Tintin Bersola-Babao and husband Julius Babao fly to Hong Kong for Valentine escapade

by Glen Sibonga
Feb 14, 2014

"Kami, seven years kaming mag-on, 'tapos ten years [nang kasal]."

Kuwento pa ng TV host, "Noong nasa London kami… hilig talaga naming mag-travel kahit noong binata at dalaga pa kami.

"Noong nasa London kami, pinag-usapan na namin yung next trip.

"Sabi ko kay Juls, ‘Alam mo, ang sarap talaga pag nagta-travel nang walang kids, yung tayong dalawa lang. Ano kaya sa Valentine’s? Uy, February 14, Friday, Valentine weekend. Saan mo ako idi-date?’

"Ganun lang ako. 'Tapos eto na siya… sa Hong Kong!"

So, silang dalawa lang ulit?

“Oo, kaming dalawa lang. Tinotoo niya.

"Biniro ko lang siya, ‘Dalhin mo naman ako somewhere.’ 'Tapos ayun.”

Pag-amin pa ni Tintin, kahit hindi Valentine, every week ay nagdi-date pa rin sila ni Julius.

“Oo, every week pa rin. After the taping [ng Face The People], 'Dali, may date pa kami ni Julius!'

"Kundi before Bandila, after Bandila.”

Ang Bandila ang late-night news program ng ABS-CBN kung saan isa sa anchors si Julius.

Continue reading below ↓


"Kasi, sa totoo lang, saan ba ako tumanda, 'di ba, sa morning show?

"Ibang-iba ang format ng morning show, nakangiti, happy stories.

"Biglang opposite na opposite, pagdating ko dito [Face The People], shock talaga ako. Natutulala ako, as in shock!

"Puro tanong ko lagi, 'Bakit?'

"Pag-uwi ko sa bahay, pagkatapos ng tatlong araw, nandoon pa siya sa system ko.

"Ikukuwento ko sa asawa ko, ‘Alam mo yung kanina…’ Kuwento-kuwento para lang mailabas ko.

"Buti na lang nandiyan ang asawa ko para makinig."

Pero ngayon daw ay nasasanay na si Tintin lalo na at pumapasok na sa Season 2 ang Face The People.


Read Next
Read More Stories About
Julius Babao
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results