Derek Ramsay on being linked to Danita Paner: “Hindi ko siya nililigawan, I only hung out with Danita twice.”

by Arniel C. Serato
Jun 22, 2013
Derek on allegations that he's creating his own controversies because he's not "hot" anymore: “Wala, opinion nila yun. Ako hindi ko ginagawa 'to para maging sikat. Ginagawa ko 'to para mag entertain. Ginagawa ko 'to dahil trabaho ko 'to, so I worry about that [work]. Hindi ko ginagawa 'to para sumikat, ginagawa ko 'to para magpaligaya ng tao at siyempre responsibilidad ko 'to. I have a three year contract with TV5, and I’m very happy. Patayin na rin natin

Tatlong branches ng Dunkin Donuts ang inikot ni Derek Ramsay last Saturday, June 15, para sa Dunkin Donuts Day kung saan may pagkakataon na magpa-picture at magpa-autograph ang mga customers sa endorser nito.

Naabutan ng PEP.ph (Philippine entertainment Portal) at ng Ang Latest ng TV5 ang Kapatid actor sa ikatlong location nito sa Shoppesville, Greenhills.

Bungad niya sa amin, “Yung Dunkin Donuts Day ginagawa nila 'to, this is their 10th year.

“First time kong maka-experience ng Dunkin Donuts Day so ang sarap ng feeling na nakasama ako sa family nila at na-experience ko 'to.

“It’s their way of saying thank you sa lahat ng sumuporta sa kanila through the years.”

Dagdag pa niya, “So, nakakatuwa kasi every place we go to, napakadaming tao, napaka-successful.

“Sana andiyan pa rin ako as their endorser for next year, kasi ang sarap ng feeling, di ka mapapagod mag-smile talaga.”

BROMANCE WITH AGA MUHLACH. Mula bata, babae at maging mga lalaki ay nagpapa-picture sa Kapatid hunk. Napag-usapan tuloy na parang bromance ang dating kapag lalaki ang nagpa-autograph at nagpalitrato sa kanya.

Continue reading below ↓

Natatawa niyang kuwento, “Panoorin niyo yung bromance namin ni Aga sa Pinoy Explorer noong nasa New York kami. Yun ang bromance talaga.”

“Pagkatapos naming gawin yung Independence Day fiesta sa New York, sa Manhattan, pumunta kaming upstate New York and nag-bromance kami ni Aga for Pinoy Explorer.

“Nag-parasailing kami together, nag-rent kami ng boat, tapos we drove the boat around the lake, pagkatapos nun tumalon kami sa eroplano, so magandang experience.”

“It’s nice to see na there’s something else besides Manhattan, about New York.

“Pag pumunta kang upstate New York andaming magagandang lugar dun, andaming lakes, andaming rivers and medyo 'bromantic' lang talaga yung episode namin.”

Super successful naman daw ang Independence Day fiesta roon kung saan kasama niya bilang TV5 representatives si Aga at Megastar Sharon Cuneta.

Aniya, “You know what it’s really, really successful, siyempre naman andun si Aga at si Sharon, yung sila yung kasama ko sa float.

Continue reading below ↓

“Sikat na sikat yung float namin, naghintay talaga yung mga tao kasi medyo late kami nag-start.”

“Naghintay talaga yung tao, and punung-puno yung place.

“Yung booth natin ang pinakabongga, may may mga standee tayo, maraming mga nagpapa-picture. Yeah, it was very successful for TV5.”

Ano nga ba yung kuwento tungkol sa pagsakay ni Sharon ng taxi doon?

Lahad niya, “Ahh, there was a problem, I don’t know if she rode a taxi but na-late kami dahil may isa pang parade which was going on... a parade for Israel.

“So when we were on our way to pick her up, the streets were closed already so I think she took the hotel car to the location, but nothing to do with…

“Hindi kasalanan ni Sharon, talagang yung all roads sarado. Wala kang malulusutan.”

UNDERCOVER. Masaya naman si Derek ngayon dahil pagkatapos ng successful run ng Kidlat sa primetime ng Kapatid network ay may bago ulit siyang show kung saan sasabak siya sa matinding action scenes.

Continue reading below ↓

Katunayan, nag-taping na siya last Monday, June 17, para sa Undercover.

Kumusta naman ang experience niya sa Undercover?

Saad niya, “It’s good. Lumabas na yung poster namin na parang The Fast and the Furious.

“Mag-uumpisa kami ng taping sa Monday. Kasi medyo may mga binago so may uulitin kaming parts and ginawa na namin yung storycon at pictorial last week.”

THE CONTROVERSIAL DEREK. Hindi pa rin nakakaiwas si Derek sa maraming issue sa kanya.

Matatandaang nitong huling bahagi ng Mayo ay nakaladkad ang pangalan niya sa isyu na diumano ay tinawag niyang “gay” si Sam Milby.

Pero maagap na nagpaliwanag ang aktor tungkol dito at pati kay Sam ay nagpaliwanag na rin siya.

May mga nagsasabi pang hindi na daw sikat si Derek kaya gumagawa ng ingay.

Pero paliwanag niya, “Wala, opinion nila yun. Ako hindi ko ginagawa 'to para maging sikat. Ginagawa ko 'to para mag entertain.”

Continue reading below ↓

“Ginagawa ko 'to dahil trabaho ko 'to, so I worry about that [work]. Hindi ko ginagawa 'to para sumikat, ginagawa ko 'to para magpaligaya ng tao at siyempre responsibilidad ko 'to.”

“I have a three year contract with TV5, and I’m very happy. Patayin na rin natin yung issue na lilipat daw ako ng network uli.

“Masayang-masaya ako sa TV5 and I plan to stay with TV5 for the rest of my career, so patayin na natin yung isyung yun.”

Isa pang isyung nilinaw niya ay ang diumano’y panliligaw niya kay Danita Paner.

Natatawang sagot nito, “Patayin na natin yung isyung yan, hindi rin totoo yun you know kawawa naman din si Danita nadadamay pa yung pangalan, huwag na nating palakihin yan, 'no?

“Hindi ko siya nililigawan, I only hung out with Danita twice,” madiin niyang paglinaw.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek on allegations that he's creating his own controversies because he's not "hot" anymore: “Wala, opinion nila yun. Ako hindi ko ginagawa 'to para maging sikat. Ginagawa ko 'to para mag entertain. Ginagawa ko 'to dahil trabaho ko 'to, so I worry about that [work]. Hindi ko ginagawa 'to para sumikat, ginagawa ko 'to para magpaligaya ng tao at siyempre responsibilidad ko 'to. I have a three year contract with TV5, and I’m very happy. Patayin na rin natin
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results