Dennis Trillo reveals pick-up line for girlfriend Bianca King

by Glen Sibonga
Jun 4, 2012
Dennis Trillo's pick-up line for Bianca King: "'Ihi ka ba? Bakit? Kasi sa iyo lang ako bukod-tanging kinikilig.'”

Hindi itinago ni Dennis Trillo ang excitement niya sa unang pagkakataon na mapanood niya ang pelikula nilang Boy Pick-up The Movie sa premiere nito kagabi, June 3, sa SM Megamall Cinema 9.

Palabas na sa mga sinehan ang naturang GMA Films-Regal Entertainment movie simula sa Miyerkules, June 6.

“Heto na yun. Sobrang excited. Kagabi nga [June 2] nahirapan akong matulog, e.

"Doon pa lang sa promo namin sa Party Pilipinas talagang nae-excite na ako.

"Lalo na dito, mapapanood na lahat ng mga kaibigan natin. Mapapanood na nating lahat sabay-sabay.

"Sobrang exciting,” sabi ni Dennis nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago siya maglakad sa red carpet.

Espesyal daw kay Dennis ang pelikulang ito dahil dito niya nagampanan ang kanyang "dream role."

Bilang si Bagwis/Gabs, kontrabida siya rito ni Boy Pick-up na ginagampanan naman ni Ogie Alcasid.

“Para mapanood yung sarili ko na mag-portray ng isang dream role talaga, ang saya.

Continue reading below ↓

"Ngayon lang ako gumanap ng ganitong kontrabida role sa pelikula.

"Sa TV nagkontrabida na ako. Pero ito yung full-length talaga.

"At saka ito na siguro yung pinakamaangas na kontrabidang makikita n’yo.”

THE CHALLENGE. Ano ang bagong hamon sa kanya ng pelikulang ito?

“Ang challenge siyempre, malayo ito sa ginagawa ko dati.

"Puro drama ako, konting comedy.

"Pero yun talagang kontrabida na masama, salbahe, na nemesis ng ating Boy Pick-up, ngayon lang.

"Kaya talagang sobrang pasasalamat ko kay Kuya Ogie na binigyan niya ako ng chance para magkaroon ng ganitong klaseng trabaho.”

Ano ba ang mas mahirap sa kanya—yung umarte at umiyak o yung gumanap ng role niya rito sa Boy Pick-up?

“Magkaiba sila, e. Pero parehong genre nagre-require talaga ng timing.

"Siguro yung timing ko sa drama, ginamit ko rin sa pagpo-portray ng ganitong character dahil napakaimportante talaga ng timing.

"Mapa-horror, comedy, drama, timing talaga ang pinakaimportante.”

BIANCA KING. Ikinatuwa rin ni Dennis ang pagpunta sa premiere ng girlfriend niyang si Bianca King.

Continue reading below ↓

“Nandiyan siya. Excited na siyang mapanood ang movie,” sabi niya.

Dahil dito naitanong tuloy ng PEP kung may pick-up line ba siya para kay Bianca?

“Ano ba? Biglaan ito, ha… kung ano na lang ang maisip ko, ha. 'Ihi ka ba? Bakit? Kasi sa iyo lang ako bukod-tanging kinikilig.'”

So, ganun katindi talaga ang kilig na nararamdaman niya para kay Bianca?

“Hindi, yun lang yung naisip ko sa ngayon. Pero siyempre kasama na rin yun.”

Happy raw sila kung anumang relasyon ang meron sila ni Bianca ngayon. Pinabulaanan din ni Dennis ang naglabasang balita na nagkakaproblema sila.

“Wala, we’re very good, we’re okay.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Trillo's pick-up line for Bianca King: "'Ihi ka ba? Bakit? Kasi sa iyo lang ako bukod-tanging kinikilig.'”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results