Cherie Gil reacts to her supposed "walkout" on the set of Ikaw Lamang

by Rachelle Siazon
Mar 28, 2014
Cherie Gil's latest Twitter post about her reported misunderstanding with Ikaw Lamang's production/creative staff: "You have completely twisted the truth @ericjohnsalut I rest my case. There's nothing more to be said."

Mabilis na kumalat sa social media ang diumano’y naganap na pagwu-walkout ng aktres na si Cherie Gil sa set ng ABS-CBN primetime series na Ikaw Lamang kamakailan.

Nag-ugat ang balita sa Twitter post ni Cherie, kung saan inihayag nito ang kawalan ng “work ethics” sa mundo ng soap opera.

Bandang 7:30 ng umaga noong March 26, Miyerkules, inilathala ni Cherie ang sumusunod na status sa kanyang Twitter account (@macherieamour):

Work ethics ? Why can't it exist in the world of soaps? Sadly it doesn't. There must be a better way

— Cherie Gil (@Macherieamour) March 26, 2014

Bagamat walang partikular na teleseryeng nabanggit ang beteranang aktres, nagkaroon ng espekulasyon kung sino ang pinatutungkulan niya.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na si Cherie ay bahagi ng cast ng Ikaw Lamang, kung saan siya ay gumaganap bilang ina (Miranda) ng karakter ni Jake Cuenca (Franco).

March 27, Huwebes, nang ibunyag ni Eric John Salut, publicity head ng Dreamscape unit ng ABS-CBN, ang tungkol sa alitan sa pagitan ni Cherie at ng production/creative staff ng Ikaw Lamang.

Ayon kay Eric John, nag-walkout si Cherie sa set ng Ikaw Lamang nang hindi ito payagan ng staff na umalis ng mas maaga sa 2 a.m. cut-off nito.

Continue reading below ↓

Umalma siya dahil hindi raw tama na sisihin ng beteranang aktres ang staff ng soap, lalo pa’t pinagbibigyan naman ang huli kapag kailangan nitong mag-leave of absence.

Pahayag ni Eric John sa kanyang Twitter account (@ericjohnsalut):

"Cherie Gil is supposed shoot her scenes till 2AM (the usual cut off) but she wanted to leave at 10PM to attend a send off party.

"Siyempre, hindi siya pinayagan ng production kasi hindi siya nagpaalam ahead of time.

"She was permitted to a 2-week leave for her musical play. The day she walked out of the taping was the day she resumed taping for Ikaw Lamang.

"Why blame the production? Why blame the writers? This is not fair! Teka lang ha."

To set the record straight: Cherie Gil is supposed shoot her scenes till 2AM (the usual cut off) but she wanted... http://t.co/PUTYT7SpA2

— EJS (@ericjohnsalut) March 27, 2014

"TWISTED TRUTH." Ngunit mariing pinabulaanan ni Cherie ang pahayag ni Eric John tungkol sa diumano’y pagwu-walkout niya sa set ng Ikaw Lamang.

Sadyang binaluktot daw ni Eric John kung anumang ‘di pagkakaintindihan sa pagitan niya at ng staff ng show.

Continue reading below ↓

Ito ang pahayag ni Cherie sa kanyang Twitter bandang alas-tres ng hapon ngayong araw, March 28:

You have completely twisted the truth @ericjohnsalut I rest my case. There's nothing more to be said.

— Cherie Gil (@Macherieamour) March 28, 2014

Liban dito ay hindi na nagbigay ng iba pang detalye ang beteranang aktres.

Pinadalhan ng PEP ng mensahe sa Twitter si Cherie upang kunin ang panig nito hinggil sa isyu, ngunit hindi pa ito sumasagot sa ngayon.

Sinubukan din naming hingan ng opisyal na pahayag ang ABS-CBN Corporate Communications, ngunit at press time ay wala pa itong ipinapadalang sagot.

Mananatiling bukas ang PEP sa panig ng magkabilang partido kaugnay ng isyung ito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cherie Gil's latest Twitter post about her reported misunderstanding with Ikaw Lamang's production/creative staff: "You have completely twisted the truth @ericjohnsalut I rest my case. There's nothing more to be said."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results