TV5 executive Perci Intalan marries director Jun Lana in New York

by Arniel C. Serato
Oct 15, 2013
Kasal na ang writer-director na si Jun Lana (kaliwa) at ang TV5 executive na si Perci Intalan (kanan). Ikinasal ang dalawa sa Central Park, sa New York, kahapon, October 14.

Ikinasal na ang TV5 creative and entertainment head na si Perci Intalan at ang award-winning director/screenwriter na si Jun Lana.

Naganap ang same-sex marriage ng dalawa kahapon ng umaga, October 14, sa Bethesda Fountain, Central Park, sa New York.

Ngayong araw, October 15, ay nag-post si Jun sa kanyang Instagram account (@junrobleslana) ng mga litrato na kuha mula sa kanilang kasal.

Una ay ang larawan nila ni Perci, kaharap ng officiating person, kung saan may naka-caption itong: "Just Married."

Continue reading below ↓

Nag-post din si Jun ng larawan ng kanilang wedding kiss.

May caption itong: “Grateful to all our friends and family who traveled from near and far to join us on our special day.”

Kasunod nito ang larawan kasama ng kanilang mga kaibigan at kamag-anak na kasama sa wedding entourage at guests.

Continue reading below ↓

Caption dito ni Jun: “Wacky wedding!"

Ang huling larawang ipinost ni Jun ay ang kuha nila ni Perci sa Central Park West, na naging tagpuan nila bago ang kasalan.

Naka-caption dito: “8:30 am. Meeting point at 72nd and Central Park West.”

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Jun Lana, Perci Intalan
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasal na ang writer-director na si Jun Lana (kaliwa) at ang TV5 executive na si Perci Intalan (kanan). Ikinasal ang dalawa sa Central Park, sa New York, kahapon, October 14.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results