Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

PEP EXCLUSIVE: Rima Ostwani puts showbiz on hold

by Demelyn Granali
Apr 6, 2012
Sa palagay ni Rima Ostwani, hindi pa siya handang sumabak sa pag-aartista. “As I said in the beginning, talagang it takes a lot of talent to be able to be a good actor and probably wala pa ako do’n.”

Mahigit isang taon na nang huling masulyapan ng publiko si Rima Ostwani sa programang Agimat Presents: Kapitan Inggo ng ABS-CBN.

Magtatapos ang taong 2010 nang magpahayag ng intensiyong pumasok sa showbiz ang dalaga, kasunod ng breakup nila ni Diether Ocampo.

Si Boy Abunda ang tumayong manager niya at nabigyan nga siya ng proyekto sa Kapamilya network.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rima sa anniversary party ng Manila Bulletin Style Weekend noong Marso 29 sa Opus Bar, Resorts World Manila.

Kumusta na ang showbiz career ni Rima Ostwani?

“Well, basically what happened was, I was offered a role with ABS-CBN, which I was so thankful for and I tried it out.

“But after that, parang I think lie low muna ako on that side. I’m focusing more on my professional career.

“I was very happy naman to have tried out showbiz and tried out the role, but then I think really, as I said in the beginning, talagang it takes a lot of talent to be able to be a good actor and probably wala pa ako do’n.

Continue reading below ↓

“So I’m concentrating more on my professional career and also modeling on the side, so iyong showbiz, na-try ko, thankful ako, pero iyon huwag muna ngayon. Parang, not for now.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ibig sabihin ba niya ay tuluyan na niyang tatalikuran ang showbiz o pansamantala lamang ito?

“Well, actually, definitely if there will be offers, then, why not? But it’s not a priority.

“Kumbaga, if it comes, it comes. If not, it’s also okay, parang gano’n.”

Kumusta naman ang kanyang management deal kay Boy Abunda sa ngayon? Siya pa rin ba ang tumatayong manager niya?

“Actually, Tito Boy has [now] endorsed Backroom to his senior managers.

“When I started out, I had an agreement with him to be my mentor of some sort. He’s still my mentor up to now but I’m not anymore…how do I say?

“Kumbaga, Backroom kasi manages big stars, e, and they handle big careers.

“So, for me, I’m not directly under Backroom but Tito Boy still remains as my mentor.”

Continue reading below ↓

Sa ngayon ba ay ipinagpapatuloy pa rin ni Rima ang kanyang mga workshops upang mapaghandaan ang kanyang pagbabalik showbiz kung sakali?

“Actually, after Kapitan Inggo, I did undergo a series of workshops, but I could not pursue and continue the workshops because parang it was in conflict with my daily job naman.

“So parang I didn’t have so much time anymore for the workshops, so na-stop ko muna siya.

“But I really did learn a lot and definitely it was a good experience for me,” ani Rima.

Sa kasalukuyan ay full-time pa ring nagtatrabaho si Rima bilang manager sa isang high-end na shopping establishment.

Read Next
Read More Stories About
Boy Abunda, Diether Ocampo
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa palagay ni Rima Ostwani, hindi pa siya handang sumabak sa pag-aartista. “As I said in the beginning, talagang it takes a lot of talent to be able to be a good actor and probably wala pa ako do’n.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results