Chito Miranda to file charges over leaked "private video" with Neri Naig

by Nerisa Almo
Aug 6, 2013
"Di nyo kami matitinag." This was Chito Miranda's short message on his Instagram account after admitting private video with girlfriend Neri Naig.

Desidido umano si Chito Miranda na kasuhan ang taong nagkalat ng “private video” nila ng kanyang girlfriend na si Neri Naig.

(Read: Chito Miranda admits "private video" with girlfriend Neri Naig)

Ito ang naging pahayag ni Rommel Cajayon ng Backbeat, ang talent management ni Chito at ng kanyang bandang Parokya ni Edgar.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, kumukonsulta na raw ngayon ang kilalang bokalista sa ilang abugado para alamin kung paano matutukoy ang social networking sites na nag-post ng intimate video nila ng kasintahan.

Samantala, kasunod ng paghingi ng tawad ni Chito sa paglabas ng “private video,” nagpahayag naman ng suporta ang kanyang mga kamag-anak.

Ayon sa kapatid ni Chito na si Yna Dalisay, “The family is 100% behind Chito and Neri.

“I personally think there was absolutely nothing wrong with what they did and for me, there is nothing to be ashamed of or apologized for.

“Ang may mali yung nagnakaw ng video at ang mga patuloy na nagkalat. Alam nila it was meant to be private.”

Continue reading below ↓

Sa hiwalay na Twitter post noong Sabado, August 3, sinabi ni Chito na ang “private video” ay lumabas matapos manakaw ang kanyang hard drive.

Thanks for all your prayers and encouraging messages. Our hard drive was stolen from our room in our house along with several other stuff...

— Alfonso Miranda Jr (@chitomirandajr) August 3, 2013

Samantala, nagpahayag naman ng pagkadismaya ang talent manager ni Neri na si Manny Valera sa nagpakalat ng “private video” ng Star Circle Quest alumna at ng Parokya Ni Edgar vocalist.

“Shame on those who continue to share the video on their social networking sites. Let us not judge them. They are people in love. But it's clear that Neri Naig's rights were abused and violated. She did not approve or consented to the uploading of a private video,” sabi ni Manny sa panayam ng ABS-CBN News.

Sa kabila ng kontrobersiya, nananatili namang matatag ang magkasintahang sina Chito at Neri.

Kasunod ng pag-amin sa Instagram, isang larawan naman kasama si Neri ang nai-post ni Chito. Ito ay may caption na, “Di nyo kami matitinag.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Di nyo kami matitinag." This was Chito Miranda's short message on his Instagram account after admitting private video with girlfriend Neri Naig.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results