Rochelle Pangilinan no wedding plans yet with boyfriend Arthur Solinap

by Rose Garcia
Apr 2, 2014
Bagamat naiinggit daw si Rochelle Pangilinan kay Jolina Magdangal ngayong may anak na ito, mas gusto raw niyang ikasal muna bago magka-baby. Sabi niya, "Gusto ko kasal muna pa rin bago ang baby. Mas pabor ako na kasal muna bago anak. Mas masarap ramdamin ang honeymoon na wala kang ibang iniisip. Pero sa ngayon, talagang wala pa kaming plano."

Tila sunud-sunod ngayon ang celebrity couples na nagpu-propose at nagpapakasal.

Kaya naman tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rochelle Pangilinan kung wala pa silang balak magpakasal ng longtime boyfriend niyang si Arthur Solinap.

Sagot ng dancer turned actress, “Wala, wala pa.”

Hindi ba siya nakakaramdam ng inggit kapag nababalitaan niyang may nagpu-propose o ikinakasal na artista?

Sagot ni Rochelle, “Hindi, hindi ako naiinggit.

“Darating din ako diyan. Think positive!

“Actually, naiinggit ako kay Jolina, kasi may baby na siya.”

Magkasama sina Rochelle at Jolina Magdangal sa PPL Entertainment Inc.

Gusto na niyang magka-baby?

“Oo, pero okay lang, meron na naman akong dog!” natatawang biro niya.

Dugtong ni Rochelle, “Pero siyempre, gusto ko kasal muna pa rin bago ang baby.

“Mas pabor ako na kasal muna bago anak.

“Mas masarap ramdamin ang honeymoon na wala kang ibang iniisip.

“Pero sa ngayon, talagang wala pa kaming plano.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rochelle sa pocket presscon para sa mga artistang nasa pangangalaga ng PPL Entertainment, Inc. ni Perry Lansigan noong March 27.

Continue reading below ↓



CARMELA.Kasalukuyang napapanood si Rochelle sa primetime series na Carmela: Ang Pinakamagandang Babae Sa Mundong Ibabaw.

Ang madalas daw niyang kaeksena ay ang mahusay na aktor na si Raymond Bagatsing, na gumaganap bilang boyfriend niya.

Sabi ni Rochelle tungkol sa aktor, “Actually, okay siyang katrabaho kasi mahuhugutan mo siya.

“Hindi siya selfish. Nagbabasa siya, e.

“At saka ako sa Carmela, okay. Pati mga staff, masasayang kasama.”

Hindi pa naman daw sila nagkakaroon eksena ng lead star ng Carmela na si Marian Rivera.

“Wala pa kasi kaming scene, papunta pa lang ako kay Carmela na siya naman ang aawayin ko.

“Sa ngayon, ang focus ko, na kay Raymond pa rin talaga.

“Pero inaalam ko pa kung sino ang babae niya.”

Bagamat kontrabida ang karakter niya sa Carmela, bilang si Yolly, nag-iisip daw si Rochelle ng ibang atakeng gagawin bawat eksena niya.

Saad niya, “Ang hirap, e, ang hirap paglaruan. Kasi, luka-luka ang character ko.

Continue reading below ↓

“Basta bawat eksena, sinisigurado ko na may kakapuntahan. Kasi, nakakatakot kapag bumitaw.

“Ngayon, ang ginagawa ko, kapag nandiyan na, nagpo-focus na ako sa kanya.”



INDIE FILMS. Kasama rin si Rochelle sa indie film na Asintado, entry sa Directors’ Showcase ng Cinemalaya 2014. Mula ito sa direksiyon ni Louie Ignacio.

Ikalawang indie film na sana ito ni Rochelle kung natuloy ang na-shelve na Lam-Ang, na pagtatambalan sana nila ni Rocco Nacino.

Kapag naaalala raw ni Rochelle ang Lam-Ang ay nanghihinayang siyang hindi ito natuloy.

Sabi niya, “Sayang kasi ang ganda ng mga fight scenes namin doon.

“Nakaka-frustrate, parang, ‘Tama nga ba ang ginawa ko dun? Baka dahil sa ginawa ko…’

“Pero hindi, e, talagang kinapos [sa budget]. Ang mahal kasi ng ginawa nila kaya hindi kinaya.

“Pero sayang, sayang lang, kasi yung lahat ng fight scenes, mga eksena, mga drama-drama, sayang.

“Ang galing pa naman ni Direk [Ana Agabin].”

Dito naman sa Asintado, positibo raw si Rochelle na hindi magiging katulad ng sinapit ng Lam-Ang ang bago niyang indie film.

Continue reading below ↓

“Tama ba ang term ko… parang pokpok ako dito. Dyowa ako rito ni Gabby Eigenmann.

“Galing akong Maynila na malanding-malandi lang talaga.

“Pero maganda ang istorya ng Asintado.”

Personal daw silang pinili ni Gabby ni Direk Louie para sa role nila kung kaya’t hindi na sila kinailangan pang dumaan sa audition.



JUICING BUSINESS. Dahil hindi naman sunud-sunod ang taping days ni Rochelle sa Carmela, nabuo raw ang juicing business niya.

Into juicing at pagtitinda ng organic juices ngayon ang dating SexBomb dancer. At siya raw mismo ang nagpi-prepare ng mga juice.

Sabi niya, “Siguro yung isang set, nagagawa ko siya ng two hours.

“Yung assistant ko, katulong ko rin siya.

“Parang mas gusto na nga niyang mag-juice kesa mag-P.A. sa akin!” natatawang sabi ni Rochelle.

Bukod sa juicing business, isa rin si Rochelle sa may-ari ng Reluxe Spa sa Luxent Hotel. Paano niya nagagawang personal na asikasuhin ang pagdyu-juicing?

“Siguro, kung sakaling lalakas pa siya, hanggang ten set lang siguro ako a day, hindi ko na siya kakayanin.

Continue reading below ↓

“Kasi kailangan ma-deliver mo siya sa gabi para kinabukasan, mainom na nila.”

Karamihan daw ng suki niya ay mga kapwa niya artista.

Sabi ni Rochelle, “Alam mo, nae-enjoy ko siya, e.

"At ang maganda, hindi siya iba na business. Nasa line ko siya."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bagamat naiinggit daw si Rochelle Pangilinan kay Jolina Magdangal ngayong may anak na ito, mas gusto raw niyang ikasal muna bago magka-baby. Sabi niya, "Gusto ko kasal muna pa rin bago ang baby. Mas pabor ako na kasal muna bago anak. Mas masarap ramdamin ang honeymoon na wala kang ibang iniisip. Pero sa ngayon, talagang wala pa kaming plano."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results