Part 2. Ai-Ai delas Alas after “breakup” with boyfriend Jed Salang: “Nakita ko kung gaano ako kamahal ni Jed at kung gaano niya ipinaglaban ang relationship namin.”

by Rose Garcia
Mar 21, 2013
Pahayag ni Ai-Ai delas Alas tungkol sa kanyang pakikipagrelasyon, "Happiness is a decision. Idine-decide mo sa sarili mo na itong taong ito ay makakasama ko forever. But whatever it takes, negative, positive, inaano ko sa sarili ko na siya na ang makakasama ko forever. Hindi man maganda o hindi man perfect, dahil wala naman talagang perfect relationship. Parang it’s my decision na he will be the last man in my life.”

Habang kausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai delas Alas sa shooting ng Kung Fu Divas, napansin namin ang picture nila ng boyfriend niyang si Jed Salang sa salamin ng kanyang make-up kit.

Kuwento ni Ai-Ai, “Kuha ito sa birthday ni Sophia. Inalis ko sa bag ko kasi nabasa yung frame.

“E, papel lang yun dahil photo booth ‘yan. Kaya ko inilagay diyan kasi mainit.”

Sa hiwalay na panayam sa co-star ni Ai-Ai sa pelikula na si Marian Rivera, nabanggit nitong napag-uusapan din nila ang kani-kanilang lovelife.

“Oo, palagi," pagkumpirma ng Kapamilya star.

"Bongga naman pa rin.

"Sabi ko nga, 'Ang suwerte-suwerte natin. Maganda na ang work natin, maganda pa tayo, maganda pa ang lovelife natin, di ba? We’re so blessed.'

"And yun, thankful lang kaming talaga.”

Dugtong pa niya, “Si Marian, napakasipag niyan.”

Masipag din naman siya, di ba?

“Oo nga,” balik niya.

“Pero kumpara sa kanya noon, oo. Pero ngayon, anu-ano na lang din ako.”

Continue reading below ↓

Dahil mayaman na si Ai-Ai?

“Hindi naman. Kasi, ano rin ‘yan, depende sa edad. Hindi na kaya ng powers ko ito, dyolog na lang lola mo!"

AFTER THE STORM. Pagdating sa kanyang relasyon kay Jed, masayang sinabi ni Ai-Ai na tapos na ang unos na pinagdaanan nila.

“Ay, oo, matagal na. Noong nagpa-interview ako sa The Buzz, tapos na,” kumpirma niya.

Ano ang mga natutunan niya sa pinagdaanan nila?

“Marami… nakita ko kung gaano ako kamahal ni Jed at kung gaano niya ipinaglaban ang relationship namin.

“Ako rin naman, noong nasa Amerika ako, na-realize ko na hindi pala ko mabubuhay nang wala siya kagaya ng hindi rin siya mabubuhay nang wala ko.

“Yun… may natutunan kami and, I think, maraming-marami pa.

“At ang natutunan ko sa buhay… happiness is a decision.

“Idine-decide mo sa sarili mo na itong taong ito ay makakasama ko forever.

“But whatever it takes, negative, positive, inaano ko sa sarili ko na siya na ang makakasama ko forever.

Continue reading below ↓

“Hindi man maganda o hindi man perfect, dahil wala naman talagang perfect relationship.

“Parang it’s my decision na he will be the last man in my life.”

Nawala na ba sa kanya ang pagdududa sa pagmamahal ni Jed?

“Wala na, super waley na waley na,” sabi ni Ai-Ai.

“Inano na niyang talaga, lahat yun, nabura na.”

Read Next
Read More Stories About
Ai-Ai delas Alas
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pahayag ni Ai-Ai delas Alas tungkol sa kanyang pakikipagrelasyon, "Happiness is a decision. Idine-decide mo sa sarili mo na itong taong ito ay makakasama ko forever. But whatever it takes, negative, positive, inaano ko sa sarili ko na siya na ang makakasama ko forever. Hindi man maganda o hindi man perfect, dahil wala naman talagang perfect relationship. Parang it’s my decision na he will be the last man in my life.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results