PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Four sisters settle their differences in Chil Princesses

The former stars of "Jewel in the Palace" and "A Rosy Life" are cast in this afternoon soap opera.
Published Mar 19, 2009
Four daughters of a retired military officer will discover the true meaning of sisterhood in GMA-7's afternoon drama titled Chil Princesses.

Marahil sila'y magkakapatid, ngunit ang tanging pinagkapareho lamang nila ay ang kanilang apelyido. Panoorin kung saan sila dadalhin ng kani-kanilang mga buhay sa pinakabagong Koreanovela sa GMA-7, ang Chil Princesses.

Ito ay ang kuwento ng apat na babaeng anak ng isang retired military officer at ang pakikibaka ng isang normal na pamilya sa panahon ng mabilis na pagbabago ng buhay.

Si Demi Chil ang pinakamatanda sa apat, na siyang gagampanan ng Jewel In The Palace star na si Kim Hye Sun. Pinakasalan niya ang kanyang asawa hindi dahil sa pag-ibig, kung hindi dahil sa pagsunod sa utos ng kanyang ina. Sa loob ng labing-dalawang taon, siya ay naging isang huwarang asawa at ina, hanggang sa dumating ang panahon na sinundan niya ang kanyang puso, at umibig sa kaibigan ng kanyang asawa.

Susunod ay si Cleo Chil, na gaganapan ni Lee Tae Ran ng A Rosy Life. Masipag at matapang, siya ay lubos na pinagmamalaki ng kanyang ama, lalo na nang ito'y sumali sa military school. Si Cleo Chil ang kabaliktaran ng kanyang kakambal na si MiChil, isang babaeng laki sa layaw. Nakikipagkumpitensya siya kay Cleo para sa lahat ng bagay; mapa-atensyon man ng kanilang ama o pag-ibig ng iisang lalaki.

Bibigyang-buhay naman ni Shin Ji Soo ang bunso sa apat na si Thea Chil. Siya ay mabubuntis ng kanyang kasintahang mabilis pa sa alas-kuwatro ang pagtakas sa responsibilidad. Manghihingi siya ng tulong sa kanyang mga kapatid upang mahabol ito at ipatayong ama ng kanyang dinadala.

Apat na babae na may iba't-ibang buhay: paano nila malalampasan ang kanilang pagkakaiba upang makita na ang pagkakapatid ay higit sa pagmula sa isang angkan?

Palabas na ang Koreanovela na siguradong magpapa-iyak at magpapatawa sa inyo sa kakaibang kuwento ng pamilya. Mapapanood ang Chil Princesses mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Dapat Ka Bang Mahalin sa Dramarama Sa Hapon ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
GMA-7, TV, television
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Four daughters of a retired military officer will discover the true meaning of sisterhood in GMA-7's afternoon drama titled Chil Princesses.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results