Aga Muhlach supporters barricade CamSur town hall before proclamation of Wimpy Fuentebella

by Glenn Regondola
May 17, 2013

Naiproklama na kagabi, May 16, si William "Wimpy" Fuentebella bilang congressman ng fourth district ng Camarines Sur.

Tinalo ni Wimpy ang aktor na si Aga Muhlach.

Nakakuha si Wimpy ng 82, 834 votes laban sa 82,629 votes ni Aga.

Sa report ng late-night news program ng ABS-CBN na Bandila ay sinabing nagkagulo ang supporters ni Aga sa may munisipyo ng Tigaon, Camarines Sur bago iproklama ng provincial board of canvassers si Wimpy.

Dumagsa ang mga tagasuporta ng aktor sa takot na madaya ito.

Galit at nagdududa ang mga tagsuporta ni Aga sa bagal ng paglabas ng resulta ng halalan. Ikatlong araw na raw kasi ng canvassing pero hindi pa mailabas-labas ang totoong resulta ng botohan.

Sarado kagabi ang munisipyo at puno ng kalat sa loob, basag ang mga bintana at glass doors ng gusali. Nagkagulo rin daw sa lobby.

Maraming pulis ang nagbantay sa rally ng supporters ni Aga.

Si Wimpy naman ay hindi na pinayagang lumabas ng kanyang pamilya.

Para sa kampo ng mga Fuentebella, isang harassment sa kanila ang ginawa ng mga tagasuporta ni Aga.

Samantala, pag-aaralan pa raw ng kampo ni Aga ang susunod nilang hakbang matapos na ideklara na panalo si Wimpy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Aga Muhlach, CamSur
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results