Director Dante Nico Garcia on the money-making potential of local indie films: “Mangyayari yun, e... mangyayari at mangyayari yun.”

Direk Dante reveals that his close friends Joyce Bernal and Judy Ann Santos often tease him that his films are too abstract and incomprehensible
by Rommel R. Llanes
Feb 24, 2013
Si Ga rin ang napili bilang Philippine liaison director at nomination committee member sa kauna-unahang Asean International Film Festival & Awards (AIFFA) na gaganapin sa March 28 to 30, 2013 sa Kuching, Sarawak, Malaysia.

Naniniwala ang indie director na si Dante Nico “Ga” Garcia na may pag-asa nang kumita ang mga indie films tulad ng mga mainstream movies.

“Ako, yung paniniwala ko ngayon, honestly, sobrang...

“Di ba kasi nga pag dinivide mo yung... pag tiningnan mo yung three hundred million na nanood ng pelikulang Pilipino, 'yon ang highest rating, pag hinati mo sa one hundred, three million lang naman na Pilipino yun, e.

“Nasaan yung halos ninety-seven million na natitira kung pa-one hundred million na tayo?

“So, dun sa natitirang ninety-seven million, may isang milyon siguro na interesado sa indie films.

“Ang problema lang hindi natin sila naaabot, kaya gusto ko ng magasin kasi gusto ko silang maabot,” umpisang pahayag ni Ga nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

TARGETING THE INDIE AUDIENCE. Ang tinutukoy niyang magasin ay ang Isda Revolution kung saan tampok ang mga independently-produced content tungkol sa pelikula, musika, arts, at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At hindi ka magpapalabas ng pelikula nang sabay-sabay, i-i-schedule mo yung punta para alam nila kung kailan sila pupunta.

“A month before, alam nila na sa sinehang ito ilalabas. So, ang naiisip ko ngayon you will give one indie film two years to make money, tutulungan mo lang siyang i-ikot kung saan-saan.

“It’s possible for an indie film to make money.

“It’s possible for an indie film to get a million audience. Kahit sabihin mong fifty pesos lang yan, for a million audience you have fifty million bawing-bawi ka.

“Huwag mo lang madaliin.

“Kasi ang problema, may mga investors kasi minsan na mamadaliin nila yung pinaplano mo tapos hindi ka na makagalaw kasi na-push ka na against the wall, e.

“Ang dapat, pag indie film ang ipinrodyus mo, mahaba yung ibinibigay mong leeway para, yung dalawang taon alam mo mahaba yun.

“Kung maganda naman yung produkto mo, e.

“Puntahan mo lahat ng mga eskuwelahan e, puntahan mo lahat ng mga communities na gusto.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“You schedule your films, na sa linggong ito, sa Iloilo lang, dalawang sinahan lang yung papalabasan, dalawang screening, full house yun.

“So, dalawa-tatlong taon... maaabot mo yun e, maaabot mo yun.

“Huwag lang mabilisan, huwag ka lang mag-expect na makakabawi ka katulad ng commercial run na pelikula na pukpok na pukpok ng promotion sa TV.

“Pero naniniwala ako na puwede, e. Ang target ko lang, I will be able to get two hundred thousand a year na mga tao na maabot ng campaign na ito.

“In five years, we have a million in the database na anytime na you put out something nababalitaan ng isang milyong Pilipino kung ano yung ganap sa indie scene.

“Mangyayari 'yon, e, mangyayari at mangyayari yun... yung kikita, yung hindi naghihikahos ang indie films sa Pilipinas kasi maganda yung mga gawa,” masusi niyang paliwanag.

MRS. RECTO. Isa sa mga proyekto ni Ga na sinimulan na ay ang indie film na Mrs. Recto na pinagbibidahan nina Regine Velasquez at Christian Bautista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa tagal matapos ng movie ay may tsikang shelved na ang Mrs. Recto

“Hindi! Hindi pa, pero kumuha lang ako ng partners to help me finish the film kasi medyo sa tagal ng tengga, yung mga utang ng pelikula medyo tumubo na.

“So, parang iniisipan ko ng paraan,” pagklaro niya.

Sixty percent na daw ang nagagawa sa pelikula.

Hindi kaya mahirapan siya sa availabity ng schedules nina Regine at Christian?

“Iisipin ko yun pag may pondo na, ibebenta ko muna yung pelikula ko,” sabay tawa ni Ga.

“Para makabuwelo, tapos pag may pondo na… nag-usap naman kami ni Songbird dati, humingi siya ng fifteen pounds to lose na ngayon nawala na pero ako naman ngayon ang may problema, kasi ubus na ubos ang pera ko sa Madaling Araw.

“So, ginagawan ko lang talaga ng paraan.”

MADALING ARAW... Ang Madaling Araw, Mahabang Gabi ang recent indie movie ni Dante na pinagbibidahan ni Angelica Panganiban; kasama rin sina Kean Cipriano, Glaiza de Castro, Edgar Allan Guzman, Buboy Garovillo, Tutti Caringal, Karel Marquez, Rocco Nacino, Alchris Galura, Jeffrey Hidalgo, Callum David, Dominic Roco, Lou Veloso at Cherie Gil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Itong magasin na ito [ISDA], honestly, yung pinam-publish namin dito yung maliit na maliit na kinita ng Madaling Araw sa screening, ito lang yung pinampuhunan namin dito sa ISDA.

“Pero I’m in faith na something will happen.”

INTERNATIONAL WORK. Si Ga rin ang napili bilang Philippine liaison director at nomination committee member sa kauna-unahang Asean International Film Festival & Awards (AIFFA) na gaganapin sa March 28 to 30, 2013 sa Kuching, Sarawak, Malaysia.

Siya ay pinili ni Livan Tajang, ang AIFFA 2013 Festival Director.

Bilang liaison director at nomination committee member ng AIFFA 2013, trabaho ni Dante na asikasuhin ang pangungulekta ng mga entry lalo na sa Pilipinas.

INDIE VS. MAINSTREAM. Magkaibigan sina Ga at ang lady director na si Joyce Bernal; may conscious effort ba si Ga to concentrate sa indie films habang si Joyce naman ang nagrereyna sa mainstream movies?

“Maliwanag sa amin ni Joyce, na pag nag-uusap kami, kinakantiyawan lang niya ako, sabi niya, ‘Kasi ang pelikula mo masyadong… hindi ko naiintindihan!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sila ni Juday [Judy Ann Santos, na kaibigan rin ni Ga]: ‘Ang pelikula mo kasi pinag-aaralan!’

“Ganun yung joke nila sa akin ni Juday. Pero support naman sila sa akin, alam naman nila na kahit anong pilit ko… hindi, siguro yung pagkabaliw ko, hindi naman talaga sukat.

“Yung mga joke ko kasi, sabi nila hindi talaga pang-ano, e... yung pang-gago lang, e. Yung pang-normal na tao minsan yung joke ko.

“Kaya dapat gago ka para maintindihan mo. So, si Joyce full support naman yan, wala naman siyang choice, e,” natatawang pagtatapos ni Ga sa aming panayam.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Ga rin ang napili bilang Philippine liaison director at nomination committee member sa kauna-unahang Asean International Film Festival & Awards (AIFFA) na gaganapin sa March 28 to 30, 2013 sa Kuching, Sarawak, Malaysia.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results