PEP EXCLUSIVE. Charice's camp demands apology from American singer Rex Smith for allegedly disrespecting Pinay singer

by Arniel C. Serato
Feb 13, 2014
Hindi raw mawari ni Charice at ng kanyang musical director kung bakit sila pinagsisigawan ng American singer na si Rex Smith sa gitna ng kanilang rehearsal para sa isang corporate show sa Cebu. Pero hindi raw sumagot ang Pinay singer sa paninigaw ng banyagang singer.

Binastos diumano ng American singer na si Rex Smith ang Pinay international singer na si Charice sa isang corporate show sa Cebu noong Martes, February 11.

Nangyari ang insidente sa Raddison Blu Hotel Cebu, habang nagsa-sound check si Charice para sa gagawin nitong show kinagabihan.

Ayon sa musical director ni Charice na si Troy Laureta, na eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng telepono kagabi, February 12, “It happened during sound check.

“I was up stage checking if everything sounding good and when I turned around, I saw that Rex Smith was on stage telling Charice to stop what she was doing.

“I actually told him that we’re in the middle of the sound check and he said that, ‘I’m an artist too and that I don’t wanna hear from you.’”

Inilabas daw si Rex sa venue ng mga taong naroroon dahil nagsisigaw raw ito at galit na galit sa kanila.

Continue reading below ↓

Hindi raw nila alam kung saan nanggaling ang galit ng American singer at kung bakit sila nito sinigawan.

Si Rex Smith, 58, ay isang American singer-actor na nagpasikat ng mga kantang "Simply Jessie," "You Take My Breath Away," "Never Gonna Give You Up," "Love Will Always Make You Cry," at "Everlasting Love."

“CHARICE STILL RESPECTED HIM…” Ayaw na raw sanang palakihin ni Charice ang nangyaring gusot, pero ayon sa manager nitong si Glenn Aldueza, nararapat lang na humingi ng paumanhin ang banyagang mang-aawit sa Pinay singer.

Ayon sa statement na ipinadala ni Glenn sa PEP, sinabi niyang nirespeto pa rin ni Charice ang veteran singer kaya hindi niya ito sinagot sa ginawang paninigaw.

Dagdag pa ni Glenn, “What Rex did is more than disrespectful of the caliber of a singer that Charice is.

“Charice still respected him by not answering back.

“He ought to apologize to Charice.”

Continue reading below ↓

Sa ngayon, wala pang pahayag ang kampo ni Rex ngunit mananatiling bukas ang PEP sa anumang statement na ilalabas ng kanyang kampo.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi raw mawari ni Charice at ng kanyang musical director kung bakit sila pinagsisigawan ng American singer na si Rex Smith sa gitna ng kanilang rehearsal para sa isang corporate show sa Cebu. Pero hindi raw sumagot ang Pinay singer sa paninigaw ng banyagang singer.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results