PCIJ: Imee Marcos involved in shady offshore funds in the Caribbean

by Mark Angelo Ching
Apr 6, 2013
Nadadawit sa ilang kahina-hinalang offshore accounts ang ilan sa mga malalaking pangalan sa pulitika dito sa Pilipinas, kabilang na si Imee Marcos

Sa sunud-sunod na report ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) ngayong linggo, tinukoy na may mga itinatagong offshore funds ang governor ng Ilocos Norte na si Imee Marcos, ang senador na si Manny Villar, at ang congressman ng San Juan na si JV Ejercito.

Ang offshoring ay isa sa mga paraan ng ilang mga makapangyarihang tao para itago ang kanilang yaman mula sa gobyerno at sa buwis.

Dito ay idinadala ang kayamanan sa ibang bansa kung saan mahigpit ang bank secrecy laws at mababa ang pagbubuwis.

Ayon sa report ng PCIJ, ang offshore accounts ng tatlong pulitiko ay matatagpuan sa British Virgin Islands sa Carribean.

Hindi rin daw nakalagay sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga ito ang koneksyon nila sa nasabing mga offshore accounts.

Source ng PCIJ sa kanilang report ang International Consortium of Investigative Journalists, isang samahan ng mga mamamahayag mula sa iba't ibang bansa na nag-iimbestiga sa mahigit 100,000 records ng offshore accounts sa buong mundo.

Continue reading below ↓



IMEE MARCOS. Ayon sa ulat, konektado si Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa Sinta Trust, na binuo noong 2002 sa British Virgin Islands.

Bukod kay Imee ay beneficiary rin ng trust fund ang mga anak niyang sina Ferdinand Richard Michael Marcos Manotoc, Matthew Joseph Marcos Manotoc, at Fernando Martin Marcos Manotoc.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Mas kilala si Fernando Martin Marcos Manotoc bilang Borgy Manotoc, isang modelo at kilalang celebrity.

Bukod sa Sinta Trust ay konektado rin ang gobernadora sa ComCentre Corporation, na itinatag din noong 2002 sa British Virgin Islands, at sa M Trust, na itinatag noong 1997.

Hindi man alam kung gaano kalaki ang halagang pinamamahalaan ng tatlong trust fund, hindi pa rin maiiwasang isipin kung bakit hindi inilagay ni Imee sa kanyang mga SALN ang mga nasabing korporasyon.

At kahit wala sa SALN ang mga ito ay kapansin-pansin din ang biglaang pagtaas ng assets ng gobernadora mula 2010 hanggang 2011.

Sa kopya ng SALN na nakuha ng PCIJ, makikita na tumaas sa P26 million ang assets ni Imee noong 2011, mula sa P10 million lamang noong 2010.

Continue reading below ↓

Noong 2010 nagsimula si Imee bilang gobernadora ng Ilocos Norte.

Interesado rin ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) sa pondo ng mga trust fund, na hinihinalang nagtatago ng ill-gotten wealth ng pamilyang Marcos.

Trabaho ng PCGG na bawiin ang milyun-milyong ninakaw umano ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa kaban ng bayan. Ang dating Presidente ay ama ni Imee.

Ayon pa sa report, offshoring rin ang ginawang paraan ni dating Pangulong Marcos para ilabas sa Pilipinas ang kanyang yaman.

Sinubukan ng PCIJ na kunin ang pahayag ni Governor Imee Marcos sa isyung ito, ngunit hindi ito nagpaunlak ng panayam.



VILLAR AND EJERCITO. Dawit din sa isyu ng offshore accounts sina Sen. Manny Villar at San Juan Representative JV Ejercito.

Si Senator Villar daw ang beneficiary owner ng Awesome Dragon Holdings Limited, isang korporasyon sa British Virgin Islands na itinatag noong 2007, habang siya ay Senate President.

Si Congressman Ejercito naman daw ang direktor ng Ice Bell Properties Limited, na itinatag noong 1999, habang Pangulo pa ang kanyang amang si Joseph "Erap" Estrada. Si JV ay naging alkalde ng San Juan noong 2001, congressman noong 2007, at sa ngayon ay tumatakbo para sa senado.

Continue reading below ↓

Wala rin sa mga SALN ng dalawang pulitiko ang nasabing mga offshore corporations.

Nakapagbigay ng reaksyon ang dalawa sa PCIJ.

Pahayag ni Senator Villar, “dormant” o inactive umano ang Awesome Dragon Holdings Limited, at ang asset nito ay may halagang isang dolyar lamang.

Reaksyon naman ni Congressman Ejercito, ang isyung ito ay lumabas para siraan ang kanyang pagkandidato bilang senador.

Ukol naman sa kanyang SALN, inihayag ni Ejercito na, “To the best of my knowledge, I have truthfully and accurately declared all my assets, liabilities, and net worth in my Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) since 2001 when I became Mayor of San Juan and up to the present, that I am now a member of the House of Representatives.”

Bukas ang PEP na ilathala ang mga pahayag ng mga taong sangkot sa isyung ito.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadadawit sa ilang kahina-hinalang offshore accounts ang ilan sa mga malalaking pangalan sa pulitika dito sa Pilipinas, kabilang na si Imee Marcos
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results