Vice Ganda submits sworn statement in Vhong Navarro-Roxanne Cabañero rape complaint

by Nerisa Almo
Feb 26, 2014
“Wala namang masyadong pressure, wala namang masyadong stress. Sinabi ko lang naman yung alam ko,” says Vice Ganda about submitting his affidavit about the Vhong Navarro-Roxanne Cabañero rape complaint.

Bilang suporta sa kaibigang si Vhong Navarro, nagbigay ng kanyang sinumpaang salaysay si Vice Ganda kaugnay sa panibagong rape complaint laban sa aktor.

Kaninang umaga, February 26, pumirma at nanumpa si Vice sa Pasig Prosecutor’s Office.

Ayon kay Vice, ginawa na niya ngayon ang panunumpa dahil aalis siya mamaya papuntang Amerika para sa kanyang nakatakdang show sa February 28.

“I have to do this now kasi aalis ako. Pupunta ako ng Amerika mamaya.

“The moment na mag-file si Vhong ng counter-affidavit niya, baka wala ako.

“E, kakailanganin ang statement ko kaya kailangan kong ipasa ang statement ko,” sabi ni Vice sa maiksing panayam sa kanya ng media na lumabas sa ABS-CBN News online.

Nang tanungin tungkol sa sinumpaang affidavit, sabi ni Vice, “Okay lang naman.

“Wala namang masyadong pressure, wala namang masyadong stress.

“Sinabi ko lang naman yung alam ko.”

Nakasaad daw sa kanyang affidavit ang nauna na niyang pahayag, na kasama niya si Vhong noong gabi ng April 24, 2010.

Continue reading below ↓

Noong araw na iyon daw ginanap ang kanyang concert na May Nag-Txt, May Concert Ako sa Island Cove, sa Cavite, kung saan si Vhong ang kanyang main guest.

Sa isinumiteng sinumpaang salaysay ng complainant na si Roxanne Cabañero, sinabi niyang naganap ang panghahalay sa kanya ni Vhong noong gabi ng April 24, 2010, malapit sa Astoria Plaza Hotel.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa legal counsel ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga, ipinaliwanag nito na ang pahayag ni Vice ay magiging bahagi ng counter-affidavit na isusumite ni Vhong.

Ayon kay Atty. Mallonga, March 13, 2014 ang huling araw ng pagsumite ni Vhong ng counter-affidavit, ngunit hindi na nila paaabutin ng ganun katagal ang pagsagot sa alegasyon ni Roxanne.

Read: Vice Ganda to testify in Vhong Navarro-Roxanne Cabañero rape complaint

Read Next
Read More Stories About
Vice Ganda
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Wala namang masyadong pressure, wala namang masyadong stress. Sinabi ko lang naman yung alam ko,” says Vice Ganda about submitting his affidavit about the Vhong Navarro-Roxanne Cabañero rape complaint.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results