Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Grace Lee: “I think it is much better to keep your private life private.”

by Joyce Jimenez
Jul 10, 2013
Grace Lee on keeping mum about her private life: “Pero sa akin, after what I have experienced, I think it is much better to keep your private life private. Only because hindi mo rin masasabi kung anong puwedeng sabihin ng ibang tao tungkol sa mga bagay-bagay na nangyari sa buhay mo.”

Hindi pa rin daw sigurado si Grace Lee kung totoong hanggang Oktubre na lamang ang noontime variety show ng TV5 na Wowowillie.

Isa si Grace sa mga co-host ni Willie Revillame sa show.

“Actually, I really have no idea of what the plans are,” sagot ni Grace sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) at ibang entertainment press nang tanungin kung napag-uusapan ba ng mga host ang isyung ito.

“Sa amin lang, hanggang sa katapusan, we’ll do our best.

“And yung show naman namin is really to give hope and joy and [give] help to our kababayans.

“Kaya ‘yon ang pinaka-mission namin and doon muna kami tututok, hindi muna namin masyadong iisipin ang mangyayari in the future—one day at a time, one day at a time.”

Noong Mayo kasi, inanunsiyo ni Willie na hanggang Oktubre na lamang mag-ere ang programa, kasabay ng pagtatapos ng kanyang kontrata sa Kapatid network.

(Read: Willie Revillame announces end of Wowowillie in October)

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP si Grace kahapon, Hulyo 9, sa inihandang presscon ng Chef’s Noodle para sa kanya, na ginanap sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.



PRIVATE LIFE IS PRIVATE. Samantala, matapos ma-link noon kay Pangulong Noynoy Aquino, naging tahimik na ang lovelife ni Grace.

“Sandali lang naman naging maingay, e!” natatawang sabi ng TV host.

Dagdag niya, “Dati naman talaga tahimik ako.”

Pero giit niya, wala naman daw siyang lovelife ngayon, “I’m enjoying my work so much, nagtatrabaho ako mula 3:30 in the morning hanggang 3 ng hapon.

“Pag-uwi ko ng bahay by 5 p.m. pagod na pagod na ako.

"Kahit imbitahin ako ng mga kaibigan ko lumabas, tulog na lang pipiliin ko.”

Ngunit kung mayroon man daw, mas pipiliin ni Grace na panatilihin itong pribado, dahil na rin daw sa mga natutunan niya noong na-link siya sa Pangulo.

“Ako kasi, depende kasi sa artista,” sagot ng Kapatid talent nang tanungin ang opinyon niya kung dapat ba panatilihing pribado ang private life ng isang artista.

Continue reading below ↓

“Kung gusto ba niyang maging tahimik ang private life niya o gusto niya na malaman din ng mga fans niya ang nangyayari sa kanyang private life.

“It is really up to the artist.

“Minsan mahirap maging private kahit gusto mo, dahil maraming nangyayaring bagay sa paligid mo na hindi mo naman kontrolado.

“Pero sa akin, after what I have experienced, I think it is much better to keep your private life private.

“Only because hindi mo rin masasabi kung anong puwedeng sabihin ng ibang tao tungkol sa mga bagay-bagay na nangyari sa buhay mo.

“Kasi when it comes to your career, everyone could talk about it, but there’s so much judgment passed when it come to your private life. So it becomes really difficult.”

Read Next
Read More Stories About
Grace Lee
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Grace Lee on keeping mum about her private life: “Pero sa akin, after what I have experienced, I think it is much better to keep your private life private. Only because hindi mo rin masasabi kung anong puwedeng sabihin ng ibang tao tungkol sa mga bagay-bagay na nangyari sa buhay mo.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results