Claudine Barretto reportedly has an offer to do a movie with Star Cinema

by Arniel C. Serato
Jun 26, 2013
May dalawang movie offers diumano kay Claudine Barretto kaya malaki ang posibilidad na muli siyang mapanood ng kanyang mga tagahanga sa big screen.

Muli na bang mapapanood sa big screen ang aktres na si Claudine Barretto?

Ayon sa ulat ng abs-cbnnews.com kahapon, June 25, may dalawang film projects ang napabalitang gagawin ni Claudine.

Una na rito ang isang pelikula na ipuprodyus ng Viva Films, kung saan siya nakakontrata. Ang project ay isa raw romance-drama na may titulong Eternally.

Ang pangalawa naman daw film offer kay Claudine ay mula sa Star Cinema, ang film arm ng original home network ng aktres na ABS-CBN.

Matatandaang naging prime talent ng ABS-CBN at Star Magic si Claudine sa loob ng labimpitong taon.

Noong 2010 ay lumipat siya sa GMA-7 ngunit hindi na-renew ang kontrata niya na nagtapos noong 2012.

(Read: GMA-7 did not renew Claudine's contract; TV5 has no long-term plans for the actress)

Ang huling pelikulang ginawa ni Claudine ay ang In Your Eyes ng Viva Films noong 2010.

Kahit na hindi visible si Claudine, patuloy naman siyang pinag-uusapan dahil sa away ng kanilang pamilya at sa controversial posts nito sa photo-sharing website na Instagram, kung saan ang huli nga dito ay parang may pasa ang kanyang kanang pisngi.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Claudine Barretto, Star Cinema
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May dalawang movie offers diumano kay Claudine Barretto kaya malaki ang posibilidad na muli siyang mapanood ng kanyang mga tagahanga sa big screen.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results