Vilma Santos gets deglamorized, slapped, kicked, and burnt in Ekstra/The Bit Player; YouTube teaser trailer gains strong following

by Ruel J. Mendoza
Jun 16, 2013
Kasama sa trailer ang eksena kung saan sinampal, tinadyakan at pinaso ni Cherie ng sigarilyo si Governor Vi. Noong mag-sorry si Cherie sa nagawa niyang iyon sa kanilang eksena, sinagot ito ni Governor Vi ng, “Okey lang po. Part of the job.”

Mula noong nai-post sa YouTube last June 6 ang trailer ng kauna-unahang indie film ng Star for all Seasons at Batangas Governor Vilma Santos-Recto na Ekstra/The Bit Player, umani na ito ng 70,498 views.

Ang nasabing pelikula ay prinodyus ng Quantum Films at idinirihe ng award-winning filmmaker na si Jeffrey Jeturian.

Isa ito sa mga official entries ng Directors Showcase category sa 9th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival this coming July.

Kung matatandaan ay isinumite para sa 66th Cannes International Film Festival ang Ekstra/The Bit Player pero hindi ito nakasama sa mga napiling film entries mula sa Pilipinas.

Sa naturang trailer ng Ekstra/The Bit Player ay ipinakita si Governor Vi bilang si Loida, isang movie and TV extra, at ang ilan sa mga artistang nakakatrabaho niya.

Kabilang sa mga artistang nagkaroon ng guest appearance sa Ekstra/The Bit Player ay sina Marian Rivera, Piolo Pascual, Cherie Gil, Richard Yap, Cherry Pie Picache, Eula Valdes at Pilar Pilapil.

Continue reading below ↓

Kasama sa trailer ang eksena kung saan sinampal, tinadyakan at pinaso ni Cherie ng sigarilyo si Governor Vi. Noong mag-sorry si Cherie sa nagawa niyang iyon sa kanilang eksena, sinagot ito ni Governor Vi ng, “Okey lang po. Part of the job.”

Pumayag na ma-deglamourize sa pelikulang ito si Governor Vi at nakihalubilo siya sa mga totoong lumalabas na mga ekstra sa mga shootings at tapings.

Labis nga raw na nag-enjoy si Governor Vi sa kanyang paggawa ng naturang indie film.

Nagpapasalamat siya kay Direk Jeffrey at sa Quantum Films na naging matiyaga sa paghintay ng kanyang availability para makapag-shooting siya.

Pero bumilib nga si Direk Jeffrey sa actress-turned-politician dahil noong magkaroon nga ng available schedule ito, tuluy-tuloy na ang kanilang shooting.

Natapos sila ng shooting bago maging busy si Governor Vi sa kanyang kampanya noong nakaraang election kunsaan nailuklok na naman siya bilang reelected governor ng Batangas City.

Read Next
Read More Stories About
vilma santos, Quantum Films
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasama sa trailer ang eksena kung saan sinampal, tinadyakan at pinaso ni Cherie ng sigarilyo si Governor Vi. Noong mag-sorry si Cherie sa nagawa niyang iyon sa kanilang eksena, sinagot ito ni Governor Vi ng, “Okey lang po. Part of the job.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results