Sexy comedienne Alyssa Alano injured in vehicular accident

by Arniel C. Serato
Oct 14, 2012
Naaksidente ang Startalk mainstay na si Alyssa Alano kaninang madaling-araw habang binabaybay ang kahabaan ng Marcos Hi-way. Nagtamo ng sugat sa tiyan si Alyssa pagkatapos siyang matusok ng limang-metrong bakal.

Ligtas na sa panganib ang sexy comedienne na si Alyssa Alano matapos siyang maaksidente kaninang madaling-araw, October 14.

Ayon sa ulat ng Balitang 60 ng Aksyon TV Channel 41 ngayong gabi, limang metrong bakal ang tumusok sa tiyan ng sexy star matapos araruhin ng kanyang sasakyan ang may mahigit na 25-meter railings sa may Marcos Highway.

Nangyari ang aksidente kaninang bandang alas-tres ng madaling-araw.

Ayon sa isang saksi, patungong Cubao ang sasakyang minamaneho ni Alyssa nang sumalpok ito sa railings at nakahagip pa ng isang sasakyan.

Dagdag naman ng pangalawang saksi, “Nag-ramp siya sa gutter, pagdating dito, kalagitnaan nitong haba ng railings, umikot yung kanyang sasakyan, hanggang sa nauna na yung puwitan [ng sasakyan].”

Sabi naman ng ikatlong saksi, “Bigla na lang siyang tumawid... kitang-kita namin, mula dito sa likod ko, inararo niya [sasakyan] hanggang matamaan kami.”

Anim ang sakay ng sasakyan ng Alyssa at apat dito ay sugatan.

Agad namang sumaklolo sa sexy comedienne ang Marikina Rescue Team.

Continue reading below ↓

Ayon sa isang volunteer, “Pinutol muna namin siya [bakal] para umiksi ng kaunti, para mailabas namin siya sa labas ng sasakyan.”

Kasalukuyang nagpapagaling ang Startalk mainstay sa Marikina Valley Medical Center.

Kuwento naman ng manager ni Alyssa na si Annie Ayroso, “Galing daw si Alyssa sa bahay ng tiyahin at pauwi na daw sana ito, pero nasilaw daw ito sa ilaw ng kasalubong na sasakyan.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Nataranta daw ito kaya imbes na preno ay ang selenyador ng gasolina ang naapakan nito, dahilan daw para lalong bumilis ang takbo ng minamaneho nitong Ford Everest.”

Dagdag pa sa report, naikuwento ng pinsan nito na nakainom daw si Alyssa nang maganap ang aksidente.

Base sa naman sa impormasyong nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inoperahan kaninang hapon si Alyssa dahil sa sugat na natamo niya sa aksidente.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naaksidente ang Startalk mainstay na si Alyssa Alano kaninang madaling-araw habang binabaybay ang kahabaan ng Marcos Hi-way. Nagtamo ng sugat sa tiyan si Alyssa pagkatapos siyang matusok ng limang-metrong bakal.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results