PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Talentadong Pinoy will conduct auditions on April 29

Catch TV's Live Caravan at the Music Hall of SM Mall of Asia this Friday, May 1.
by Glen Sibonga
Published Apr 29, 2009
Talentadong Pinoy, hosted by the newly wed Ryan Agoncillo, will conduct auditions in SM Dasmariñas, Cavite today (April 29). On May 1, the TV5 Live Caravan will take place at the Music Hall of SM Mall of Asia.


Sa gitna ng mas tumataas na popularidad ng Talentadong Pinoy, ang talent show na hino-host ni Ryan Agoncillo sa TV5, ay mas lalong magkakaroon ng pagkakataon ang mga talentado nating mga kababayan para ipamalas ang kanilang talento at ipakita ang kanilang galing sa dumadami pang viewers ng programang ito tuwing Sabado.


On-going ang auditions para sa Talentadong Pinoy at bukas ito sa kahit sinumang gustong makipagsapalaran at ibida ang kanilang angking talino sa maraming manonood. Ngayong Miyerkules (Abril 29) ay sa SM Dasmariñas sa Cavite gaganapin ang Talentadong Pinoy auditions at sa Biyernes (May 1) naman, ay kasabay ang auditions sa masaya at bonggang TV5 LIVE CARAVAN na buong araw gaganapin sa Music Hall ng SM Mall of Asia.


Kasabay naman ng 5MAX Baranggay Screening activity ng TV5 sa Rosario Covered Court sa Pasig City ang isa pang Talentadong Pinoy auditions sa Linggo (May 3). Kaya inaanyayahan ng Talentadong Pinoy at ng TV5 ang lahat ng mga Pilipino na may angking talento at galing na puwedeng hangaan ng maraming tao na pumunta na sa mga audition venues at makisaya sa pag-shake it sa tag-init ng TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Talentadong Pinoy, hosted by the newly wed Ryan Agoncillo, will conduct auditions in SM Dasmariñas, Cavite today (April 29). On May 1, the TV5 Live Caravan will take place at the Music Hall of SM Mall of Asia.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results