Comedian Tado Jimenez killed in tragic bus accident in Mountain Province

by Arniel C. Serato
Feb 7, 2014
May mga pahiwatig na nga ba ang komedyanteng si Tado Jimenez bago ito nasangkot sa malagim na trahedya ng pagkahulog ng bus na sinakyan nito sa Bontoc, Mountain Province? May post kasi ito sa Instagram kung saan sinabi niya ang mga salitang “north o south…. cemetery.”

Isa ang komedyanteng si Tado—Arvin Jimenez sa tunay na buhay—sa labing-apat na kataong nasawi sa nahulog na bus ng Florida Transit kaninang umaga, February 7, sa Sitio Paggang, Barangay Talubin, Bontoc, Mountain Province.

Si Tado ay 39 years old.

Ayon sa ulat ng Aksyon, ang primetime newscast ng TV5, nasa 120 metro ang lalim ng binagsakan ng nahulog na bus.

Sa panayam kay Chief Inspector Benjamin Challoy, ang chief of police ng Bontoc, Mountain Province, sinabi nitong base sa mga testimonya ng mga nakaligtas, nagkaroon daw ng pagpalya sa preno ng bus.

Patuloy pa rin daw nilang iniimbestigahan ang iba pang dahilan ng sakuna.

Kabilang sa nakaligtas sa disgrasya ang dalawang driver at konduktor ng naturang pampasaherong bus.

Handa naman daw tumulong ang pamunuan ng bus company sa mga gastusin ng mga namatay at kasalukuyang mga ginagamot sa ospital.

Naulila ni Tado ang kanyang apat na anak na babae at asawang si Lei.

Continue reading below ↓



PREMONITIONS? Bumuhos naman kaagad ang pakikiramay sa mga naulila ni Tado sa social media, lalo na sa Twitter.

May iba namang nag-tweet tungkol sa pakay ng biyahe ni Tado sa Mountain Province.

Ayon sa tweet ni Eurika Rosario: "Tado was apparently going to Mountain Province for a project, ironically titled: "Life begins at the mountain." OMG :( Then he died.”

Nag-retweet din ang singer-composer na si Noel Cabangon.

Kalakip din nito ang cover na may pamagat ng libro na gagawin daw nito na Life Begins at the Mountains.


@dakila_ph: To those who are asking, reason why Tado Jimenez went to Bontoc was for this project. pic.twitter.com/xenMTZVTbf”Paalam kasama!

— Noel Cabangon (@noelcabangon) February 7, 2014


Kahapon, February 6, sa Instagram account naman ni Tado (@tadojimenez), nag-post ang komedyante ng isang larawan habang mini-makep-an siya.

May caption itong: “North o South.... cemetery?”

May isa rin itong post na larawan ng isang tabloid headline na may salitang "todas."

Kahapion din, habang sakay sa Florida bus, ay nag-post pa si Tado ng larawan ng naturang bus.

Naka-caption dito ang mga salitang: “Long trip, as in trip trip.”

Continue reading below ↓

Huling post nito ay larawan ng kalabasa.

Naka-caption dito ang: “Bigla ko na alala, grades ko sa eskwela.”


"TADO" IN SHOWBIZ. Nagsimula sa showbiz si Tado noong early 2000.

Ang screen name niya ay mula sa dinaglat na Tagalog word na "tarantado."

Naging bahagi siya sa teleserye ng ABS-CBN na Bituin, bilang King, noong 2002.

Ang ilan pa sa mga show na kanyang kinabibilangan ay ang mga sumusunod: Klasmeyts (2002), Masayang Tanghali Bayan (2003–2004), OK Fine, Whatever (2003), at MTB: Ang Saya Saya (2004–2005).

Bukod sa TV shows, lumabas din si Tado sa ilang comedy movies. Kabilang na dito ang D'Anothers (2005), Scaregivers (2008), at My Little Bossings (2013).

Bukod sa pagiging komedyante, si Tado ay isa ring radio personality, negosyante, at aktibista.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May mga pahiwatig na nga ba ang komedyanteng si Tado Jimenez bago ito nasangkot sa malagim na trahedya ng pagkahulog ng bus na sinakyan nito sa Bontoc, Mountain Province? May post kasi ito sa Instagram kung saan sinabi niya ang mga salitang “north o south…. cemetery.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results