Si Ai-Ai delas Alas mismo ang nagkumpirma sa pagpanaw ng kanyang biological mother ngayong araw, December 30.
Sinabi ng komedyante na Alzheimer's disease ang ikinamatay ng inang si Gloria Hernandez. Hindi naman malinaw kung ilang taon na ang kanyang namayapang ina.
Sa kanyang Instagram account inanunsiyo ng comedy-concert queen ang balita.
Sa pamamagitan ng video post, inalala ni Ai-Ai ang mga sandaling magkasama sila ng ina.
Sa caption, inihayag nito ang labis na pagmamahal sa ina.
AI-AI'S COMPLETE POST. Narito ang post ni Ai-Ai, published as is. Ginalaw lang ng PEP ang haba ng mga talata para sa mas madaling pagbasa sa web:
“DEAR INAY.kahit ngayun na lang na may alzheimer ka na na kahit hindi mo ako nakikilala masaya ako kasi nakapiling kita.. naramdaman ko na mayakap ka mahalikan at maalagaan kahit konte...
"alam ko nung kinuha ako sayo nung baby pako nagkasakit ka ng tatlong bwan sa lungkot... ngayun ako naman ang nalungkot kahit alam kong kasama ka na ng ating panginoon..
"sobra kitang ma mi miss .. sobra ka naming ma mi miss pati mga followers ko na inaabangan ka sa ig lahat ng mga cute moments naten .. mahal na mahal kita nay
"....kanina nung nag mir ka ang sarap ng pakiramdam ko na nagkasama tayong 2 lang sa loob yun na pala yun ... pahinga ka na nay alam kong napagod ka ng ilang araw... happy new year ..
"kahit wala ka na alam ko makikita mo kami na magdiriwang sa pagpasok ng bagong taon kasama mo na si tatay magkikita na kayo ...2 years ago ganito din yun
"....PAALAM SA NAGBIGAY SAKEN NG BUHAY ... MARAMING SALAMAT NAY... Mahal na mahal kita..,,”
Noong bago mag-Pasko na-admit sa ospital ang ina ni Ai-Ai at doon na din ito nagdiwang ng kapaskuhan.
Sa post ni Ai-Ai sa Instagram noon namang December 24, sinabi niya (posted as is): “happy naman si motherhood kahit magpapasko sila sa hospital... merry christmas sa ate belen , eman my pamngkin .. labyu .. i love you nay ....”
ADOPTED CHILD. Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na adopted child si Ai-Ai.
Pagkapanganak sa kanya ng tunay na ina noong November 11, 1964, dinala siya agad ng kanyang amang si Engineer Rosendo delas Alas sa Maynila mula Calatagan, Batangas.
Pinalaki si Ai-Ai ng kapatid ng kanyang ama na si Justa delas Alas, isang matandang dalaga.
Pitong taong gulang si Ai-Ai nang malaman niyang ampon siya.
READ: Ai-Ai delas Alas: Right at home in her super sosyal house!