lagi lang po akong may trabaho kapag ano...
"Yung unang pagwawala niya, nagte-taping ako ng Maynila.
"Yung pangalawa po, hindi ko lang po sure kung nasaan ako nun, pero may trabaho din po ako, so hindi talaga ako nakasama.
"Parang nalaman ko na lang na, iyon nga, nagwawala na naman po.
"Weird lang na magwala siya dahil yung hearing na po iyon, yung pangalawang pagwawala niya, is hearing niya dun sa kaso niya.
"So, hindi ko alam kung bakit siya nagwala, e, kaso po niya yun.
"So, parang ewan ko, parang ang hirap lang ng kada may kamera, magwawala siya, 'tapos pag wala naman, okay naman.
"So, ang hirap, parang hindi ko na maintindihan.
"E, kaso niya yun, bakit siya ang nagwawala? Dapat si Mommy, di ba?
"Ang weird, ang weird... nawi-weirduhan na rin po ako.
"Pero yung suporta ko kay Mommy kasi, hangga't alam kong tama yung ginagawa niya kumbaga, 'Go, sige lang Mommy, go, gawin mo.'"
CRYING OVER THE ISSUE. Inamin ni Ynna sa PEP na iniyakan niya ang mga nangyayari sa kanilang pamilya.
"Yes! Totoo po, ang hirap na lagi kong nakikita si Mommy, umiiyak.
"Kahit kahapon, kahit kanina, alam mo yun?
"Hindi po biro itong issue na pinagdadaanan ni Mommy and mabigat po talaga sa family, sa amin, and naaawa na talaga ako kay Mommy.
"Everytime nakikita ko siya, alam ko ang bigat-bigat ng dinadala niya, pero ginagawa niya yun para sa amin."
Sa palagay ba ni Ynna ay wala nang pag-asa na magkasundo pa ulit ang pamilya nila at si Annabelle?
"Sa totoo lang po, kinakalat niya nga rin po na isang areglo lang kay Mommy or magbigay ng pera, maaayos. Hindi po.
"Sigurado po ako na hindi, hindi maaayos.
"Ganun na kalaki yung damage na ginawa niya sa pamilya namin, sa mga kapatid ko, sa nanay ko, para pa maayos.
"Kung maayos man siguro, civil.
"Pero hindi kami titigil, hindi namin ititigil hangga't mawala kami sa kanya and hangga't mailabas yung totoo, kung ano po yung totoo."
Paano naman ipinapakita ng daddy niya, si former Caloocan Mayor Boy Asistio, ang suporta nito sa mommy niya?
"Ang daddy ko, all the way nakasuporta po siya.
"And alam po niya na pati siya, pati yung tungkol sa pamilya tsaka pinagdaanan ni Daddy dati, nilalabas din po ni Tita Annabelle.
"Wala, sabi niya, 'Tapos na lahat yun, basta ang mahalaga alam natin ang totoo at magkakasama tayo dito.'"
Sabi pa ni Ynna, "Sa totoo lang, hindi na rin namin kailangan ang suporta ng iba.
"Kaming pamilya, kumbaga desidido kami na tapusin ito, e.
"Kumbaga, hindi rin po kami humihingi ng tulong sa kahit kanino.
"Ang gusto lang namin talaga, ipakita sa tao na sa dulo, mapapahiya sila dahil totoo ang sinasabi ng mommy ko."
Bukas ang PEP kung may nais sabihin ang kampo ni Annabelle Rama tungkol sa mga binitawang pahayag ni Ynna.