Lalong umiigting ang mga eksena sa ABS-CBN teleserye na Tayong Dalawa.
Ngayong napatunayang buhay si Dave (Jake Cuenca) sa kamay ng mga rebeldeng grupo, inihanda na ang rescue operations niya. Kasama si JR (Gerald Anderson) sa mga tumulong para mabawi si Dave.
At sa muling pagbabalik ni Dave, paano niya matatanggap na isang magandang relasyon na ang nabuo sa pagitan nina JR at Audrey (Kim Chiu)? Ano ang magiging pagtanggap niya sa katotohanang ito? Ano ang isang tagpo sa pagitan nina JR at Audrey na hindi matatanggap ni Dave?
Isang paghihinganti ba ang inihahanda ni Dave para sa kanyang kapatid at dating girlfriend?
Mapapanood ang Tayong Dalawa pagkatapos ng I Love Betty La Fea sa ABS-CBN Primetime Bida.